Chapter 2 : New School, New Life

13 0 0
                                    


"Senyorita Rae andito na po tayo sa school nyo." Nakangiting sabi ni manong Ryan, ang driver namen ni Daddy, habang nakatingin sya sa rear view mirror.

"Miss Loureen nalang manong. Salamat sa paghatid.." napangiti din ako, ngunit nakita ko ang life time niya sa salamin.

028.478.13.32.19

28 years nalang. Eh 49 palang siya. Pasaway kasi, sabing bawal na fatty foods sa kanya eh.

"Oy ikaw manong na, kumain ka nanaman ng lechon kawali nu? tsk tsk tsk" pabiro kong sermon sa kanya.

"Hahahahaha nakita niyo po pala. Sorry ma'am bawas bawasan na po."

Hindi ko talaga nakita, alam ko lang na kumain sya nun dahil kahapon ang life time niya ay 028.484.00.00.00. Nabawasan agad sya 6 days!

Nababawasan or napapabilis ang life time kapag may masamang nagyari sa kalusugan at sa katawan ng isang tao. Kaya kahit ang isang taong may 80 yrs. na life time,  kapag naaksidente, nagiging zero.

"Anong babawas bawasan, itigil mo na yan hahaha osya bye manong ingat kayo ni daddy mamaya."

"Sige po ma'am. Salamat"

Andito ako ngayon sa tapat ng bago kong school, ang Trinity Unversity.  Eto na... New school, new life. HRM padin ang course na kinuha ko, sayang naman yung 2 yrs. ko sa dati kong school kung magpapalit pako. Buti nalang talaga nacredit ang mga grades ko dati kaya 3rd yr. nako ngayon. Ang cute ng school uniform nila dito, white blouse na may green vest at green ribbon, at green round skirt na umaabot sa tuhod ang sa babae. White polo with green vest and green tie, at dark gray pants naman sa lalaki. Green ang school uniform, sakto sa kulay ng life time  sa mga noo nila.

Pumasok nako at hindi ko na muna nilibot ang campus dahil ayaw ko naman malate sa unang araw ko. Baguhan ako dito at nahihiya naman ako magtanong tanong kaya mag isa kong hinanap an room ko, kaso hindi ko talaga alam kung nasaan ito. May nabasa ako, nasa 2nd flr. CAS building pala ako. Pero CHTM buiding ang hinahanap ko huhuhu

 Buti nalang talaga at maaga aga ako pumasok at hindi ako malalate kakahanap ng room. Suko nako at sakto naman at may guard dito ngayon. Lalapitan ko na sana yung guard kaso bigla naman may lalaking humarang sakin.

"Hi miss, ikaw ba yung transferee?" masaya niyang bati saakin. Iniwas ko agad ang tingin ko sa noo niya upang hindi ko na mapansin ang life time niya. Kapansin pansin ang camera na naka sabit sa leeg nya at ang malaking ID na nakasulat na PRESS

"Hhmm yes." naisipan ko na sa kanya nalang ako magtanong. Magsasalita na ulit sana ako ng bigla siyang nagsalita.

"Ako nga pala si Aaron, isa ako sa nagsusulat sa university news paper. Pwede ba kitang mainterview mamaya? Para lang sa news paper. Ano ang masasabi mo sa first day mo dito sa Trinity University." nakangiti nya paden na sabi.

"Huh? hmm okay." tatakasan ko nalang siya mamaya. Baka kung ano pang maungkat nya sakin. Mahirap na.

"Btw, alam mo ba kung nasaan ang room CHTM building?" tanong ko sa kanya.

"Ahh doon yun sa bandang likod. Tara samahan na kita." Offer nya sa akin. Pumayag na ako dahil mukha naman siyang harmless at para hindi na ako maligaw.

Kaso bago kami bumaba ng building nagulat ako ng biglang may nag flash.

"Nagulat ka ba? Sorry hahaha pang news paper lang. What's your name nga pala? Pwede isang picture pa?" at naweirduhan nako sa kanya kaya binilisan ko na maglakad.

"I'm Ra- Loureen. Ahh sige mauna nako ah. Okay nako. Baka malate ka pa sa class mo.

" Sabi ko sa kanya habang nagmamadaling bumaba. Ngunit humabol paden siya

Life TimeWhere stories live. Discover now