CHAPTER V: Agony

4 1 0
                                    


-CHAPTER V-


Agony.


[Death, so called, is a thing which makes men weep, And yet a third of life is passed in sleep.

-Lord Byron, Don Juan,XIV,iii]

Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka get over sa pinanood ko nung isang gabi, yung Romeo and Juliet nila Leonardo Dicaprio at ni Claire Danes. Nakakaasar.

Bakit kasi kailangan maging ganun? Dahil sa hate marami mapapahamak o kaya mismo ikaw ang mapapahamak. Hays!

If there is hate there is love, if there is love there is hate. If there is life there is also death.

Siguro ganito talaga ang buhay. Kailangan nating malungkot para ma-appreciate ang kasiyahan. Kailangan natin ng dilim upang makita ang liwanag. Dapat talagang balance.

Ngunit sadyang may iba na close minded at madaling magpadala sa emosyon. Yung iba naman matalino kaso sarado ang puso.

My God, how can I?

Nahihirapan na din ako minsan. Pero naiintindihan ko na may purpose ang lahat, pero ang tanong, lahat ba aware sa purpose nila sa buhay? O nabubuhay lang sila dahil may buhay sila?

Okay.. ito na naman ako.

Omayghad! Late na ako.

Nagmadali na akong kumilos at umalis na sa bahay.

Pagkarating ko sa school at room namin ay wala pa palang tao. Nagtungo muna ako sa CR at pagkabalik ko ay nandoon na si Andy nakatalikod sa akin. Gusto ko sana siyang gulatin ngunit naramdaman niya na papalapit ako.

"Eze..."

Ugh! Wala na..

Humarap siya sa akin at inayos ko ang posture ko.

"Kanina ka pa ba nandito?" tinanong niya ako.

"Hindi bago bago lang din. Nag cr lang ako." Sabi ko.

Mukhang hindi mapakali si Andy at napansin kong may tinatago siya sa likod. "Ano yan?", I asked curiously.

"Uhm.. wala 'to",

I'm not convinced kaya sinubukan kong agawin iyon sa kanya. Nakuha ko rin ang isang... regalo?

"Para kanino 'to?" nakangiti kong tanong sa kanya.

Sa pagkakaalam ko.. "Sayo." Bigla rin niyang sinabi. Napaisip ako kung bakit siya magbibigay ng regalo. Like duh?! Ayokong mag expect.

We're friends nga lang diba?

"... birthday mo diba?" shax! Oo nga pala! Birthday ko ngayon. Nalimutan ko na ngayon pala yun sa dami nang ginagawa kong school activities.

"Oo."

"Happy birthday Eze." Bati niya sa akin. Sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko siya.

"Thank you, dahil naalala mo."

[Stephen]

It's her birthday today. Pero medyo hindi pa rin kami okay. I mean, wala naman talaga kaming problema, ang sa akin lang ay yung lagi niyang kasama si Andy. Para kasing asong laging nakabuntot kay Eze.

Alright, I remember him. Siya yung dating naging crush ni Eze nung grade 6 pa siya. Nakakainis nga siya eh. Pagkatapos nang pag papaiyak niya kay Eze noon, tapos ngayon...

To:From:Where stories live. Discover now