Chapter 2.

79 0 0
                                    

“Gusto ko sana ibigay sayo itong chocolates!” Tssk. Bakit hindi ko masabi na ibibigay ko din sakanya itong bracelet. Tsk. Ang tanga ko. Hahaha! Next time na nga lang. Marami pa naman next time e.

“Wow! Salamat! Ang bait mo din talaga eno. Saan galling? Bili mo?” Tanong naman ni Karen na tuwang-tuwa na nakatanggap ng chocolates. Parang bata lang.

“Hindi ko binili yan. Akala mo ba may pambili ako sa mamahalin na ganyan? Joke! Hahaha. Package lang yan galling sa tito at tita ko.” Pero may kaya kami. Nabibili ko naman ang gusto ko, pero hindi ako maluho na isang tao.

“Woa. Iba talaga pag may mga kamag-anak sa ibang bansa ‘no?” NAkatingin siya sa chocolates habang kinakausap ako.

“Oh, iiyak na naman nyan?” Kayak o sinabi kay Karen yan. Kasi nasa ibang bansa yung parents niya. Pero hindi man lang sumagi sa utak ata ng mga magulang nito ni Karen na padalhan ng kung anumang bagay. O kaya hindi na lang sila umuwi dito para naman sumaya si Karen.

---

Si Karen kasi, lumaki siya sa lola at lolo niya. Kaya lang, this past months. Binawian yung lolo niya. Andun ako lagi kay Karen para bantayan siya. KAsi syempre, si lola na lang ang natitira niyang kasama sa bahay nila. Malaki yung bahay nila. Pero ni minsan hindi nagging Masaya yun para sakanya. Kasi yung mama at papa niya nasa ibang bansa nag-tatrabaho. Hindi nga niya alam kung uuwi pa. Kasi ilang taon na daw dun, at minsan lang daw siya kinakamusta. Kaya minsan pinapaintindi ko na lang na “Baka busy lang yon.” Pero minsan iniisp ko, grabeng busy naman yun. Ni hindi man lang sila makatawag kung okay si Karen dito. Kahit isang tawag wala man lang. Si lola na lang niya ang natitira niya sa buhay niya. Isinangtabi niya yung nararamdaman niya para sa magulang niya. BAsta ang importante sa kanya andyan parin yung lola niya.

Ang dami kong alam kay Karen no? Syempre, ilang taon na kami magkasama nito. Pag pasko nga, pinapapunta ni mama si Karen at si lola at lolo niya para sama-sama kaming mag-cecelebrate eh. Nakakatuwa naman kasi Masaya kami na sama-sama nga.

---

Back to the conversation..

“Grabe ka Yex! Wag na nga natin pag-usapan yun! Salamat ulit. O, teka! San pala tayo bibili ng pang-reregalo mo?” Nako naman. Oo nga pala. Bibili pa ng pang-regalo. Debut kasi ng classmate ko eh. Kaya dapat bongga. Tska nasa 18 roses ako.

“Hmmm. Saan ba maganda Karen? Ikaw na bahala oh. Wala talaga ako alam sa ganyan eh.” Habang nag-puppy eyes ako sakanya. Sana epektib.

“Okay, ako na bahala. Tigilan mo lang yang pag-puppy eyes sa akin.Kadiri ka! Hindi bagay!” Maka-kadiri naman ito. BAgay naman e, ginagawa ko kaya sa bahay ito. Sa tapat ng salamin. Hahahaha! XD

Ayun, nagpaikot-ikot kami ni Karen sa Mall. Para lang Makita ang best gift ever para sa classmate ko. At napunta kami sa isang shop ng mga damit. Seriously Karen? DAMIT? Ni hindi ko nga alam size ng babaeng yun.

“Yex. Dito, eto ata ang mabibigay mo na best gift ever sakanya.” Bakita may ata? :|

“Karen! Bakit may ata? Hindi ka din sure no. HAHA! E, paano tayo bibili ng damit kung hindi naman natin alam size ng katawan niya. Hindi naman ako manghuhula para malaman agad agad yun.” Sagot ko naman sakanya na nababahala.

