Chapter 6

33 2 0
                                    

"Elena, I love you and I always do."

"Elena, I miss you so bad!"

"Elena"

"Elena!"

"Mahal na mahal kita Elena."

Nagising nalang ako pagkatapos sinabi sa akin ng isang lalaki na mahal niya ako. Sino kaya yun? Nakakatawa. May nagmamahal pala sa akin? Oh baka may nagkagusto sa akin na multo. Ay ewan. Tumingin ako sa wall clock at 5am pa pala. Sobrang aga ko palang na gising.

Kinuha ko yung phone ko at nag basa ng text. Text lang naman ng kaibigan ko ang laman ng inbox ko except sa isa. Sino naman kaya to?

+639051234567
Hi..

Hindi din naman ako nag e-entertain ng mga unknown numbers eh kaya delete ko nalang. Tumayo ako at nagbihis pang jogging. Sige kailangan ko ng mag exercise bago punta ng school.

Sinuot ko yung EarPods ko at nag simulang mag jog sa subdivision. Medyo madilim pa kaunti pero okay na. May nakikita na rin akong mga kapit bahay na nag jo-jog na rin. Nalibot ko na ang buong subdivision pero hindi pa rin ako napagud kaya lumabas ako ng subv at nag jog.

Medjo malayo layo na rin ako at babalik na sana ako ng subv ng may nahagilap yung magandang mata ko. Dalawang lasing na lalaki at binabastos ang isang babae. Pinipilit pa nitong sumama sa kanila kahit di naman gusto ng babae. Lumapit ako at agad kong sinipa yung private part ng isang lalaki kaya napabitaw niya ang pagkakahawak nito sa babae at lumuhod hinahawakan yung uh-hm niya.

Mga bata pa pala tong mga maniac na lalaking to. Nasa 20 y/o ang estimate ko. Hinawakan ko yung babae upang umalis na sa lugar pero nahigit ng isang lalaki ang braso ko, kaya agad ko itong sinipa sa ulo at sinuntok sa sikmuka. Hindi naman matigas yung abs niya kaya ayun, sumuka. Gross lang. Sobrang kadiri.

Tumakbo na kami palayo sa kanila at di ko namalayan ay nasa tapat na pala kami ng subv namin.

"Miss, maraming salamat talaga sa tulong mo. K-kung wala ka dun m-malamang.." Naiiyak na sabi sa kin ng babae.

"Sos! Wala yun. San ba bahay mo? At papara na ako ng taxi." Pumara na akong ng taxi pero siya ay iyak pa rin ng iyak. Aish. Pinasakay ko na siya at binigyan ko ng 500 yung manong driver. Kasya na kaya yun? Aalis na sana ako.

"T-teka manong driver, Miss. Miss? Ano yung pangalan mo? Para naman makapag pasalamat ako sa ng maayos."

Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Ngumiti ako. "Aysos! Di na kailangan, sige na. Tsupi. Alis baka napano ka pa ulit." At tumalikod na ako at nag lakad pabalik ng bahay.

Ligo. Bihis. Kain. School.

Pagpasok na pagpasok ko palang ng school ay sobrang magulo at maingay na. Ano na naman ba ang nangyayari dito? Papunta na sana ako ng locker ng nakita kong palapit sa akin si Ana, Divina at Rancel. Para bang natatakot sila sa nangyayari.

"Best!!" Sabay nilang tawag sakin. Ano bang problema nitong babaeng to.

"Anyare? Bakit ganyan ang mga mukha ninyo?" Tanong ko sa kanila.

"Best! Ano kasi. Errr.. uh-hm paano ba? Ikaw na mag sabi Divina." Sabi ni Rancelina.

"Ano? Uh-hm hehe. Best ano kasi, mayron kasing ano.. ano.." hindi parin maituloy ni Divina kaya tinutulak tulak niya si Ana para siya na mag sabi sa akin.

"Bakit? Ano ba ang nangyayari?" Tanong ko sa kanila ulit.

"Ano kasi best, sa locker kasi..." Naputol ang sinabi ni Ana ng may narinig kaming sigaw ng isang babae.

Stranger to meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon