Chapter 9: Usapang Lalaki

43 1 0
                                    

Masyado yatang maikli yung update ko sa chapter 8 auh... 

Pasensya na... Hahabaan ko ngayon.... Inspired ako dahil sa friend ko... 

Para sayo to...

Si Wendy po -----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------> 

_______________________________________________________________________

Wendy's POV

Hinila ko si Yani palayo sa dalawang yun "Bhest, Halika muna. Usap tayo"

"Hah? Teka? Di ko maintindihan... Bakit dahil sakin? Ano bang ginawa ko?" tanong nya sakin..

"Eh kasi..." 

"Yani, sumama ka na muna sa bestfriend mo. Ako na ang bahala sa dalawang yan." sabi ni Jeffrey.

Tinignan ko sila Kenneth at Stanley. Magkatinginan parin. Eh kung maghalikan nalang kaya sila...

"Salamat nga pala Jeffrey sa pagligtas mo kay Yani ha. Pasensya na kung nasigawan kita kanina sa phone." sabi ko.

" Ok lang yun. Atleast ligtas na si Yani. Lahat naman siguro ng lalaki ililigtas si Yani eh." sabi ni Jeffrey.

pagkasabi ni Jeffrey nun, siya naman ang tinignan ni Stanley at Kenneth.

"Oooppss.. Sige na yani, sumama kana sa bestfriend mo. Usapang lalaki ito eh." pagkasabi niya nun ay tumayo siya at naglakad papunta kay Stanley at Kenneth.

"Sandali!!!" sigaw ni Yani." Walang mag-aaway ha!?! Pag nalaman kong nag-away kayo ulit, at sumama ka pa Jeffrey sa away nila, Malilintikan kayo sakin! "

Natawa nalang ako. Grabe tong bestfriend ko ah.. Angas... Napasunod ang tatlong pasaway. 

Tumango ang tatlong lalaki tapos humarap sa akin si Yani. "Halika na" sabay tingin ulit sa tatlong yun at nag I'm-Watching-you gesture pa siya.

Naglakad kami palayo sa playground.

"Ano bang nangyayari? Bakit sila nag-aaway? Bakit ka nila kasama? Bakit nasa playground kayo?" sunod- sunod na tanong ni Yani.

"Bhest! Isa- isa lang? Ako nga dapat magtanong sayo muna eh.... Anong nangyari sayo? Bakit magkasama kayo ni Jeffrey? May nang-ano ba sayo?  ano?" sabi ko.

"Eh kasi.... Pagkatapos ng Class ko, palabas na sana ako ng campus nang biglang may humarang sakin, 4 na babae. di ko sila kilala... tinanong nila ako kung ako si Yani, sabi ko oo tapos inutusan nya yung 2 babae na dalhin daw ako." explain ni Yani.

" Saan? Sa Bar? sa Kotse? Sa Motel? Saan? Natatandaan mo ba itsura nila? Hah? Ipapa-blatter ko na ba? Taga school ba sila? Sumagot ka naman!!" sabi ko.Eh Nakakainis lang eh... Wala akong nagawa. Nung kailangan niya ako, kasama ko yung dalawang kumag na nag-aaway!!!

"Bhest... Hinay lang siguro. Mahina ang kalaban.... " sabi ni Yani.

Dun na nagsimulang tumulo ang luha ko." Eh kasi.... Sorry Bhest ha... Kung kailan kailangan mo ako saka pa ako wala. Kasi kasama ko yung dalawang kumag na nagaaway." sabi ko.

"Bakit nga pala kayo magkasamang tatlo? Hah?" tanong ni Yani.

"Eh kasi ganito yun...

Burger Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon