Someone's Point Of View
Hndi parin matanggal sa mukha ni Zoey ang Pag tataka kung bakit tumigil ang kanyang Mommy sa Pinaka Malaking Wall na Bato.
"Ma Why?" Tanong nito sa kanyang Mommy.
"We're here." Mahinang sabi ni Stella.
"What do you mean na where here?" Tumingin si Zoey sa Paligid.
"Nandito na tayo. Mag handa ka na nang Sarili mo." Utos nito sa kanyang anak.
Inayos ni Zoey ang kanyang Buhok at Dress.
Lumapit si Stella sa Malaking Pader na Bato at Hinawakan iyon.
"Ma Ano ba talaga yung Pupuntahan natin?" Tanong ng Dalaga sa kanyang Ina.
"Wag kang Maingay!" Utos nanaman sa Kanyang Anak.
Naiinis na si Zoey dahil sa kanyang ina dahil hndi maipaliwanag ang mga kinikilos nito.
Pero nag Taka ang Dalaga dahil may kinuha ang kanyang Ina ng isang Baraha sa Likod ng Bato.
May butas iyon na may kasamang Baraha na natatakluban ng Isang Bato.
"Ma ano yan?" Tanong nito.
Imiwan ni Zoey ang kanyang Luggage at pumunta sa Mommy nya.
"The First Key." Sagot nito sa Anak.
Hndi lng ito basta ordinaryong Baraha. Kulay Itim ito at may naka sulat na hndi maintindihan.
"Anong Naka sulat?" Kinuha ni Zoey ang Baraha at sinubukang basahin ito.
Zoey POV
Pwe! Hndi ko maintindihan! Marunong ba mag sulat yung nag sulat sa Barahang yan!?
Pero hndi ko parin matanggal sa isipan ko kung bakit alam ni Mommy kung saan naka lagay ang Barahang ito at tinatawag nyang The First Key?."Wait Mommy? What do you mean na This is The First Key?"tanong ko.
"Malalaman mo lahat ng hndi mo pa nalalaman sa sarili mo at sa pamilya natin." Sabi nito sakin. What?
Kinuha ko na yung Luggage ko at Pumunta nanaman kay Mommy! Σ(-᷅_-᷄๑)
Pag kapunta ko kay Mommy binigay nya sakin yung Baraha at sinabi nyang ilagay ko daw yung baraha sa May Pahabang Butas. Ha?
"Ilagay mo yung baraha sa may Hiwa ng Bato." Utos nya. Kaya ginawa ko.
Pag kalagay ko nakita kong gumuguho yung Bato? Anong nangyari?
"Ma Anong Nangyayari?" Concern na Tanong ko.
"Don't Worry." Mabilis kaming lumayo sa Bato.
Ako natatakot tapos si Mommy parang Wala lng.
Naging matagal ang pag guho nung bato pero may napansin akong... Wait is That Gold?
"Ma Did you see that?" Tinuro ko yung Gold na... Door?
"That's the Second Key." Wait What!
"Ma Are You Crazy? Nag Dr-Drugs Ka ba?!" Tanong ko!
"ZOEY!?" Ayy...
"Eh ano ba kasing nangyayari ngayon!? Di ko na maipaliwanag!" Reklamo ko.
"Diba ang sabi ko sayo Malalaman mo lahat ng Hndi mo pa Nalalaman?" Sabi nya.
"Whaaaaaa! WORST EVER!" Sigaw ko na parang hinilamos ko yung mukha ko sa Galit!
Matapos gumuho ang mga Bato lumapit kami sa Gintong Pintuan na sinasabi ni Mommy na Second key?
"Anak akina yung Kwintas mo?" Utos nya. Bakit?
Tinanggal ko yung Kwintas ko na Susi.
Maliit itong susi na kulay ginto.
Wtf?! Pati ba nmn kwintas ko! May Milagro din!?
Nilagay ni Mommy yung Key sa may Pintuan.
Bumukas ito ng kaunti. May nakita akong kunting liwanag sa loob ng Pintuan.
Binuksan ni Mommy yung Pintuan at napa takip ako ng mata sa sobrang liwanag.
Nasa Heaven na ba ako?
"Tara anak pasok tayo?" Sabi nito sakin kaya sumunod ako.
Dinala ni Mommy yung isa kong Luggage hndi ko kasi kaya yung liwanag. Nakatakip pa rin yung kamay ko sa Mata ko.Sinundan ko si Mommy na pumasok sa Gintong Pinto. Natatakot ako na parang Nae-excite? Hndi ko maexplain yung Feelings ko ngayon. Pero parang ang gaan ng Pakiramdam ko sa Lugar nato.
Panaginip ba ang lahat ng ito?
Tumingin ako kay mommy patuloy parin siya sa pag lalakad pero may nakita akong Hayop at mga Halaman. Ang Ganda! Ano bang Lugar ito?
Palapit na kami sa mga Hayop at binilisan kong mag Lakad dahil naexcite ako sa nakita ko.Malapit na Malapit na ako sa mga Hayop at mga Magagandang Halaman.
Hahawakan ko na sana yung Aso ng may biglang Sumigaw....
"WHHHAAAAAAAAAA" sigaw ko.
Natakot ako sa Itsura nya? Wtf?! Nasa Fairy Tail ba ako?!
Panaginip lng lahat to diba?!
Bakit may Fairy dito.
Nakita kong anino ni Mommy na Tumatakbo papunta saakin."Pano mo nalaman ang Lugar na ito?!" Galit na tanong sakin nung Engkanto?
"Ah.... Ka--" di ko na naituloy yung sasabihin ko dahil biglang nag salita si Mommy.
BINABASA MO ANG
Together Forever
FantasíaSasama ako sayo hanggang Kamatayan. Mag kasama tayo sa Lahat ng bagay. Dahil mahal na Mahal natin ang isat isa. Makikipag away tayo sa Sa mga kalaban pero dapat mag kasama tayo. Dahil "Mag kasama tayo hanggang sa KAMATAYAN" Kala ko Isa lng akong ord...