CHAPTER IV: Falling Out

4 0 0
                                    


-CHAPTER IV-

Falling Out


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Natawa nalang ako sa nabasa kong letter galing kay Stephen.

"Ezeng! Ano'ng oras ka aalis?" tanong ni auntie Karla.

"Ngayon na po."

"Ano'ng oras ka na naman uuwi mamaya? Ha? Wag 'mong sabihin na magpapagabi ka na naman? Hoy Ezetildaux, tandaan mo obligasyon mo..." ayan na naman si auntie.

Hindi naman linggo pero bakit halos araw araw nalang ako sinisermonan?

Hays.. Eze, di ka pa ba nasanay?

Well, kahit ganyan si auntie Karla, Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Si auntie Karla may pagka strikta talaga 'yan simula noon. Siya nalang ang tanging kamag anak ko na tumanggap sa akin at nagpatuloy sa kanilang bahay. Yung iba kasi simula noong namatay ang mga parents ko, nawalan na din sila ng amor sa akin. Siguro dahil wala na silang mapapala sa akin. In short wala na akong datong. Masasabi ko na maswerte pa rin ako kahit papaano. Hindi ako pinabayaan ni Lord. Kaya kahit nagbubunganga siya, pinagpapasensyahan ko nalang. at least may nagbubunganga pa sa akin. Ganyan talaga pag nagdadalaga. Alam mo na...

Malapit na nga pala mag mother's day. Na mimiss ko na si mama at si papa.

"Bye, auntie.." hinagkan ko sa pisngi si auntie at nagmadali na akong umalis.

Mabilis din akong nakarating sa university.

Tinext ko ang kaibigan ko, kaso di siya nag reply. Kaya nag ikot ikot muna ako sa may field ng school. Sa bandang doon ay napansin kong nagkukumpulan ang mga tao.

Naki usisa din ako. Laking gulat ko nalang nang makita ko si Andy na ginugulpi ng isang lalake. Kaya bigla ko itong tinawag.

"Hoy! Itigil mo yan!" sabi ko sa lalake bago lumapit.

Aba! walang hiya nito! Hindi ako pinansin. No choice ako kundi batuhin 'tong mokong na'to. Ito na siguro yung first time na makikita ako ng mga tao dito na makikipag resbak.

Forget about mahinhin, mabait na Eze. Ibang usapan na pag nakita ko na sinasaktan ang kaibigan ko.

So, let's fast forward...

Nagulat ako lalo nang makita ko si Stephen. Oo, siya yung nakaaway ni Andy. Si Andy naman classmate ko since Grade 6, kaso di pa kami close noon.

Namumula ang mukha ni Andy dahil sa sapak ni Stephen.

Hays! Ano kayang pinag awayan nitong mga 'to.

Atsaka, anong ginagawa dito ni Stephen?

Nagpunta kami sa campus clinic para lagyan ng yelo ang mukha ni Andy.

To:From:Where stories live. Discover now