Loureen Rae's POV
Natapos na ang class namen ni Zach at hindi paren mawala sa isip ko ang sinabi ni niya na "Cronus' child". Ngayon ay nandito kami sa canteen at kumakain. Hindi ko na natiis magtanong sa kanya tungkol dun.
"Zach may tatanong ako sayo" pagkuha ko ng atensyon niya. Busy kasi sa pagkain ng burger niya.
"Ano? Kung single ba ako? Oo. Kaya pwede mo akong ligawan. Hahahahaha" Ayy wow ang hangin pala ng isang 'to. Mabulunan sana siya!
"Che! Kapal ng mukha mo" irita kong sagot sa kanya.
"Hahaha ito naman hindi mabiro. Ano ba yung tatanong mo?"
"Ano ba yung cronus' child?" Bigla siyang nahinto sa pagkain. Kita sa mata niya ang pagkabigla sa tanong ko. Ngunit agad naman nagbago ang reaksyon nya at ngumiti.
"Ang ano? hahaha ngayon ko lang narinig yun." Lah! siya kaya nagsabi nun!!
"Wag mo ng ikaila. Sayo ko narinig iyon. Kanina sabi mo may classmate kang cronus' child. Ano ba yun?"
"Hahaha bakit ba interesado ka dun?" Tawa ng tawa ang isang 'to ah. Medyo naiinis nako.
Interesado talaga akong alamin kasi nararamdaman kong may kinalaman sakin yun. May kinalaman sa kakayahan ko. Hindi ko alam kung tama ba ang kutob ko. Isa pa, nang galing ang mga salitang yun sa taong hindi ko nakikitaan ng life time.
"Ahh.. ano... Wala! Curious lang." Pagsisinungaling ko. Hindi ko naman pwede sabihin sa kanya ang kakayahan ko. Nangako ako na hinding hindi ko na ipagsasabi ang mga nakikita ko.
"He talaga lang ah?" Nakangisi niyang sagot.
"Ano nga kasi! naiinip nako ah."
"Hahaha kalma. Bago ko sagutin yan. May napapansin ka ba sakin na kakaiba?" Nakatingin siya sa mga mata ko at nakangisi habang sinasabi niya yun.
Oo kakaiba ka. Wala kang Life time.
"Huh? paanong kakaiba."
"Kakaiba? Katulad ng espada na nakabaon sa dibdib ko ngayon? Dahil kung hindi mo iyon nakikita. Hindi ikaw ang Goblin's bride. HAHAHAHAHAHAHA"
ay bwisit! ang kapal ng mukha neto! Feeling Gong Yoo.
"Ha ha ha nakakatawa" poker face kong sabi sa kanya.
"Hahahaha pero di seryoso na. Wala kang napapansin na kakaiba sa akin? Wala ka bang nakikita sa iba na wala ako o sayo?"
Nabigla ako sa sinabi niya. Parang alam niya. Alam niya ang nakikita ko. Aamin ba ako? Sasabihin ko ba sa kanya ang nakikita ko? Mapagkakatiwaan ba siya?
"M-meron sa iba n-na wala ka at wala din ako?" Nag-aalangan kong tanong sa kanya.
"Oo, meron sila pero wala tayo?" Seryoso siyang nakatingin sa aking mga mata. Kitang kita na inaabangan niya ang magiging sagot ko.
Pero nangako na ako. Ililihim ko ang kakayahan ko para mamuhay ng normal. Paano kung sinabi ko at maulit ang lahat? Hindi maaari. Hindi ko masasabi sa kanya ang totoo.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
"W-wala. Wala akong nakikita." Kita ko ang pagkadismaya niya sa sagot ko.
"Sigurado ka Rae?"
Kung tama ang hinala ko na may alam siya, siya dapat ang maunang umamin.
"Hahaha oo nga. Ano ba yun dapat kong makita? hahaha" Ano nga ba Zach? May alam ka ba talaga?
YOU ARE READING
Life Time
FantastikLife Time. It is like a digital clock of a human life span, located at their forehead. I am Loureen Rae, and I can see your Life Time.