Simulan

28 3 0
                                        

Promise

Bawat hakbang na nagagawa ng nga paa ko, nakikita ko kung paano mabuhay ang isang normal na tao sa paligid ko. Naiingit ako sa kanila.

Nagagawa nila ang gusto nilang gawin, nararamdaman nila ang kaya nilang damahin. But i chose to smile. This smile isn't a mask.

I am happy that i have my crazy friends, family, and everything I need.

"Hoy Lyene! Anong nginingiti mo dyan? Andito kami!"

Natauhan lang ako dahil sa mga kaibigan kong nakaway sa isang table. Foundation day kasi ngayon kaya maraming pakalat kalat na mga estudyante sa paligid.

Patungo na ako papunta sa mga kaibigan ko nang may biglang...

May biglang...

"Ah!"

May biglang sumungab sa akin at tumapon ang milk shake na dala dala nya. Ngayon muka na akong panda. Punong puno ng chocolate ang katawan ko tapos ang muka ko naman ay may wisik pa.

"Bakit ba naman kasi hindi tumitingin sa daan!? Bakit ba naman kasi hindi nagiingat!? Wala man lang sorry o pasen-"

"Hoy, Lyene. Umalis na."

Nas lalong naginit ang sistema ko sa inis dahil sa kung sino man iyon. Hindi man lang sya mag sorry o pasensya na.

"Hindi nyo ba talaga nakita kung sino 'yon?"

Habang nagpapalit ako ng damit ay naitanong ko sa kanila kung sino iyon. Pagkalabas ko ng cubicle ay parang wala akong sinabi. Mga nakatingin pa sa kisame.

Yung iba naman sa sahig o nagmumuni-muni pa. Why are they acting weird? Sino ba 'yon?

"Hoy! Mga naenae! Ano na? Sino ba iyon?"

"Hindi namin nakita..."

Hindi ko narinig ang sinabi ni dionne dahil nag ring ang cellphone ko. Agad ko itong kinapa sa aking bulsa at sinagot ang tawag.

"Yes, Ma?"

Hindi ko alam kung bakit ako natataranta sa balita ni Mama. Agad akong nagtungo sa palabas ng CR. Hindi na ako naka pag paalam sa mga kaibigan ko.

Nagtatakbo ako papuntang parking lot at pinatunog ang sasakyan. Agad ko itong pinaharurot.

Pinagpapawisan ako ng malamig kahit na may aircon naman dito. Hinihingal na ako. Hindi na ako makahinga. Nanlalabo na ang paningin ko.

"Ay lintek na aso!"

Agad kong iniwasan ang padaan na aso. Pag angat ko ng tingin ay ilaw nalang na nakakasilaw ang nakita lo bago mag dilim ang paningin ko.

"She just need to rest, Mrs. Sevayn."

Iminulat ko ang mata ko sa isang puting kwarto. Nakita ko lang si Momma na humihikbi sa tabi.

Alam ko kung bakit sya umiiyak. Kaya agad na ring tumulo ang luha ko.

"Momma, where's Papa?"

Nilingon ako ni Momma. Lungkot at pagod lang ang nakita ko sa mga mata nya nang tignan nya ako. Bumaba ang balikat ko.

"He's just sleeping. Forever."

Ngumiti si Momma sa akin kahit na alam ko na hindi talaga sya natutuwa. Bumangon ako at niyakap si Momma. I don't want to see her like this. Her weak side. Seeing her crying makes my heart break.

I promise, hindi ako gagawa ng gulo o ano man ang ikakalungkot ni Momma. I will always make her proud. Para naman agad na mapunan 'non ang lungkot dahil wala na si Papa.

"Momma, let's eat breakfast na."

Umupo ako at kinuha ang kanin at nilagyan si Momma. Alam ko na gusto nyang pinaglalagay ko sya nito. Hindi pala ako... Si Papa papa yun.

Nakita ko ang nanlambot na si Momma habang bumababa ng hagdan.

"Ma... Hindi ka naman mabubuhay nyan kung lagi mong iniisip yung wala na, hindi na sya babalik kahit na anong gawin mong pagiyak."

Umupo si Momma tinignan ang upuan ni Papa. Ngumiti sya.

"Naaalala ko kung paano ako lagyan ng Papa mo ng kanin at subuan."

Tumulo ang luha nya.

"Momma...-"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil may biglang nag doorbell.

"Salamat po."

Agad kong kinuha ang sobre at binuksan. Binasa ko iyon.

"What the f... Please tell me this is a joke. Hindi pwede ngayon! Hindi pwedeng..."

Can't be lovedWhere stories live. Discover now