Babysitter 2

32 15 9
                                    


Babysitter 2


Zei


Kasalukuyang nasa Stalight University ako at nagmamadaling maglakad papunta sa first subject ko. Nalate kasi ako ng gising ikaw ba naman sa sobrang pagod mo talagang mahuhuli ka sa klase.

Tinawagan ko si tito daddy ang may ari ng stalight university kagabi para sabihin na ngayon ang unang araw ko sa school.  Actually nasa New York palang ako nasabi ko ng mag-aaral muli ako sa school na ito.

Nakarating ako sa classroom ko at tama nga ako late na ako pero napangisi ako ng makita kung sino ang prof namin walang iba kungdi si Ms. Madrigal ang terror teacher ko noon. Psh! Sa lahat ba naman ng magiging adviser namin ay ito pa nakakasawa ang pagmumukha niya tsk!

Mukhang napansin ni Ms. Madrigal ang presensya ko, sino ba namang hindi, ako na si Zeisha Ara Lee hindi mapapansin? Ako yata ang tinaguriang prinsesa ng stalight university noon, bukod sa ninong ko ang may ari ng stalight ay may share rin ang pamilya ko sa school na to.

"Oh, Ms. Lee?" Gulat nitong tanong at tila nanlaki ang mga mata, natatawa ako sa reaksyon niya hindi na ako magtataka kung ganyan ang reaksyon niya isa kasi ako sa pasaway sa klase niya. Aba wala ata akong sinasanto tinaguriang may Attitude ang tawag sakin

"The one and only. Can I now enter your class Ms. Madrigal?" Mataray kong saad saka hindi na hinintay ang sasabihin niya at dire-diretsong pumasok sa loob.

"It's your first day isn't? So please introduce yourself first." Napatigil ako sa paghahanap kung saan ako uupo ng marinig ko ang sinabi niya. Duh? kailangan pa bayon e, kilala naman na ako noon pa ng mga student ng stalight except for freshmen. Two years lang naman akong nawala kaya imposibleng wala na ang mga kaklase ko noon dito.

"Do I still need to? Kilala naman na ako ng mga stude----" bigla naman akong napatigil mag salita ng may pumutol sasabihin ko at sumabat ang hindi ko inaasahan na kaklase ko pala. Ang lalaking yon? Nag-aaral dito!?

"Can you just introduce yourself? Nakakaistorbo ka sa klase namin." Masungit nitong saad, nagtinginan ang mga kaklase namin saamin at tila parang napahiya pa ako sa sinabi niya. Well I'm not Zei if I'm not rude. Nakatiim baga akong nakatingin sakanya. Humanda ka mamaya.

"I'm Zei. Zeisha Ara Lee, may attitude." Mataray kong saad saka naupo sa bakanteng upuan kung saan katabi ko pa ang gago. Psh! nagpatuloy ang klase habbang ako ay hinahanap ang bracelet ko, ngayon ko lang napansin na nawawala pa to. Teka bat nawawala yon? sout ko yon noong nasa New York ako at noong papunta ako dito sa Pilipinas. Imposibleng mawala yon unless yon ang ninakaw ng magnanakaw pero hindi naman ako sigurado.

Agad kong kinuha ang cellphone ko saka to tinext si yaya Linda at manong Hermy kong nakita ba nila ang bracelet ko. Agad namang nag text si manong Hermy na hindi daw niya nakita simula kahapon ng sunduin niya ako. Hindi nga ako nag kamali yon nga ang hinablot ng magnanakaw at ng tumakbo yon at lumapit sa lalaking katabi ko malamang ay ibinigay niya ang bracelet ko sa lalaking to.

And that bracelet ay isa sa pinakamahalagang bagay na meron ako. Regalo yon sakin ni tita mommy, mahalaga yon dahil parang mommy ko nadin siya at sobrang napalapit ang loob ko kay tita nadia.

Nilingon ko ang katabi ko na nahuli kong nakatingin sakin. Aba naman huli na para umiwas siya, napa-ngisi na lang ako saka tumaas ng kilay ko. Isa lang ibig sabihin noon may gusto siyang ibigay sakin o nasakanya talaga ang bracelet ko.

BREAK time na agad akong ng retouch ng maka-alis na ang lahat ng kaklase ko, pati na ang stranger na yon humanda siya alam kung nasa kanya ang bracelet ko at hinding hindi ako nagkakamali. Lumabas ako ng classroom pagkatapos kung magretouch at hinanap siya kung saang lupalop man siya ng stalight, at habbang nag lalakad ako sa hallway kung makatitig ang lahat e parang ngayon lang sila nakakit ng dyosa palibhasa mga tsismoso at tsismosa baka nga breaking news na ang pagdating ko sa page ng stalight university. Hindi na ako magtataka dahil sunod sunod ang pag vibrate ng cellphone ko siguradong floods na ng text ang phone ko. Tsk!

Pero sa kabila ng balitang iyon dudumugin nanaman ako ng mga haters ko bwahahaha! Kakaunti palang ang fans ko pero sobra sobra na ang mga haters ko. Sino ba naman ang hindi? Pinanganak na akong mayaman at hindi ko din kasalanan na pinanganak akong dyosa, malay ko ba na pinagpala ang genes ng mga lee hindi ba? Titigan niyo picture ni Lee Min Ho diba gwapo siya? Pero di lang dahil sa insecurities nila sa katawan ang kinaiinisan nila kundi ang pagiging matalino ko at ang asal kalyeng ugali ko, sabi nila mayaman nga ako pero I don't act like one pero wala talaga akong pake sa mga pinagsasabi nila nahihirapan ata silang isaksak sa utak nila na "I wouldn't be ZEISHA ARA LEE if I'm not rude."

Sa ilang minuto kong kinakausap ang sarili ko sa wakas nakita ko na ang hinahanap ko. Nilapitan ko siya sa may ground ng stalight university pero mukhang ako pa ng nagulat ng kasama niya si Allison ang matagal ko ng karibal sa lahat ng bagay
Magkakilala pala sila?

"Yung Bracelet ko." Walang emosyon kong saad saka pinakatitigan ang nakapamulsa niyang kamay. Napangisi ako ng makitang may hinawakan siya sa bulsa niya pero ayaw niya itong ilabas. Why oh why mister?

"Bracelet?" Maang niyang sagot saka sya nilingon ni Allison na mukhang nagtataka kung anong pinagsasabi ko.

"Yup, Give back my bracelet." inilahad ko ang  palad ko na tiningnan niya lamang "Huh?" Takang tanong niya. Tsk! Hindi uubra ang mga ganyang ugali sakin. Taas kilay ko lang siyang tinitigan, siguro naman naiintindihan niya kung anong pinaparating ko.

"What Bracelet? Ano naman gagawin ko sa bracelet mo?" Masungit niyang saad saka napalunok nang magsilapitan ang mga studyante ng stalight university para lang maki-tsismis psh! walang pagbabago.

"Aba hindi ko alam! Hindi ko nga alam kong may galit kasakin or may balak kang kunin talaga ang bracelet ko kaya siguro lumapit yong kakuntyaba mo kahapon sayo. But for your information that bracelet is important to me so kung nasayo nga please give it back." Hindi ko alam kung bakit ayaw niyang ibigay ang bracelet ko mukha naman siyang mayaman at gwapo e anong namang balak niyang gawin sa bracelet ko diba?

"Ano bang sinasabi mo ha? Kahapon pinagbintangan mo kong magnanakaw at sinungaling tapos ngayon kinuha ko ang bracelet mo?" Hindi makapaniwalang saad niya at nilakihan pa ang mga mata niya para lang umakting tsk! Gasgas na ang mga bagay na yan saakin. Napalingon muli ako sa kamay niya sa may bulsa niya na napahigpit sa hawak niya.

"This time I'm confident that I'm not wrong for accusing you." Kinuha ko ang ballpen sa may bulsa ko saka hinila ang kaliwang braso niya kung saan di niya hawak ang bracelet ko saka isinulat ang numero ko sa braso niya.

"Call me if your ready to give it back." saka ako tumalikod saka nagpatuloy maglakad pero hindi pa ako nakakalayo ng hablutin ni allison ang braso ko at pinaharap sakanya. "Ano bang pinagsasabi mo ha? Hindi ka ba napapagod sa pagiging kontrabida sa mga buhay ng tao." Maanghang niyang saad saka nakataas ang kilay at masamang naka titig saakin. This is crazy! Wala sasariling napatawa ako ng mapakla.

"Why don't you ask that man and allison two years has passed MOVE ON." Seryoso kung saad sakanya saka tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad palayo sakanila.

Dalawang taon na ang nakakaraan hindi padin siya maka-move on sa mga pangyayari two years ago at ako pa talaga ang kontrabida hindi ko kasalanan na nasakin ang lahat ng bagay na wala siya.

****


Revised Version.
Love z, ✨
rlawlskaxx➰

Vote? Comment and Critizism I'm open 🌹

Her BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon