Namimili kami ngayon ng souvenir, kinukulit ako ng dalawa na maghanap daw ako ng jowa dito like duh? kailangan ko pa ba yan? tsk. okay na ako sa mga barkada kong lalaki."Bes, kelan mo pa balak?" - Chie
"Ewan? darating din tayo dyan."
"Sige ka baka maunahan ka ng iba diyan!" - Sue
"Oo nga, sa panahon ngayon babae na ang nanliligaw" - Chie
"Gaga! tumigil ka nga" - Sue
"Bakit Sue? balak mong manligaw?"
"Che!"
Nauna siyang lumabas ng shop, tumawa kaming dalawa ni Chienna pagkatapos naming magtinginan. Last day na namin dito sa Bora kaya lulubusin na naming mag-enjoy, nagmamasid ako sa bawat souvenir na dapat kong bilhin kinuha ko ang isang maliit na bottle na may lamang white sand. Nagumpisang humakbang ang mga paa ko ngunit hindi ko inaalis ang tingin ko sa mga t-shirts na may nakalagay na 'Boracay' sa sobrang aligaga ko sa katitingin sa mga shirts ay may nakabangga ako "I'm so sor– Xyril right?" Nanliit ang mata niya binigyan ko siya ng isang malapad na ngiti. Tumango siya sakin at tumalikod na naman! "Teka! aalis ka na agad?" nag smirk siya sakin "Obvious ba?" bumuntong hininga ako "Look, gusto ko lang na mas makilala ka pa" tumingin ako ng direcho sa mata niya "Why? Walang ka kwentang-kwenta ang buhay ko so just drop it!" napa O shape naman ang bibig ko bago niya ako tuluyang talikuran. "Uy! nawala lang kami saglit bes lumandi kana?" singit ni Chienna hinila ko naman ang buhok niya pababa pero syempre mahina lang naman 'yon may awa pa kasi ako sa bruhilda kong bestfriend.
Tinadtad ako nila ng tanong tungkol kay Xyril pangalan pa lang daw hot na, Ay putspa naman hindi naman halata na gusto nilang kumerengkeng.
"Nako! kung ayaw mo sa kanya cous' ireto mo siya sakin" - Sue
"Ay hindi ka type non! pandak ka dapat ako kasi matangkad at maganda" - Chie
"Mas maputi ako sa'yo!" - Sue
"Eh ano ngayon?!" - Chie
"Hep! tigil na ha? bago pa kayo mauwi sa wrestling, o sige na magkukwento na ako" Nagsimula na akong mag speech tili sila ng tili na kesyo daw 'Destiny' ko na siya, Like the hell? tinulungan lang siya na ang makakasama ko habang buhay hindi ba pwedeng hanggang friends lang kami?
'hanggang friends lang nga ba?'
Hay ano ba yan! pati utak ko sumasali na rin. May biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko inutusan ako ng dalawa kaya napairap na lang ako. Nag e-expect ako na isa sa mga staff ng Hotel na 'to or baka nagpa-deliver si Chienna at Sue pero hindi eh.. nasa harap ko ang taong kinamumuhian ko kasama ang kabit niyang kamukha ni Lucifer. Ngumiti ng pang Made in China si Ara sakin.
"Kiana.. I.. I apolo–
"Well, no thanks Dad. Hindi ko matatanggap ang Sorry mo! alam ko naman na pinilit ka lang ng babaeng 'yan eh! Ano bang meron sa kanya ha?! Hoy Ara sagutin mo ko anong meron sayo at bakit baliw na baliw sayo ang Ama ko?!" kitang kita ko na namumuo na naman ang galit ni Daddy. "Umalis na kayo! I don't want to see your face again! pagkatapos mo akong sampalin at ipahiya sa mga tao! please! get lost both of you! Sana.. sana ako na lang ang na aksidente imbes na si Kuya!" matalim akong tiningnan ng aking Ama "Wag mong sabihin yan Anak, alam ko naman na malaki ang pagkukulang ko sa inyong magkapatid pero wag kang magsalita ng mga bagay na yan." napatingin ako sa kamukha ni Lucifer bago pa makapagsalita si Ara inunahan ko na siya "Ang trabaho mo maging sekretarya ng tatay ko hindi ang manira ng pamilya. Simula ngayon wala na akong kinikilalang Ama!" nabigla si Daddy sa sinabi ko, Oh ano ngayon? alam kong sobra sobra na ang sinasabi ko pero kapag hindi ako magsalita at sumigaw sasabog na ang ka loob-looban ko. "Shae.. Hija I'm so sorry.. Please forgive me. Maniwala ka minahal ko ang Mommy mo– I cut him off "Damn it! Minahal? Oh crap. Lubayan mo na kami, kaya naming mabuhay ng wala ka. And you! Slut! lamunin mo lahat ng pera ng Daddy ko I mean ni Mr.Monteverde, Maghintay lang kayo ng karma niya kahapon ko pa siya tinawagan papunta na daw siya. Be ready!" Sinirado ko ng pagka lakas lakas ang pinto. Napaupo ako sobrang nanghihina ang tuhod ko patuloy na umaagos ang luha ko sa aking pisngi, Niyakap ako ng dalawa pilit nila akong pinapatahan.
Sinabi ko sa kanila na ayos lang ako at magpapahangin lang muna ako, wala akong pakialam kung may nakapansin man sakin na umiiyak ako habang tinatahak ang daan papuntang dagat. Pagkarating ko roon lumusong ako sa tubig humikbi ako habang nakatayo sa tubig na hanggang tuhod ko ang lalim. "Sht! ma karma na sana sila! ano bang meron sa pagmamahal?! punyeta!"
"Marami.."
So may alam din pala siya sa pag-ibig? Tsk. Kakornihan!
===================
A/N: Thankyou po sa mga nagbabasa ng story ko hope na nagustuhan niyo, sorry din kung may mali sa pagsulat ko hayaan niyo aayusin ko po yan.
BINABASA MO ANG
WHY YOU'RE SO MANHID
Fanfiction"May gusto ka ba sakin?" "Ganyan ka na ba ka MANHID?!" =========================== Read >>>>