x. letter (#1)

10 2 0
                                    

06. 12. 17.
12:21 A.M.

hi.

it's been almost ten months since we last saw each other...

at halos walong buwan na ang lumipas simula nung nalaman kong may iba ka na pala.

alam mo ba? kailangan kong gumising ng maaga bukas pero hindi ako makatulog. my reason? you.

naalala kasi kita.

naalala ko yung mga panahong masaya tayo. yung mga panahong wala tayong iniintindi kung hindi ang mga sarili natin. yung mga panahong masasabi kong merong ikaw at ako.

funny how things ended the way they shouldn't be.

sometimes i wonder, what if you didn't meet her? what if you didn't develop any feelings for her? what if she didn't love you back?

would we still be okay?

but what can I do? it's all in the past now.

hindi na iyon importante.

naalala mo pa ba nung tinawag mo akong loves? gusto mo kasing meron tayong endearment. pumayag nalang ako sa gusto mo.

e yung intramurals namin? naalala mo pa ba?

kinamusta mo ako nun kung masaya ba o ano. sabi ko, masaya naman at maraming tao.

sinabihan mo pa nga ako na huwag magsuot ng shorts at fitted na damit. sabi mo pa, huwag pumunta kapag maraming tao dahil baka mabastos ako.

natawa pa nga ako dahil sobra ka pa kay papa. wala naman akong magawa kung hindi sundin ang sinabi mo. para naman sa sarili ko yun, e.

sabi mo pa nga, gusto mo akong protektahan kaso nga lang, nasa malayo ka.

miss na kita.

mag ingat ka palagi, ha?

kapag kailangan mo ng kausap, andito lang ako.

sana maging masaya ka na.

please don't forget me.

and always remember that i loved you.

absurditéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon