Patuloy lang ako sa pagpunas ng luha ko samantalang nasa tabi ko naman siya. May alam din pala siya sa pagmamahal? Aba naman. Lumapit siya sakin ng dahan dahan. Ang hindi ko maintindihan kung bakit nag-uumpisa ng bumilis ang pagtibok ng puso ko."Bakit? dahil broken hearted ka nakalimutan mo ng magmahal?"
"Anong broken hearted? Dahil 'to sa Daddy ko sumama sa kabit niyang ubod ng pangit!"
"Tsk sa Pag-ibig walang bawal magmahal ng pangit o maganda"
Ayoko munang makipagtalo sa kanya mas lalo akong naiirita. Sumulyap siya sakin, Napabuntong hininga naman ako. Medyo magulo pa rin ang isip ko. Umalis siya sa pagkakalusob dito sa tubig saka umupo sa buhangin, sumunod naman ako sa kanya at ganun din ang ginawa. Ilang minuto na ang nakalipas pero wala man lang nagsasalita samin sinubukan kong ibuka ang bibig ko kaya lang wala naman akong maisip na sasabihin o tanong sa kanya kaya pinili kong tumahimik na rin lamang.
"Pareho pala tayo.."
Sa wakas! nagsalita na po siya. World record po ito, Napangiti ako na parang ewan pero hindi ko siya magawang tingnan.
"Oh anong ngini-ngiti mo diyan?"
"Ehem, wala uh– tuloy mo na ang sinasabi mo"
"Okay.."
Pinigilan kong ngumiti baka kasi isipin niya na may topak ako nakakahiya naman diba? Nagpatuloy siya sa kwento, Fix marriage daw kasi ang Mommy at Daddy niya pero 'di nagtagal natutunan nilang mahalin ang isa't-isa kaya lang sadyang babaero daw ng Dad niya, ilang beses na siyang nahuli at pinatawad pero sobra na daw kasi ang pinang-gagawa ng Ama niya. Umalis sila ng bansa two years ago kasama ang bunsong kapatid niyang babae bumalik lang siya dito kasi dito niya ulit gustong mag-aral. Wala na silang communication ng Dad niya matapos silang umalis papuntang states. Namumuo ang luha sa mata ko yumuko ako at tumingin sa ibang direksyon para punasan.
"Tsk, kaya ayaw kong magmahal eh.."
"Wee? sabi mo kanina marami kang alam sa pagmamahal?"
"Marami nga, pero ako kasi gusto ko makatagpo ako ng babaeng siya na talaga pang habang buhay.."
"Tch! How sweet, Love.. Love.. Love.. huh, bullshit!"
Tumayo ako sabay pagpag ng shorts ko, Tumingala siya na parang binibigyan niya ako ng tanong kung saan ako pupunta.
"Maglalakad lakad lang ako, babalik rin naman ako mamaya sa Hotel maaga pa kasi ang alis namin bukas"
"Aalis kana? ano uhm.. taga saan ka ba?"
"Manila, eh ikaw? dito ka ba nakatira I mean somewhere here in Aklan?"
"Nope, Taga maynila rin ako"
"Oh.. so kelan ang balik mo?"
"I don't know, after 1 week maybe?"
Ang gwapo niya palang ngumiti? Ohmy. Tumayo na rin siya, Sana mas makilala ko pa siya. "Uhmm, sana magkita tayo ulit sa Manila" tumango siya sakin at ginulo ang buhok ko, naalala ko ang childhood friend ko sa kanya tuwing ginugulo ang buhok ko.
"Sue! Wake the fuck up!" Singhal ko sa kanya. Tinakpan niya ng unan ang mukha niya si Chie naman kalalabas lang ng banyo, punyeta talaga ang pinsan kong 'to sarap sakalin "Buhusan na kaya natin ng kumukulong tubig? mas effective 'yon" Kinuha ko ang unan sa mukha niya ngunit inagaw niya sakin pabalik. Aba't! "Chienna hindi na kailangan kahit tubig na lang, yung sobrang lamig bilisan mo!" at sa utos kong yan hindi talaga ako nagbibiro ngumiti ng nakakaloko sa Chienna at pumasok sa Bathroom paglabas niya may dala siyang tabo "San mo nakuha ang tabo na yan?" inilahad niya sakin, kinuha ko iyon sabay tingin sa pinsan kong ayaw gumising "Ewan nakasabit lang naman yan malapit sa shower" Sagot niya. Sue Zyla Monteverde ayaw mo talagang gumising ha. Una kong binasa ang paa niya dahilan para mapadilat siya akala ko babangon na ulit ang mangkukulam pero natulog pa! kinuha ni Chie ang lahat ng unan sa kama. Ngayon tingnan natin kung hanggang saan ang pagkakahimbing ng tulog mo. Ibinuhos ko ng dahan dahan sa mukha niya, Tumili siya ng tumili habang kami naman ni Chienna ay humagalpak sa tawa.
"Punyeta kayo! gisingin niyo ako ng maayos wag 'yong bubuhusan niyo ako ng tubig!" inis na sambit niya habang pinapatuyo ang buhok niya gamit ang tuwalya. Nilapitan siya ni Chienna atsaka binatukan "Hoy! Sue Zyla dinaan na nga namin sa paraan na gisingin ka ng MAAYOS! Pero 'punyeta' mo rin! kung hindi ka namin binuhusan ng malamig na tubig kelan mo balak gumising? after 10 years?! Jusko naman hala bilisan mo diyan aalis na tayo bwisit ka! hindi ka man lang nag-aalala sa susundo satin eh ang tirik-tirik ng araw! che!" Pinipigilan kong tumawa baka ako pa ang pagbuntongan ng galit ni Chienna.
"Opo Ma, love you!" asar sa kanya ni Sue may sayad na ba ang pinsan ko? Well, since birth ganyan na siya tsk.
Pagsundo samin ng Van nag unahan kaming pumasok at umupo dahil pagod ang paa namin sa kaka-lakwatsa. Sumandal ako at pinikit ang mga mata ko. Ugh! Kaloka.
"Nagpaalam ka ba kay Tito–
"Hep! tumahimik ka!" sabi ko sa kanya habang nakapikit.
"Okay! hay nakakagutom naman"
"Ano ba naman Sue! puro ka na lang pagkain!"
"Hoy Chienna kanina mo pa ako pinapagalitan ha! Wag mo masyadong agawan ng role si Mama"
"Heh! matutulog na nga lang"
Naunang ihatid si Chienna sa bahay niya pero kami ni Sue sa condo namin kami Uuwi. Magkatapat lang naman kasi ang condo namin gusto niya sana na iisa lang kami ng condo pero sad to say, 'di ako pumayag ano siya sinuswerte? ako taga paglinis, pagluto, at kung ano pang gawaing bahay. Ay hindi ata pwede yan! Hindi naman sa hate ko siya pero kasi bilang pinsan niya gusto ko siyang maging Independent sa sarili niya.
"Ugh! I'm tired as fuck!" tumawa ako ng mahina saka pumasok na sa loob ng condo ko iniwan ko siyang nakapikit at sumasandal sa pinto niya.
Kinabukasan, pumunta ako ng Store para bumili ng drinks or snacks man lang. 10 am na ako nagising kanina at 1 pm ang photoshoot. Nah I'm not a photographer.. I'm a model. Papagalitan naman ako ng Ate ko kasi late na naman ako. She's Klexa Shin Monteverde. She owns the company kung saan ako nagtatrabaho. Yes sakanya hindi namin dahil siya mismo ang nagpatayo ng sarili niyang kaharian without the help of our Dad. Ay! Dad? meron pa ba ako 'non? Well.. nevermind!
Kukunin kona sana ang paborito 'kong Lays ng may humablot nito bago ko pa makuha, nagtaas ako ng kilay bago ko siya tingnan.
"What the hel–
"Uhm.. long time no see"
Holy sht!
==============
A/N: Sa mga silent readers diyan helloooooo! pwede po kayong mag comment.
Gusto ko lang po sanang sabihin na ang storyang ito ay kathang isip ko lamang. Ayoko na may mag bash sakin dahil sa story na 'to kung hindi niyo nagustuhan hindi ko naman kayo pinipilit na basahin hanggang dulo.
Ipagpapatuloy ko ang kwento at mag-uupdate ako ng Chapter 5 kapag nakatanggap ako ng 30 votes. Yes 30! konti lang dahil hindi naman ako sikat na author nais ko lang naman na ibahagi ang aking talento sa pagsusulat. Maraming salamat po ❤️
BINABASA MO ANG
WHY YOU'RE SO MANHID
Fanfiction"May gusto ka ba sakin?" "Ganyan ka na ba ka MANHID?!" =========================== Read >>>>