Chapter 2

12 1 0
                                    

Plan

"iurong mo na!"

"No! Ikaw ang may kasalanan kung bakit- kung bakit..."

Nakita ko sa mga mata ang pagkalito at galit. I don't care if he's sad or what! Mas malala ang sitwasyon ko ngayon.

"Look, I didn't mean it. Kung iuurong mo lang ang kaso... Makipag usap sa akin ng maayos... At magiging okay ang lahat! Tapos!"

Tinignan ko sa sya rearview mirror. Nakita ko ang galit sa kanyang mga mata. Bumagsak ang balikat ko.

"Ma, I... Ah... Need your help."

Should I tell her now? Nakaupo ako ngayon sa tabi nya habang sya naman ay nakatutok ang pansin sa T.V.

Masyado ba akong mabilis para sahihin? Pag sinabi ko ngayon tapos na ang problema ko pero pag pinatagal ko pa ito at wala man lang ang natulong sa akin ay mas lalala. Lalo na at hindi ko alam kung paano ito.

Pero kung sasabihin ko ba ngayon magiging okay na ang lahat? Magiging maayos nga ako pero magiging maayos ba ang lagay ni Mama?

Ugh! I shouldn't think about myself! Hindi ko na dapat pa iniisip ang sarili ko. Mas magandang unahin ko ang kapakanan ng iba bago sa akin. Siguro may iba pa namang paraan para iurong nya agad ang kaso.

"Yes, Lyene?"

Pagod na ngumiti si Mama.
Nanggilid ang mga luha ko. Napa iling nalang ako at napaiwas ng tingin.

"Ah wala, Mama. Joke lang."

Tumayo at nginitian si Mama. I really just don't know what to do without my parent's advice. Paano nga ba ako magiging maayos kung yung pinaghihingian ko ng sulusyon ay syang problema ko?

Pinunasan ko ang luha ko gamit ang unan. Sinapo ko ang noo ko para makatulog. I hate this feeling. Yung hindi ka makatulog sa kakaisip sa problema mo.

"Naaalala nyo ba yung grade 10 tayo!? Yung si..." Hindi natapos ni dionne ang sasabihin nya dahil tawa sya ng tawa.

"Yung si Zhap nadapa kay Nixon tapos pag angat nila ang sabi ni ni Nixon 'bakit ang baho ng bunganga ko?' Kasi nahalikan sya ni Zhap!"

Nagtawanan ang mga kaibigan ko with matching hampas pa sa lamesa.

"Oo tapos yung kay chandler Si dionne, 'di ba niloko ka nun? Pinainlove ka para makalapit sa pinsan mo."

Natigil sila sa pagtawa at tinignan lang si Kye. What? He really did? Pinainlove lang sya para lang makalapit sa pinsan nya?

Pwede yun? What if... What if... Yes, Lyene that's a brilliant idea!

"Don't mention my dumbness, Kye! Ikaw nga, e! Kay Zacky! 'Di ba pinilit mong mapansin ka nya pero hanggang ngayon hindi ka pa rin nya kilala!"

Tumawa si Dionne habang si Kye naman ay nangangamatis na ang pisngi sa inis.

Pagkatapos nilang tumawa ay tumingin sila sa akin. Bigla kong hinablot ang milk shake ko at ininom yun nang hindi sila tinitignan.

"Lyene? Nag sipilyo ka naman 'di ba? Bakit hindi ka nagsasalita riyan?"

Umiling ako kay Zhap. Ngumiti ako sa kanila pero sa tingin ko hindi iyon sapat para sabihin sa kanila na okay ako kahit hindi naman talaga.

Masyadong mahirap magpanggap na okay ka sa mga taong malapit sa'yo dahil kilala ka nila kahit na anong gawin mong magpapanggap.

"Girls, I need your help."

"Si Chance!? Chance Dellalor? Yung varsity player ng basketball? Oh my Gosh nabangga mo ang precious nyang sasakyan?"

Can't be lovedWhere stories live. Discover now