Babysitter 1

60 15 17
                                        


Babysitter 1


Zei

Two years has passed pero ganto parin ang itsura ng Pilipinas, may konting pagbabago naman pero tila maraming tao lang ang nadagdag. I wonder what everyone doing for the past two years? Namiss kaya nila ako? Kamusta na kaya sila Mommy and Daddy? Ano na kayang nangyari sa Stalight University? Si Tito Daddy at Tita Mommy, sila Meghan and Kevin kamusta na kaya?

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makalabas ng airport. I was in New York for the past two years sa edad na seventeen ay nagtratrabaho ako doon bilang Interior Designer apprentice at nag-aaral din ako. Bakit nga ba ako nag-tratrabaho kung mayaman naman ako? Dad taught me na hindi sa lahat ng bagay nakukuha ng pera kailangan sa lahat ng bagay may natutunan ka. Marami akong natutunan sa new york at natutunan ko ding maging independ----

"What the fuck!" Napamura na lang ako sa gulat nang biglang may humablot ng bag ko buti nalang hindi niya nakuha dahil mahigpit ang pagkakahawak ko. Nang matauhan ako ay bigla kong hinabol ang gagong yun.

Naka-itim ito ng hoody jacket at may hawak hawak na kulay pink na panyo mabuti nalang ay hindi pa ito nakakalayo kaya hinabol ko ito sa kung saan man siya tumigil. Aba nagpapanggap pa ang gago na parang walang nangyari kaya nang mahabol ko siya ay agad kong pinagpapalo ng bag ko.

"Ouch! Aray!" Reklamo niya ng di ko tantanan sa pagpapalo ko sakanya pilit niyang pinoprotektahan ang sarili sa pamamagitan ng pagsalag ng mga braso niya sa pagtama ng bag ko sakanya at ng mahawakan niya ang braso ko ay napatigil ako sa pagpalo sakanya.

"Whats your problem woman!" Reklamo nito at nakakunot noong nakatingin sakin. Problema? E gago nga pala to e.

"Whats my problem? Seriously! Hinablot mo kaya ang bag ko na parang gusto mo pa akong nakawan!" Hindi makapaniwalang sabat ko sakanya kaya sa sobrang inis ko ay pinagpapalo ko nanaman siya ng bag ko. Wala akong pake kung agaw pansin kami at pinag-titinganan ng mga tao fyi magnanakaw lang naman ang lalaking to.

"Damn you woman. Stop it!" Napatigil ako sa pagpalo sakanya ng sumigaw siya saka matalim akong tiningnan na parang ako pa ang may kasalanan. Aba naman siya na ngang humablot ng bag ko siya pa ang may ganang sumigaw at magalit.

"Hoy! Wag mo kong masigawsigawan dahil magnanakaw ka! Ikaw ang may atraso tapos ikaw pa tong may ganang manigaw aba! ang kapal naman ng mukha mo!" Napasinghap ang lahat sa nanonood ng eksena sa pagaakusa ko sa lalaking to. I don't care alam kong siya ang humablot ng bag ko dahil naka kulay itim na hoody jacket ito at may hawak na panyo na kulay pink.

"Siraulo ka ba babae! Hindi ko hinablot ang bag mo para sa iyong kaalaman kanina pa ako nakatayo dito at ni hindi nga kita kilala. Wag kang mamintang babae." Naka-tiim bagang saad nito na naiinis, aba ang kapal talaga ng mukha ako pa? Ako pa ang siraulo?

"Ako siraulo!? at isa pa wag kang nh mamaang maangan! Sinungaling! Magnanakaw! Makapal ang mukha! Kararating ko lang ng pilipinas e nanakawan mo ko kaagad, gago ka pala e." Inis na inis kong sigaw sakanya saka matalim siyang tinitigan. Damn this man!

"Hindi ako nag-mamaang maangan babae! Sa mukha kong tong mukha ba akong magnanakaw." Mayabang nitong saad. Bigla naman akong napa-isip at tinitigan ang mukha ng lalaki.
Oo nga naman sa mukha nito mukha pa ba siyang magnanakaw?

Kung titingnan mo kasi ang itsura niya ay hindi mo talaga pagkakamalang magnanakaw. Matangos ang ilong nito, mahaba ang pilik mata, medyo may pagkasingkit ito at mala abo ang mga mata, his perfect jaw and his kissable lips isama mo nadin ang kanyang brown messy hair. Masasabi mong gwapo nga ito, napakagwapo.

Her BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon