Babysitter 3

33 14 10
                                        


Babysitter 3

Third Person POV

"Awat na." saad ni Jim saka hinila ang braso ni Allison palapit sakanya dahil balak pa nitong habulin si Zei at awayin.

"What was that!?" Inis na saad ni Allison at nalilito parin kung anong eksena nga ba ang nangyari kanina. "Later, let's get out of here first." Napalingon naman sa paligid niya si Allison at ngayon lang niya napansin ang dami ng studyante na nanonood sa eksena. Siguradong hindi nanaman to papalampasin ng mga tsismosa't tsismoso ng Stalight University ang balitang ito baka nga Headline na sila ng FB Page ng Stalight maya maya.

"Okay." Pagsang-ayon niya saka sila pumunta ni Jim sa isang sikat na resto house malapit sa SU. Nang maka-upo sila ay hindi na nagulat si Jim ng magtanong ito agad.

"What was that Jim" Seryosong saad ni Allison ngunit tinawanan lang ni Jim ang reaksyon nito. "It's not funny okay!?" Mataray nitong saad.

"Wala lang yon. Pero nagulat din ako kung bakit nasakin ang bracelet niya." Inilabas ni Jim sa bulsa niya ang bracelet ng babaeng yon saka ipinakita kay Allison. Napaka-ganda at mukhang mamahalin ang bracelet na yon at halatang galing sa importanteng tao ang bracelet nayon. Silver ang kulay nito at merong letter Z na naka-kabit sa bracelet.

"What?" Di makapaniwalang napanganga si Allison saka kumunot ang noo nito ng makita ang bracelet. "Bat na sayo yan?" Takang tanong nito na naka kuno't noo padin.

"I told you I don't know. Baka totoo ang sinabi ng babaeng yon baka nilagay ng magnanakaw ang bracelet nito sa bulsa ko para ako ang mapagkamalang magnanakaw." Hanggang ngayon kasi ay naguguluhan padin si Kaizen kung bakit nasa bulsa niya ang bracelet ng babaeng yon siguro nga kaya siya nilapitan ng magnanakaw noong araw na yon.

"Bat di mo binigay kanina nung kinukuha niya sayo?" Naiinis na saad ng dalaga saka tiningnan ng matalim ni Allison si Jim. Hindi rin kasi nito ma-explain kung bakit ba siya nagagalit. Siguro ay dahil isa na din sa napakahalagang tao si Jim sa buhay niya, napakalapit ng loob niya dito at siguro dahil sa matagal narin nyang karibal sa lahat ng bagay si Zei.

"Di ko din alam." Napatahimik ang dalawa. Hindi nila alam kung ano pang-sasabihin sa isa't isa. He was about to give back the bracelet a while ago ngunit may pumupigil sakanya. Hindi niya maibigay ang bracelet dahil kapareha nito ang mga hilig na alahas ng mama niya feeling niya ang bracelet na to ay ang tanging connection na  lamang niya sa mama niya.

"Bakit ba kasi bumalik ang babaeng yon." saad ni Allison na bumasag sa katahimikan ng dalawa. "Allison." malalaking matang saad ni Jim at tila nakabukas pa ng kaunti ang bibig nito sa gulat, hindi siya makapaniwala sa sinabi nito sa loob ng dalawang taon napagsasama nila bilang magkaibigan ni minsan hindi niya nakita ang side niyang ganto.

"Bakit may mali ba sa sinabi ko? Alam mo bang noong marinig ko ang pangalan niya sa klase kanina nawalan ako ng lakas. Bakit pa siya bumalik?" Madamdaming saad ni Allison. Hindi sana ganto ang takbo ng araw niya kung di niya nabalitaan ang pagbabalik ni Zei. Bumalik kasi lahat ng hinanakit niya sa babaeng yon at higit sa lahat natatakot siya. Natatakot siya na baka may mawala nanaman na mahalagang bagay o tao sakanya. She think Zei is her worst nightmare kaya inis na inis siya sa dalaga.

"You mean? That girl is..." Hindi na tinapos ni Jim ang sasabihin ng tumango ang dalaga na tandang kompirmado ang naiisip nito.

Her BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon