Kabanata 2

26 1 0
                                    

Marahan kong nilapag ang bagpack ko sa upuan. Bumuntong hininga ako matapos kong suriin ang classroom na pinasok ko. Busy ang iba sa pagkkwentuhan at ang iba naman ay tahimik na naghihintay sa pagdating ng prof namin for 2 hours at huling klase namin sa araw na ito. Sumulyap ako sa relo na nasa kaliwang kamay ko at sinimulang basahin ang notes na kailangan kong basahin upang makasigurado kung meron mang surprise quizz mamaya. Naramdaman ko ang pag-upo ng isang lalaki sa katabing upuan. Naestatwa ako at napapikit ng maamoy ang pamangong sumisiksik sa ilong ko. Hinawi ko ang mumunting buhok na  umalpas sa pagkakaipit sa aking kanang tainga.

Apat na araw na ang nakalipas noong nalaman ko ang masakit na katotohanang iyon. Iyon din ang huling beses na nakita ko sya sapagkat naging busy ako ng mga nakaraang araw. SInadya kong abalahin ang sarili ko sa mga activities na pede kong gawin sa school maging sa bahay. Hindi ko maiitatangi na nahirapan akong kumbinsihin ang sariling kalimutan ang lahat. Masyado pang sariwa ang mga nangyari.

 Naramdaman ko ang mabibigat nyang titig sa akin. Lumabi ako at dahan dahang pumaling sa pwesto nya. Napansin ko ang bagong stilo ng buhok nya. Pakiwari ko ay nagpagupit ito. Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang kumikislap na hikaw sa kanyang kaliwang tainga. Shit! Ang gwapo nya talaga. God joey. Stop it!

Isang ngiti ang naging bati ko sa kanya at agad na itinuong muli ang mga mata sa pagbabasa. Alam kong ni hindi umabot ang ngiting iyon sa magkabilang tainga ko. Siguro ay napansn nya rin ito ngunit mas piniling manahimik na lang. Ano pa nga bang magagawa niya? Hindi bat ito ang gusto nyang mangyari? Ang layuan sya at hayaang maging masaya sa piling ng taong tunay nyang mahal. 

"Joey! Bar hopping daw tonight! Are you in?" biglang tanong sa akin ni Hannah. Magkaklase din kami sa subject na ito pero nasa may bandang unahan sya kaya tumayo pa sya at humakbang palapit sa akin upang itanong iyon.

"What time? If mom will not arrive early, maybe yes." sagot ko at binuksan ang text na galing kay mars.

"Okay, my cousins will come too. They want to hang out again with us. Tamang tama, kauuwi lang ni Ry from Manila. Sya lang iyong hindi mo namemeet sa mga cousins ko diba? Nakwento ko na rin sya sayo before." aniya at bumaling kay Raf upang batiin ito. Hindi nya alam ang nangyari sa pagitan naming dalawa ni Raf ngunit alam nyang nakilala ko na ang girlfriend nito.

Tango lang ang naging sagot ko sa mga sinabi nya at agad naman syang bumalik sa pwesto nya ng makita ang papasok na prof. Halos ay mga topics ng exam for finals ang diniscuss nya sa amin. Malapit na iyon kaya mas lalo akong nagfocus sa bawat salitang sinasabi nya. Hindi ko alintana ang manaka nakang pagsulyap ni Raf. Nagtataka man ay hinayaan ko nalamang ito.

Tutal ay wala akong class tomorrow ay pumayag na rin ako sa pag-aanyaya sa akin ni Hannah. Tumawag ako may mommy upang sabihin na magbabar ako tonight. Nagtext naman ako kay mars at sinabihan itong magsleep over sa bahay. Alam kong may class ito bukas pero 3 hours lang at sa hapon pa. 

Naisip kong umidlip muna saglit ng nakarating sa bahay at malamang may sapat na oras pa upang magpahinga. Pabagsak akong humiga sa malambot kong kama at agad na ipinikit ang mata. I set the alarm on my phone just in case na mapahaba ang tulog ko.

Bumalikwas ako sa pagkakahiga ng marinig ang malakas na alarm ng cellphone ko. Kinusot ko ang mga mata ko at sinulyapan ang oras. Its almost 6 and I slept for 2 hours. Mabilis akong naligo at nag-ayos ng sarili. Pumili ako ng damit na aangkop sa lugar na pupuntahan ko. I'm twenty and I didn't see anything wrong on wearing some sexy dress. Matagal na din ang huling beses na nagpunta ako sa bar. Kalimitan ay sa mga restaurant at mall kami gumagala nina Hannah kapag may free time.

I open my phone and read Hannah's text:

Joey, papunta na kami. Mars is with me. Sumabay na sya sa akin coz she doesnt want to drive daw. So lazy right? See yah!

Akin ka nalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon