It's sunday at nasa bahay sina mommy and daddy. Ito lang ang araw na nagkakasama kami at lumalabas ng bahay para mamasyal at kumain sa labas. Maaga akong gumising dahil nakasanayan ko ng sa araw ng linggo ay sumisimba kami ng first mass. Medyo sumisikat na ang araw sa labas ng tanawin ko ito mula sa bintana. Tapos na akong maligo at magbihis. Binuksan ko ang closet kung saan nakahilera ang mga bags na halos ay mga binili ni mommy para sa akin.
Isang marahang katok ang nagpalingon sa akin sa pintuan. Sinulyapan ko muna ang orasan sa may bedside table ko bago humakbang para pagbuksan ito.
"Goodmorning mom!" - malambing kong bati ng mapagtantong si mommy ang nasa labas ng kwarto ko. Isang matamis na ngiti ang isinukli nya at mabilis na humalik sa pisngi ko.
"Morning anak! How's your sleep?" pagkuway tanong nya,
"Well..ok naman. Medyo gabi na akong natulog dahil tinapos kong basahin yung pocketbook na binili ko last week." sagot ko sabay sandal sa may pintuan at kunot noong tumingin sa kanya ng napansing nakapantulog pa ito.
"Ikaw talaga, You're addicted na sa mga pocketbook na yan! By the way, your dad is sick. Kagabi pang sumasakit ang ulo nya and then kanina ginising nya ako and told me that he's not feeling well. Inasikaso ko muna sya bago ako pumunta dito kasi i know na kanina ka pang gising coz we supposed to go to church today." sunod sunod nyang paliwanag habang hawak ang kamay ko.
"Really? Is he okay now? Can i check him?" tanong ko na ikinaliwanag ng mukha nya.
Mabilis syang tumango at hinila ako papunta sa kwarto nila. Dahan dahan nyang binuksan ang pinto at agad kong nakita si daddy na nakahiga sa kama. He looks so pale.
"Dad?" tawag ko sa kanya at maingat na umupo sa gilid ng kama.
"Joey..Im sorry, I cant go with you today" Malungkot nyang sambit at dahan dahang umupo at pumantay sa akin.
"Its okay dad. Be sure lang na magpapagaling ka agad para next week we can go out na. Masyado mo kasing pinapagod ang sarili mo, feeling mo 35 years old ka lang para magwork all day, ayan tuloy." sagot ko na may himig ng pagtatampo.
"Hahaha. You never fail me to laugh. Now that we already talk, I feel better na." natatawang sabi nya at sumulyap kay mommy na ngayon ay nakangising lumalapit sa amin.
Nagpaalam na ako kay daddy at malambing na humalik sa pisngi. Sinabi kong magsisimba pa din ako kahit mag-isa. Iginiit pa ni mommy na tawagin ko ang pinsang si Jacob o Charles para daw may makasama naman ako, pero sinabi kong siguradong tulog na tulog pa ang dalawa maging si Mars ay hindi din lalo pa at linggo ngayon.
Bumalik ako sa kwarto at kinuha ang red bag na napili ko. Simpleng pink dress lang ang isinuot ko na tinuwangan ng flat shoes. Nagsusuot naman ako ng heels pero mas komportable ako sa ganito.
"Manang goodmorning, pakibukas po ng gate. Salamat." bati ko ng napadaan ako sa may kusina at mabilis na uminom ng tubig.
Naalala kong hindi pa nga pala ako nakakapag-almusal pero naisip ko na sa labas na lang ako kakain pagkatapos kong sumimba. Maingat akong nagmaneho palabas at agad binuksan ang ipad na nakaconnect sa stereo ng kotse ko.
Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang balikan ang mga nangyari nung mga nakaraang araw. Masyado akong naging busy sa school kaya hindi na ako nakakalabas kasama ang mga pinsan at kaibigan ko. Ang huling pamamasyal ko kasama sila ay noong nagpunta kami sa bahay ni Hannah para kuhanin ang mga pasalubong na binili nya para sa amin, na ewan ko kung matatwag bang pamamasyal iyon.
Mataas na ang sikat ng araw ng lumabas ako ng kotse at maingat na naglakad patungo sa loob ng simbahan. Siksikan na at madaming tao kaya napilitan akong tumayo sa may bandang likod at doon nalang tahimik na nakinig sa sinasabi ng pari. Nagtataka kong nilibot ng tingin ang mga taong nasa paligid ko. Second mass na ito at hindi ko na nagawang umabot sa first mass dahil naisip kong tutal mag isa lang ako ay ok lang na makipagsiksikan dito.