Chapter 1

19 3 0
                                        

When i first saw him

"Sino ba kasi sya? Halika! Punatahan natin at bangasan natin ang itlog ng ugok na 'yon!"

Hinila hila pa ako ni Zhap sa braso tila ba na gagawin talaga namin ang bagay na sinabi nya kanina. Kahit ako gusto kong puntahan kung sino man yung naka bunggo sa akin.

Ayaw ko nang gumawa pa ng isa na naman problema. Ayaw ko nang bigyan pang muli si Mama ng problema.

"E, Lyene. Wala pa naman tayong alam sa mga ganyang bagay, paano mo aayusin 'to?"

Napabagsak ako ng  balikat dahil sa sinabi ni kye. Kahit ako hindi ko alam kung paano ang gagawin.

"Ang maganda mong gawin ay sabihin mo nalang kay Tita Tia. Mas maganda nang malaman nya ng maaga nang sa ganon-"

"Nang sa ganon atakihin sya ng maaga? Alam mo kasi Dionne mahirap yun! Depress si Mama, at ano? Imbes na pagaanin ko ang loob nya sa pag bibiay ng maganda balita, wala!"

Nagsibagsakan ang mga balikat namin. Sa sobrang bagsak nito ay pwede na kaming humiga sa lupa.

"Then, let's face it. Bakit hindi natin sya puntahan ngayon? Nakalagay
Naman yung Address ng bahay nila dyan 'di ba?"

Napaisip ako sa sinabi ni Zhap. Pwede rin naman. Pero ayaw ko nang kasama pa sila. Masyado nang marami ang naibigay nila. Sapat na iyon. Kaya ko na siguro 'to.

"Ah... 'Wag na kayong sumama. Kaya ko na 'to. Sapat na iyong nga binigay ninyong ideya. Salamat!"

Habang nagddrive ako ay iniisip ko na kung ano ang sasabihin ko para iurong nya ang kaso na sinampa nya.

'Ano!? Gag* ka ba?! Ayaw ko lang naman mamatay yung aso! Kaya hindi ko agad nakita yung sasakyan mo!'

'Hayop ka bakit mo ginawa sa akin 'to?!'

"Parang ang dating 'non may relasyon kami 'wag 'yon. 'Tska hindi ko nga alam kung babae o lalaki ba."

Sinapo ko ang noo ko sa akala na makakapag isip ako ng maayos pero mali pala ako. Mas lalong sumakit ang ulo ko at hindi makapag isip.

Natigil ako nang makita ko ang pangalan ng street. Tumigil ako sa isang malaking mansyon. May mansyon naman pala sila papahirapan pa ako.

Di halatang mahirap. Kayang kaya nya naman bumili ng bagong sasakyan kung bakit kailangan pang magsampa ng nakakainis na kaso.

Bumaba ako sa kotse at marahas itong isinara. Nag doorbell ako pero wala pa ring nalabas. Ilang pindot na ang nagawa ko pero wala pa ring nalabas.

Napakalaking bahay nito tapos walang man lang ni isang katulong? Kung sa amin nga medyo maliit lang dito may katulong, e.

Hindi na ako nakapagpigil at sinipa ko ang malaki nilang gate kahit na alam kong hindi 'yon tutunog sa laki.

"Hoy! Lumabas ka dyan! Walang hiya ka! Iurong mo yung kaso! Mag usap tayo!"

Paulit ulit ko sinabi 'yon pero wala paring nasagot.

"TAO PO! Bwiset papasukin nyo ako!"

May biglang isang babae na mukang katulong na lumapit sa akin. Pinapasok nya ako at itinuro pa ang daan. Hindi ko alam kung bakit ganon ang asta nya sa akin.

Patuloy akong naglakad pa punta ata ito sa garden. Habang palapit ako nang palapit at palakas nang palakas ang tunog na naririnig ko.

"She's just... Just wait for her."

Mga tao ba iyong naririnig ko? At nagsasalita sa mikropono?

"B-bakit may party dito?"

Bulong ko sa sarili ko.

"Oh, she's here!"

Nanlaki ang mata ko nang tutukan ako nang spot light. Lintek namula ang pisngi ko nang lumingon ang bawat ulo sa lugar na ito sa akin.

Hindi naman nakakahiya yun suot pero kasi hindi ko naman sila kilala at anong sinasabi ng lalaking nagsasalita sa mikropono?

'You would always ask me those words i say'

Lumapit sa akin ang lalaking nagsasalita kanina. Habang lumalapit sya at nag lalakad sa gitna ng mga tao ay para akong natigil at humanga nalang sa gwapo ng kanyang muka.

Ang kanyang malalalim at magandang mata ay na-locked sa akin. Habang ngumingiti ang kanyang labi ay kasabay noon ang pag ngiti din ng kanyang mata.

'And telling me what it means to me'

Ang kanyang hubog ng katawan ay maganda. Parang ang sarap sarap sa pakiramdam nang yakapin ka nya.

Inangat ko ang kamay ko at ipinahid iyon sa aking noo. Nagpapawis ako sa nakikita ko. Noong una akala ko hindi totoo ang sinasabi sa must be love na 'slow mo'. Pero ngayong nakita ko na...

'Every single day, you always act this way'

"Everyone, i want you to meet my fiancé."

Parang nag  e-echo ang boses nya sa aking tenga. Pero natigil ang kanta sa aking utak at pinalitan ng salitang 'fiancé'

"Wait what?"

Bulong ko sakanya. Pero parang wala syang narinig. Patuloy sya sa paglakad at pagngiti.

Siniko ko ang kanyang tagiliran pero hindi sya napaalis sa aking tabi habang naglalakad kami dahil mas lalo nyang hinigpitan ang hawak sa aking balikat.

"Just. Stay."

Bulong nya na medyo napapaos paos pa. Woah. His voice was kinda hot. Teka nagpunta ako dito para sa kaso hindi para maging fiancé nitong lalaking hindi ko naman kilala!

"Mommy, Daddy. This is my fiancé."

Siniko nya ang braso ko na para bang sinasabi na makipagkilala ako. Wala akong nagawa kundi dahan dahan na iabot ang kamay ko.

"I... Ah... I am Forcelein Georgia Sevayn."

Ngumiti ang mga magulang nya na hidi naman ganoon katanda. Parang proud na proud ang mga ito sa kanilang anak na may roon nang Fiancé.

"Nice meeting you. You're so beautiful."

Ngumiti ang Mommy nya sa akin. Ngumiti ako pabalik. I am out of my mind! Hindi ko na alam ang ginagawa ko!

"So, Chance. Bakit hindi mo agad na dinala ang fiancé mo noong hindi ka pa nag-po- propose? And by the way where's the ring?"

"Let me make the move, Dad."

Ngumiti ako. Maraming mga bisita na lumalapit sa Mommy at Daddy ni? Ni Chance. Kaya hindi na kami nito naasikaso pa.

Walang pasubaling hinila ko si Chance papasok sa kanilang bahay. Hinarap ko sya. Nakatitig pang sya sa akin na para bang hindi ko na kayang makawala. Pero binalewala ko 'yon.

"Are you out of your mind!? Ni hindi nga kita kilala, tapos sasabihin mo fiancé mo ako?"

"Volume down your voice! They might hear you!"

Bulong nya sa akin ng malakas. Hinila ko sya palabas ng bahay nila at ipinasok sya sa aking sasakyan.

Inilabas ko ang papel na naglalaman ay ang kaso na isinampa nya.

"I am here because of this! I am not here to be your fiancé!"

Song: I'll never go covered by Erik Santos.

Can't be lovedWhere stories live. Discover now