TO: FROM:

5 1 0
                                    


TO:

FROM:

(IncoScribbler)




Summer night. Not so lonely night...

Ikaw ba namang hindi makatulog dahil sa mga binabasa mong libro or sa kapeng ininom kaninang hapon. Walang na ngang WiFi, nagpupuyat pa rin. Yung may pa-plano plano ka pang mag workout at diet pero ang ending tanghali lagi ang gising at kada minutes pagkain ang nasa isip.

Not literally..

Ang totoo niyan marami talaga akong iniisip. Gaya nang kung paano ko matutupad ang purpose ko dito sa mundo. O'ha? Ang deep noh?

Oo, deep talaga ako mag-isip ng mga bagay bagay. Sa sobrang deep siguro ang hirap nang sisirin. To make it clear, mahirap intindihin. I don't know, sometimes I feel like drowning from my own thoughts.

Iniiwasan ko na nga mag-salita minsan, kung sa palagay ko ay hindi ako maiintindihan ng kausap ko. I'm also not good in expressing myself and also expressing my feelings. Real feelings... through verbal. I can't find some exact words to say or to explain. But one of my principle in life is: "I don't always have to explain to anyone what I'm doing or what I'm thinking."

So, I ended up being quiet. Disturbingly quiet.

I'm not good in expressing what exactly was on my mind. The only thing that I'm good at is keeping it all to myself nalang, in a piece or bunch of papers. Sila ang mga nagsilbi kong bestfriend (at syempre isama mo na yung ballpen). Bukod sa mga bestfriend kong tao.

Ano na naman iniisip ninyo?

Papel, Ballpen? Bestfriend?

Of course! 'Paper is more patient than man' sabi iyon ni Anne Frank. Eh bakit? Totoo naman diba? Kahit anong isulat mo sa isang papel hinding hindi ka nito huhusgahan o pagsasalitaan ng masama o mabuti. I consider it as my dearest friend. Pag masaya ako, nalulungkot, nagagalit etc. itatala ko nalang, kesa ipagsabi ko pa sa iba. Doon lang ako dumadaldal.

Thank Goodness at naimbento ni Tsai Lun ang papel.

Isa lang akong typical na teenager. Minus masamang bisyo, batang gala, at syempre lovelife. Sa murang edad, marami na akong na-obserbahan sa buhay ng mga tao at sa buhay ko at syempre napagdaanan.

I was lost and now I'm found. How?

By the grace of God, after a year of my parent's death, ay nakatagpo din ako ng mga kaibigan na ginamit ni Lord para baguhin ang buhay ko mula sa pagiging miserable to pagiging kumportable. I'm choking in pain before and now I can breath freely.

"Eze! Ang tibay mo gising ka pa ng ganitong oras?", bulyaw sa'kin ni aunt Karla.

1:56 AM na nga pala.

By the way, Ezetildaux Perez (Eh-ZI-Til-Dow). Idlip muna ako.

To:From:Where stories live. Discover now