Mabilis na lumipas ang mga araw. Malapit na ang bakasyon at isa lang ang ibig sabihin nito. Summer na at nararamdaman ko na ang init ng panahon. Karamihan sa mga studyante ay sa mall ang diretso pagkatapos ng maghapong klase ngunit nagdesisyon akong maglakad lakad muna sa labas.
Tagaktak ang pawis ko habang tinatahak ang daan palabas ng University. Namataan ko ang nakahilerang mga tindero/a sa kahabaan ng kalsada sa labas ng eskwelahang pinapasukan ko. Natakam ako sa mga taong bumibili ng streetfood na paborito ko.
"Manong, sampung piso nga ho nitong kikiam at 3 piraso ng kwek-kwek" untag ko sa medyo may katandaan ng tindero nang makarating ako sa maliit nyang pwesto.
"oh sige ineng, ano bang gusto mong sawsawan, ha?" tanong nya.
"Mahalang ho" sagot ko at ngumiti sa kanya.
Kinapa ko ang bulsa ng pantalon ko at kinuha mula doon ang itim na lastiko. Nilikom ko ang mahaba at tuwid kong buhok bago ito inipit pataas gamit ang lastikong hawak ko. Pinunasan ko ang pawis sa aking batok at nilibot ang tingin sa paligid habang hinihintay ang pagkain ko.
Namataan ko ang isang kotse sa gilid ng kalsada. Bahagyang nakababa ang bintana sa driver seat kaya't namukhaan ko ang taong nasa loob nito. Naningkit ang mata ko ng nakilala ito.
Si April! Anong ginagawa nya rito? Alam kaya ni Raf na naririto sya?
Nang makain ko na ang lahat ng inorder ko ay sumulyap ako sa sasakyan na hanggang ngayon ay nakapark sa may gilid. Ilang saglit pa ay nakita ko na si Raf na nakangiting lumalapit sa kotse. Kumirot ang puso ko sa aking nasilayan.
Pumasok sya sa loob at agad silang umalis. Hinabol ko ng tingin ang sasakyang papalayo na ngayon. Bumuntong hininga ako at sinimulang maglakad papunta sa kotse ko.
Pagdating sa bahay ay naabutan kong nakasalampak sa sofa si Mars, Charles at Jacob. Ngumisi ako ng sabay sabay silang tumingin ng lumapit ako sa kanila.
"Hey! Summer is coming! One week nalang and the long wait is over" masigla kong bati at uminom ng juice na nakalapag sa mesa.
"yeah, and balak din naming mag out of town next month. We already talked about the place." masiglang sagot ni Mars.
"Whoaah! Bilib na talaga ako sayo Mars. Habang nagpapaka-aral ako this week ay puro summer get away ang nasa isip mo. Haha!" biro ko sa kanya at nagpaalam muna ako saglit para makpagshower.
Napailing ako ng maalala ang init ng araw na lumapat sa balat ko kanina. Naglagay ako ng lotion at dali daling nag ayos ng sarili. Simpleng shirt at short shorts lang ang sinuot ko dahil siguradong mag-aayayang lumabas sina Charles mamaya.
Nadatnan ko silang tatlo na nag-uusap. Halata sa mukha ni Jacob ang pagkabored at ng makita nya ako ay agad ko syang nginisian.
Agad na tumayo si Charles ng mapansin nya ako. Sinipat nya ang suot ko at kunot noong tumingin sa akin.
"Hey! Whats wrong with this huh?" tanong ko at umirap ng hindi pa din sya tantanan ng tingin nito.
"Nothing. Baka kasi mamaya mapaaway na naman kami ni Jacob when some pervert guy touches you!" seryosong sabi nya.
"Well, thats not my problem anymore. Summer na and i dont want to wear pants. Tsaka hindi na naman ito sobrang ikli compare before" depensa ko sa kanya ng nakita ko sa mata nya ang pagkairita.
Last week kasi ay pumunta kami sa mall and guess what? Two guys approach me at bigla nalang akong inakbayan at bumulong ng "So hot babe!" and I was like, My God! Nakita ko nalang na kinuwelyuhan na ni Jacob ung guy na umakbay sa akin at masama itong tinitingnan ni Charles. Mabuti nalang at nakapagtimpi pa ang dalawa. Binantaan nila ang lalaki na huwag syang magkakamaling magpakita pa sa kanila kung gusto pa nyang magkaroon ng tahimik na buhay.