"My God joey, natulog ako dito para hindi ako magising ng maaga tapos ngayon ginising mo ko at exactly 5 am in the morning just because you want me to teach you how to cook a pancake?" utas sa akin ni Mars habang pilit na inaaninag ang orasan sa may bed table. Dali dali kong binuksan ang ilaw para makita sya ng ayos.
"I know, pero I have my 7:30 am class today Mars. Kelangan kong magluto nun coz I heard from Lester that it's Raf's favorite for breakfast! And also kaklase ko sya ngayon on my first subject."
"Kay manang ka nalang magpaturo, I'm sure she can handle it naman e" tamad na tamad na sambit ni Mars.
"NO! Malamang na tulog pa sya and your pancakes are the most delicious food i have ever ate. So come on, wake up!" Sabay hila sa nakahilata ko pang pinsan.
Malakas syang nagbuntong hininga at tuloy tuloy na pumasok sa banyo. Hindi ko napigilang mapangisi. Nanalo na naman ako. Alam kong sa magpipinsan namin ay ako ang hindi nya matiis tiis.
Mabilis kong isinuot ang hello kitty kong tsinelas at dirediretsong bumaba papunta sa kusina. I opened the ref saka kinuha ang mga ingridients ng pancake na lulutuin mamaya. I already searched on google kung ano ang mga kakailanganin sa pagluluto kaya kahit hindi ko alam how to cook this thing ay alam ko naman kung anong kailangan.
"Know what? Maligo ka na and ako na ang bahala dito. Baka mamaya malate ka pa." I suddenly heard from behind.
"No, no, no. Mabilis naman akong maligo and I also want to cook this para matuto ako. Just show me what to do para matapos na." Agad kong sabi kay Mars sabay ngisi at nagpacute pa sa kanya.
She just rolled her eyes and check the ingredients on the table. Sinimulan nya akong turuan ng pagluluto. I admit that I'm not good in kitchen but I'm trying to learn naman kahit sobrang hirap. After 30 minutes ay nakagawa na ako ng 5 pancakes at dali dali ng umakyat para maligo and magready for school.
Nang i-check ko ang orasan sa may salas ay nalaman kong 15 minutes nalang before 7 kaya mabilis na akong nagpaalam kay Mars na nakasalampak sa may sofa. Agad akong dumiretso sa kotseng regalo ni papa sa akin. Wala pang 10 minutes ay agad ko ng natanaw ang gate ng University na pinpasukan ko. Matapos akong makapagpark ay malalaking hakbang akong nagtungo sa first class ko na medyo may kalayuan.
Madami ng studyante ang nagkalat sa may campus. Hula ko ay mga freshman ang ilan sa mga nagtutumpukang kababaihan sa may bench na malapit sa cafeteria. Kahit hindi first day of school ngayon ay pawang galing sa bakasyon ang mga ito dahil sa ingay at tuksuhan. Napangiti nalang ako sa aking naturan. Pagbaling ng mata ko sa loob ng klaseng naging kasama ko sa loob ng kalahating taon ay agad na bumilis ang tibok ng puso ko ng agad ay ang perpekto at matatalim na tingin ang syang bumungad sa akin.
Mabilis kong ibinaba ang red backpack ko at kinuha ang laman nun. Halos matisod ako habang naglalakad ng hindi inaalis ang tingin sa lalaking dahilan ng panginginig ng aking mga kamay.
"Hi Raf! Th-this is for you" utal kong sambit ng makaharap ko ang bulto nya. Inikot ko ang aking tingin sa sa loob ng klase. Hindi ko mawari kung bakit palagay ko ay lahat ng mga mata ay awtomatikong lumipad sa dako kung saan kami nakapwesto. Npalunok ako ng napansing pinasadahan lamang ng tingin ni Raf ang plastic bag na hawak hawak ko.
"I know this is your favorite. Sinabi sak--
"I'm not hungry" putol nya sa akin at inis na nilagay ang headset sa magkabilang tenga sabay tanaw sa labas ng bintanang bahagyang nakabukas.
There you go again Joey.
Laglag ang balikat na bumalik ako sa upuan kung saan ay mga nag aalalang mata ang sumalubong sa akin. Marahan akong ngumiti at inilapag ang plastic bag. Ilang sandali pay pumasok na ang matanda ngunit striktong prorf namin sa Math. Pilit kong itinuon ang atensyon ko sa kanya ngunit parang awtomatikong lumilipad ang tingin ko sa lalaking seryosong nakatingin sa unahan na manaka nakang nagsusulat sa isang papel matapos magsalita ng matandang prof.