Chapter 3.

53 0 0
                                    

Nakauwi na pala kami ni Karen. Mga 8pm na din yun. Kung ano-ano lang ginawa namin. HAHA! At syempre, hindi mawawala sa kanya ang pagkuha ng litrato sakin at samin dalawa. Andito ako ngayon sa kwarto ko. Nag-iisip kung bakit ako nabigyan ng ganitong sakit.

May sakit pala ako. Tanging kami lang ni mama at papa ang may alam. Ayoko kasi nung may maka-alam pa eh. Nalimutan ko na yung pangalan ng sakit ko. Pero sabi nung doctor, bawal daw ako hindi kumain sa tamng oras, nakaka-apekto daw kasi yun, bawal magpagod. Bawal magsisitakbo at higit sa lahat bawal akong magalit ng matindi.

Kasi once na nagalit ako ng matindi nun, nung bata pa lang ako. Nagalit talaga ako ng todo kay papa nun, kasi aalis siya at wala siya sa birthday ko. Gusto ko kasi kahit tatlo lang kami. Kumpleto kami sa araw na magpapasaya sa akin. Kaya lang, may trabaho si papa that time. At naalala ko hindi pa uuwi si papa nun. Nagalit talaga ako ng sobra nun, naghihiyaw at nagsisigaw ako sag alit at inis nun. Nagkulong ako sa kwarto nun. That time may yaya pala ako. Kasi hindi ako kayang alagaan ni mama na siya lang. Makulit daw kasi ako nun.

Ayun nga, naka-lock yung door ng kwarto ko. Umiiyak ako, tapos bigla na lang ako napatigil na may parang masakit sa katawan ko. Hindi ko alam kung saan part. Pero masakit talaga siya. Natigil din si mama nun, nagkakakatok kasi naramdaman niya ata na nawala yung pagsigaw ko sa kwarto ko. Sumisigaw siya sa labas ng room ko.

Nung binuksan nila yung kwarto ko, nakita daw nila ako na hinahabol ko na yung hininga ko at putlang-putla daw ako. Dinala nila ako sa ospital nun, at sabi nga ng doctor may sakit nga daw ako. At matagal na daw iyon, ngayon lang daw lumabas at nagpakita ng sintomas sa akin.

Iniisip ko nga, siguro kung hindi ko nilabas yung galit ko. Yung sobrang galit ko, wala pa siguro ako magiging sakit. Pero iniisip ko din, kahit na hindi pa ako magalit ng sobra nun, lalabas din itong sakit na ito eh.

May natanggap akong text.

“Hi!” Unknown number. Sino naman kaya ito? Wala naman ako pinagbibigyan ng number ko na hindi ko naman kilala.

“If you don’t mind. Who are you anyway?” Wow. English. Hehehe. =))

Pero hindi na nagreply.. Wala na akong natanggap ng reply mula sa unknown na  yun. Kung sino man siya dapat siyang magpakilala pag nagtext siya ulit. HAHAHAHA!

Ayun, back to my kwento. Epal na nagtext ito, sinisira moment ko. Hahahah! XD

Nalaman nga ni papa yung nangyari sa akin nun eh. He felt bad for what happen. Sinisi niya sarili niya kung hindi sana siya umalis, wala sana ako sa ospital na yun. Pero I whispered na, “wala naman ikaw kasalanan dito papa. Okay na ako. At magiging okay pa ako! Salamat at andito ka na.” I saw him crying. Pero hindi niya pinapakita sa akin yun. Si mama naman nakita ko, umiiyak din sa isang tabi. Pero I sign na stop crying. Then, ayun ngumiti naman si mama sa akin nun. Then, hindi naman ako nagtagal sa ospital. Pinauwi na din ako sa bahay. Pero may mga reminders si Doctor sa akin na bawal sa ganito, ganyan.

Narinig ko lahat ang pinag-usapan nila. Na bawal, bawal daw ako hindi kumain sa tamang oras, nakaka-apekto daw kasi yun, bawal magpagod. Bawal magsisitakbo at higit sa lahat bawal akong magalit ng matindi. Kaya iniiwasan ko din yun lahat.

Kaya yung nangyari yung lahat na iyon, alagang-alaga na ako ni mama at papa. Kasi ayaw nila ako mawala syempre, dahil ako lang ang nag-iisang anak nila.

Ang cool, naalala ko pa lahat ng nangyari nung bata ako… pero napapapikit na ako. Makatulog na nga. Ayoko din magpuyat, baka nakakasama din yun.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ka-IBIGAN.Where stories live. Discover now