“Yex. Leave it to me! Ako na ang bahala.” Kaya ayun, pinabayaan ko siya dun. Ako, naupo lang ako dun sa may upuan nila dun at nagtingin tingin lang.

Nakita ko si Karen banda dun sa dulo, na nasisiyahan sa pamimili. Akala mo para sakanya at siya ang mag-susuot eh. Pero biglang pumukaw sa paningin ko, si Karen nakatingin dun sa isang damit pero hindi niya kinuha. Inisip ko na lang nab aka gusto niya yung damit na yun.

“Karen, Okay na? Ang tagal naman yan?” Tanong ko kasi naiinip na din ako. Ang tagal na niya dun.

“Yex, oo okay na. Ready to pay na! 2 dress at isang shirt ang binili ko. Bayaran mo na!” Wow. Dress, kapag mga babae talaga oh. Hilig sa pang-kikay.

“Okay okay. Salamat! Teka, wait lang ha!” Umalis ako sa kinatatayuan ko at kinuha ko yung damit na kanina pa tinitignan ni Karen.

“Karen ano size mo? Kasya ba sayo ito?” HAlatang gulat sa tinanong ko si Karen. HAHAHA! :P

“Yex? Uhm. Oo ka size ko yan. Parehas ata kami ng size kasi ng classmate mo. Nakikita ko na kasi siya dati pa diba. Tska pinakilala mo sakin yun. Remember?”

“Oo nga pala. Nakita mo na siya at ma meet in person. Sige, kunin na din natin ito.”

Sabi ko dun sa sales lady.. Pakihiwalay na lang po ng ballot itong isang damit. Slamat. Magkano pala lahat? Sabi nung sales lady, 950 lahat. Wow, ang mahal pala nito. Buti na lang may extra din na binigay si mama sa akin. Swerte. XD

“Oh, Karen oh!” Binigay ko sakanya yung isang supot.

“Bakit ako magdadala niyan? Ikaw yung may kailangan niyan para sa regalo mo tapos ako pagbibitbitin mo? Ayos ha! ANo ako yaya? :P” May halong asar din yung tono niya.

“Kunin mo, ayaw mo? Sige ibibigay ko na lang sa iba ito.” Black mail ko naman siya. Mahilig ako man black mail lalo na pagdating kay Karen. Hahaha! Hindi kasi tumatanggi eh.

“Whoa. Para sa akin yan Yex?” Ay nako. Kaya nga binibigay sa kanya eh. Ano sa tingin niya para sa akin. =____=

“Oo, para sayo nga! Kanina kasi nakita kita nakatingin ka sa damit na ito eh, akala ko nga kasama din ito sa pang reregalo ko. Pero hindi mo kinukuha, nakatingin ka lang. KAya naisip ko baka gusto mo yun.” Sana tama yung iniisip ko. Kundi, pahiya ako sakanya nito.

“Wow! Salamat talaga ng marami Yex! Salamat talaga. Gustong-gusto ko talaga ito eh, may kamahalan din kasi kaya hindi ko mabili-bili.” YESSSSSSS! Tama pala talaga ako. Buti na lang binili ko na din.

“Cheesy! Pero gusto ko yun. HAHAHA! Okay, tama na yang pagpapasalamat nay an. Nakakailan kana eh.” Teka, nakaramdam na ako ng gutom eh. Kelangan ng kumain. Baka kung ano mangyari pa sa akin.

“Karen, tara kain muna tayo. Alam ko gutom ka na din eh, tsaka bawal ako hindi kumain sa tamang oras kasi-----. Ay, tara na nga..” Muntikan na ako dun, ayoko ko kasi malaman ni Karen kung bakit eh. Sana wag magtanong.

“Hmm. Sige tara, gutom na din ako eh. Ay, bakit pala kailangan mo kumain sa tamang oras? May problema ba?” Yan ang sinasabi ko eh, magtatanong nga siya. Ano ba sasabihin ko.. Ah..

“Eh, kasi alam mo naman ako matakaw ako. HAHAHAHAHAHA!” Tara na nga….

Ka-IBIGAN.Where stories live. Discover now