“Oyyy, bestfriend! Umayos ka nga. Ano ba naman yan ginagawa mo dyan ha? Tara na kasi. Samahan mo na ako.”
Sabi ko sa bestfriend ko na ang tamad tamad kumilos talaga kahit kalian.
“Eh, teka lang naman. Kakagising ko lang eh. Tska bakit ba? Ano bang problema mo Yex?”
------
Hi! Ako nga pala si Yex Miguel. Miguel yung epilido ko ha. Hahaha! May bestfriend ako, ang pangalan naman niya ay si Karen Santiago. Siya lang naman ang matagal ko nang kaibigan at matagal ko na din nagugustuhan.
Pero wag kayo maingay dun ha. Satin-satin lang yan. Ayaw niya kasi na mahulog ang loob naming sa isa’t-isa eh. Ewan ko ba sakanya. Kung iisipin may crush na sakin yan. Hahahaha! XD
Oy, joke lang. Ang kapal ko talaga.
Ayun, kausap ko sa phone si Karen. Kasi gusto ko kasama siya bumili ng regalo para sa classmate ko. Malay ko ba sa mga gusto ng mga babae pagdating dyan. Hindi kasi kami magclassmate ni Karen, iba kasi siya ng course. Nurse siya at ako Engineer.
“KAREEEEEEEN!” Sinigawan ko siya mula sa phone.
“Ay kabayo!! Ano ba naman yan Yex. Ginulat mo naman ako eh.”
“Eh, kasi dali na gumisin ka na dyan. Samahan mo na akong bumili ng regalo. Dali naaaa! Alam ko magaling ka pagdating sa ganyan eh.” Pakiusap ko sakanya. Sana pumayag na. Lilibre ko naman siya eh. Hahaha.
“Haay nako Yex! Kung hindi lang kita mahal… bilang kaibigan hindi kita sasamahan eh. Osiya sige sasamahan kana. Pero pa extend naman ng tulog. 5mins.” May tawad pang 5mins ha.
“Ay, bakit dinagdag pa niya yung bilang kaibigan nay un…” sabi ko sa sarili ko..
“Kareeen! Anong oras na kaya. 12 na tapos tulog mantika ka pa dyan. Babae ka ba ha? May halong pang-aasar!
“Oo na Yex! Paulit-ulit. Hahaha! Sige, magkita na lang tayo sa dating tagpuan. Sa may Mcdo, 2pm. Okay na ba yun?” Tanong niya naman na malumanay.
“Ahmmm. Pag-iisipan ko… Hmmmmm. Sige, 1:30. HHAHAHAHA!”
“Loko ka talaga eno. Sige kitakits na lang mamaya. Sige. Bye.” At binaba na niya agad yung phone.
Kita mo yung babaeng yun. Binaba agad, hindi man lang ako nakapag-bye. Okay lang, makikita ko naman siya mamaya eh. Ano kaya magandang isuot mamaya? Para naman Makita ni Karen kung gaano kagwapo talaga yung Bestfriend niya. Hahahaha! :D
“YEEX ANAAAAAAAAAK!” Ayan na naman si mama, tinatawag na naman ako.
“Baket po?”
“Eh, tulungan mo nga ako dito. Hindi ko kayang buhatin ito eh.”
“Teka lang Ma!”
“Ano ba yung ginagawa mo dyan anak? Saglit lang!” Okay! Sige na mama! Baba na ako..
“Ano ito mama? Bakit ang laki ng kahon?”
“E, galling ng ibang bansa yan eh. Padala ng tito at tita mo sa states.” Medyo na-excite naman ako sa sinabi ni mama. Ano kaya mga laman nun?
“Sige ma, saan ko ba ilalagay?” Tapos si mama nasa gilid ko, nakasunod sa akin.
“Dyan na lang siguro. Aayusin ko na din yung laman nyan.”
Nung binuksan ni mama yung kahon. Namangha ako! Ang daming laman. Grabe! Puro damit, alahas, tapos may mga chocolates pa. Tutal madami naman na chocolates ito, magbigay nga ako kay Karen. Tska may nakita pa akong isang nakapukaw ng mata ko. Yung bracelet na nakalabas. Na parang sinasabi niya na, kunin moko. KAya kinuha ko na din siya kasama nung chocolates. Syempre magtatanong muna ako kay mama.
“Ma! Pengeng 2 chocolates ha tska akin na lang din itong bracelet na ito ha?” Kukunin ko na sana ng magtanong si mama.
“Hep! Hep! At bakit at bakit may bracelet pa? Ano ba naman ito si mama. Hindi naman ito mahilig sa chocolates e. Kami lang naman ni papa ang mahilig. Only child lang pala ako. Nalimutan ko sabihin. Hehe. Tska sana payagan ako na akin na lang itong bracelet. *cross-fingers*
“Eh, bibigyan ko lang po si Karen.Tska ang ganda po kasi eh. Dali na ma! You know naman Ma!” Sabay kindat.
“Hahahahahha! Osige na, kumuha ka na dyan. Ingatan mo yan ha! Magkikita ba kayo? Tignan mo ito si mama. Chismosa. Hahahah! :D
“Opo ma. Sige na ma! Salamat! Iloveyou! Aakyat na ako. Magbibihis pa ako. At magkikita pa kami ng bestfriend ko.”
Kinuha ko na yung dalawang chocolate at tumakbo paakyat ng marinig ko si mama na sumigaw.
“Anak! Galingan mo ha!” Baliw talaga yung mama ko.. Akalain mo yun, parang bagets kung makapagsalita sa akin.
Sabagay bata pa naman si Mama at mabait talaga siya sa akin.
Kinuha ko yung phone ko. 10 messages received.
Ay grabe! Sino naman kayang tao ito na nagsend ng napakaraming messages sa akin? Pagbukas ko. Si Karen. Pagkita ko sa text niya.
“YEX! Paalis na ako ng bahay ha! Wag ka ma-late, alam mong mainipin na tao ako. Kapag wala ka pa, iiwan kita dyan.”
Paulit-ulit yan ang message na pinadaan niya sa phone ko. Grabe talaga si Karen! Anog oras na nga ba? Pagtingin ko sa orasan. 1pm na. Umupo ako. Pero tumingin ulit ako sa orasan ko. 1pm na! 1PM NA! Hala. Makapag ayos na nga. Nakakatakot pa naman si Karen.
------
Mcdo. 1:40pm.
Okay, asan na si Karen. Sabi niya andito lang siya. Tsk. Late ako ng 10mins. Hala, baka iniwan naman niya ako. Wag naman sana.
Nang may biglang may nagbato ng kung ano mula sa likod ko. Pagkita ko si Karen, at lukot ang mukha. Alam mo na kung ano ibig sabihin ko.
“Uy, Karen. Pasensya na! Nakipag-chikahan kasi si Mama sa akin eh. Ayun, sorry kung late ako.” Totoo naman, nakipagchikahan si mama sa akin. Kaya hindi ko din namalayan yung oras.
“Lagi naman Yex eh. Sanay na ako.” At ngumiti na din siya sa akin. Amp, nakakatunaw talaga yung mga ngiti na yun. Kaya kapag ngumingiti siya ng ganun, hindi ako makatingin sakanya ng deretso eh.
“HOY! YEX! Tulala ka na naman dyan. Ano tara na? Bibili pa tayo eh.” Ay, nakatulala pala ako… nakita ko na naglalakad na si Karen papalayo sa akin.
Sumigaw ako.. “Karen! Teka lang. May ibibigay sana ako sayo eh. Importante lang.” :)
“Ano naman yun?” Tanong ni Karen.. Pano ko ba sasabihin sakanya. Wait! Inhale! Exhale!
“Gusto ko sana ibigay sayo itong…….”
