Chapter 7: Trouble?!

49 0 0
                                    

Update ulit!!!! salamat sa pagbabasa!!! 

___________________________________________________

Wendy's POV

'lang hiya yung lalaking yun! Lagot tlaga sya sakin pag may nangyaring masama kay Yani...

Mananagot ako kay Tito nito eh...

Pasensya na ah... ganito tlaga ako mgalit eh...

Eh kasi....

sasabihin ko ba?

May sasabihin ako sa inyo ha... pero secret lang natin to...

Pinadala ako ng Daddy ni Yani para bantayan at alamin ang kalagayan nya. May sakit kasi sya eh. Kaya grabe yung pag away ko kay Kenneth kasi bawal tumakbo si Yani. Kahit nga magbuhat ng mabibigat bawal rin. 

Sinubukan ko ngang pigilan sya sa pagtra-trabaho dun sa burger stand pero ayaw nya. Ang tigas ng ulo ng babaeng yun. 

Bawal kasi sya mapagod.

Nandito ako ngayon sa clinic. hinanap ko agad si Yani. Nakita ko si Stanley na nakaupo sa tabi ng kama ni Yani. 

"Stanley!" tawag ko sa kanya. Lumingon sya. Ako nman tumakboo papalapit...

"Ok na ba sya?" tanong ko.

"Ok na daw sya. Kailangan nya lang daw magpahinga." sagot naman kaagad ni Stanley.

"haixt salamat." nasabi ko nlang.

Long Silence....

Ang tahimik nman. Haixt!

"Ano bang nangyari?" tanong sakin ni Stanley.

"Ah... eh... kasi.. ganito yun..."

*FlashBack*

Naglalakad kami ni Yani sa campus nung nakita nya si Kenneth. Tinawag nya ito. Tapos lahat nung students na nasa campus nagsitinginan sa kanya. Ewan  ko nga ba kung bakit.

"Ang lakas ng loob nyang tawagin lang nang ganun si Kenneth!" sabi nung student 1.

"Hindi nya ba kilala si Kenneth?" Student 2

"G*ga syempre kilala nya. Tinawag nya nga eh." student 3

"Di ba sya yung girl na nakatapon ng juice sa damit ni Georgina kahapon?!" sabi pa ulit nung isa pa...

"Oo nga noh... Bakit nya kinakausap si Kenneth?"

At kung ano ano pa yun... Nakakirita!!

Mga chismosa...

Pupuntahan ko na sana si Yani para kunin sya at nang di na mapag chismisan pero...

"Hoy! teka lang! Ibalik mo si Yani! Hoy Kenneth wag kayong tumakbo!!" tumakbo na rin ako para maabutan sila, pero ang bilis.

"huff* huff* huff* Nasan na kaya yun? P*tcha na Kenneth yun! Siraulo sya. Sabi ko wag tatakbo e."

hinanap ko sila. Andito ako sa may Nursing Department...

Sa Office - wala

Sa Lab - wala

Sa Classrooms -wala rin

Sa likod ng building - Wala

*End of Flashback*

"Di ko alam kung saan nya dinala si best eh." sabi ko. "Naglalakad ako papuntang Engineering Department nang makita ko yung Kenneth sa labas ng Clinic." 

Burger Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon