Loureen Rae
6 years later
"Goodmorning my angel." Bati sa akin ni daddy pag baba ko sa dinning area."
"Tara kain na ng breakfast."
"Goodmorning daddy." I kiss him in the forehead, where I can see his remaining life time.
040.259.45.19.26
Napangiti ako. 45 yrs. Old na si daddy. Masaya akong mahaba pa ang buhay niya para sa normal na life span ng tao ngayon.
Napangiti din si daddy sa akin.
"Chine-check mo nanaman ba ang buhay ko? Ano matagal pa ba bago ko makaksama ang mommy mo sa heaven?" palokong tanong niya.
"Ewan ko sayo daddy." Napailing nalang ako habang natatawa sa joke ni daddy.
Hindi ko kasi alam kung totoo ba na naniniwala na si daddy sa kakayahan kong makita ang life time simula nung namatay si mommy. Or sinasakyan nya lang ako upang hindi ko maramdaman na kakaiba ako.
Pinatingin kasi ako dati ni daddy sa isang psychiatrist noong 7 yrs. Old ako dahil daw sa mga kakaibang nakikita ko. Pinayuhan sya nung doctor na dalhin ako sa Japan at doon ipagamot sa isang ospital doon. Kinausap lang ako ng doctor doon na isang regalo itong kakayahan ko at huwag nalang ipagsabi sa iba. Masaya ako noon dahil sa wakas may taong naniniwala na sakin. Pero iba ang sinabi nya kay daddy. Narinig ko silang nag uusap. Meron daw akong Fantasy Prone Personality (FPP) or overactive imagination. Simula noon nawalan nako ng pag asa na may maniniwala pa sa akin. Kung FPP man ito, wala siyang kewntang doctor dahil hindi naman nya ako napagaling.
Pero ang pinagtataka ko lang, sa tuwing inaalala ko ang doctor na yun, hindi ko nakita ang life time niya at ng anak nya.
"Ang aga mo ata para sa class mo?" Tanong ni daddy sabay higop ng coffee nya.
"Ayaw ko naman po ma-late sa first day sa bago kong school" nakangiti kong sabi kay daddy habang kumakain ng breakfast. Kahit ang totoo ay kinakabahan ako.
Paano kung may makaalam nanaman sa kakayahan ko. Paano kung katakutan din nila ako? Ayaw ko ng pagdaanan ang mga nanyari dati.
"Are you okay my angel?" Napansin ata ni daddy ang pag aalala ko.
"Yes dad. Medyo kabado lang." Pinilit ko paden ngumiti para hindi na mag alala pa si daddy.
"Don't worry Loureen, hindi na mauulit ang dati." Nakangiting sabi ni dad sakin.
"Oh bilisan mo ng kumain at baka mahuli ka pa sa klase mo."
"Opo daddy." Masigla kong sabi sa kanya. Sana ganito paden ako mamaya.
Matapos kong maligo at nag-ayos. Bumaba nako at nagpaalam kay daddy na aalis nako. Hinatid ako ng driver namen sa bago kong school. Malayo ito sa dati kong pinapasukan na school. Malayo sa mga taong ang tingin sakin ay "baliw", "mangkukulam", o "demonyo". Malayong malayo.
Sa province kasi kami dati nakatira. Tahimik at presko ang hangin. Masaya at normal ang buhay ko noon doon dahil sinunod ko ang payo ng doctor sa Japan na wag ko nalang pagsabi sa iba tungkol sa kakayanan ko at kinausapan ako ni daddy na walang makikipagkaibigan sakin kung sasabihin ko ang tungkol sa life time dahil matatakot lang sila dito.
Nanatiling normal ang buhay ko hanggang sa tumuntong ako ng 2nd year college. Nawala ang normal na buhay ko sa isang pagkakamali.
Flashback
YOU ARE READING
Life Time
FantastikLife Time. It is like a digital clock of a human life span, located at their forehead. I am Loureen Rae, and I can see your Life Time.