"Sinong tinatawagan mo?" Kanina pa hindi mapakali si Sari. She kept on dialing on her phone pero mukhang hindi nya ma contact ang tinatawagan nya.
Dahil biglaan at wala akong dalang damit, I used Sari's old clothes in her cabinet. May ilan pa ngang mga bago na hindi nya na lang nagamit. Malaman ako ng kaunti sa kanya pero kumasya naman.
"Yung kinakapatid ko. I told him I'm here at sasamahan nya daw tayo later pero hindi ko pa rin sya ma contact."
I looked at my wrist watch. "Maaga pa naman. Kakain pa naman tayo."
Tumango sya. "Ready ka na?" Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa.
"Yep. Let's go." I grabbed my shoulder bag at sabay kaming bumaba.
It has been quite awhile mula nang lumabas ako at maki party. Isabela or Manila man, madalas nasa bahay na lang ako kung wala akong importante na pupuntahan. And I kind of missed it. Lalo na ang makasama si Sari sa mga party.
Medyo natigil ng ilang buwan ang paglabas namin nang ma broken hearted sya kay kuya Argos. But these past few days ay kita ko na mukhang magiging okay na talaga sya.
Pasado alas sais na nang puntahan kami sa Punta Fuego resort ng kinakapatid ni Sari.
"This is Amihan, my best friend. Ami, this is Brad, kinakapatid ko. Inaanak sya ni Mommy."
Nakipag kamay ako sa kanya. His grip is firm and it lingered for quite a while. Gwapo is an understatement para i describe si Brad. He has this boy next door type of look. Siguro dahil sa malalim nyang dimple sa kaliwang pisngi nya.
Nakasuot sya ng tropical polo na bukas ang first three buttons showing his muscular chest. He then apologized dahil na late daw sya dahil nagka problema factory nila.
Inabot ni Sari kay Brad ang susi ng sasakyan nya. Brad drove us to another private resort after we settled our bill.
"This is where the wildest party happens." He said grinning.
Naabutan namin na nagseset up pa lang sa malawak na dalampasigan ang ilang crew ng resort. Marami rami rin ang mga foreigners at halata na dinayo pa ng mga taga ibang lugar ang resort.
Brad is a good host. Sya ang umasikaso ng lahat. Pinili namin na Cabana na lang ang kunin dahil fully booked na ang mga rooms na malapit sa dalampasigan. And good thing na nakaabot pa kami dahil last Cabana na daw yung nakuha namin.
Umorder na kami ng drinks at pinadala sa Cabana namin. Mukhang maya maya pa magsisimula dahil siniset up pa lang din ang ilang lights.
"So Amihan, what do you do?" Napalingon ako nang marealize ko na ako pala ang tinatanong ni Brad.
"I am a freelance model and I sometimes help in the family business." Sagot ko. I don't know why I find it a little embarrassing now realizing that I don't have a title job. 'Freelance model' isn't as appealing to me like before.
Kuya Argos is the CEO and kuya Habagat is the Vice President. Si Sari naman kahit palaging gala, she owns a freaking boutique na sya ang designer ng mga damit at products. She's a designer and a businesswoman.
At kanina, nabanggit ni Brad na sya ang Batangas branch director ng canning business nila.
"I see." Tumango sya. Hindi ko makita kung disappointed sya or what.
But why the hell do I care? Ugh!
My phone vibrated on my purse. Inabot ko iyon at nangunot ang noo ko nang makita na si Ford iyon.