xxv. poem (#2)

6 1 0
                                    

Hanggang Tingin

Sa lahat lahat ng tao

Nabihag mo ang puso ko

Hindi ko alam paano

Bigla lang itong nangyari


Hindi na kayang itago

Nararamdaman ko sa'yo

Masakit ngunit paano

Hanggang tingin nalang ako


Kahit anong pilit gawin

Hindi maalis sa isip

Hindi ka kayang limutin

Pag-ibig ko sayo'y tunay


Sana nga ay lingunin mo

Taong nasa likuran mo

Ako'y naghihintay sa'yo

Naghihintay mahalin mo

absurditéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon