Kabanata 1

74 1 0
                                    

Pagkapasok palang sa Coffee Shop ay agad ko nang nakita si Dianne

“Dianne” excited na bulalas ko at nilapitan siya tyaka niyakap

Namiss ko talaga ang kaibigan kong ito. Ilang buwan rin itong nawala. Kaibigan ko na siya simula nung highschool palang. Magkasama kami sa lahat ng kalokohan. Magkasama kami sa asaran, tampuhan, utangan at lalong lalo na sa kainan

“Jem” tila nag-aalangang tawag niya pero di ko na ito pinansin

Ganyan lang talaga  yan. Sobrang arte na akala mo kung sino pero pag nagig close na kayo, baliw rin pala. Natatandaan ko nga nung naapakan ko lang ang papel niya noon ay inaway na niya ako. Kawawa ako no’n

“Ano? Kamusta na?”

Binatawan ko na siya sa pagkakayakap at hinarap sa akin, baka kasi lumabas na naman ang pagiging maarte. Nginitian niya ako kaya ngumiti rin ako sa kanya

“Ang ganda mo na ah, nakapunta ka lang ng London ay malaki na angpinagbago mo” biro ko “Sino ba pinapaganda—“

Binatukan naman niya ako. Wala talagang pinagbago, brutal parin talaga. Mabuti nalang at mabait ako dahil kung hindi, matagal ko na talagang pinatulan ang kaibigan kong to

“Ang ingay mo talaga Jem, nakakahiya kang kasama. Order muna nga tayo”

Para akong natauhan at napatingin sa paligid. Mabuti nalang ay di masyadong maraming tao sa Coffee Shop pero kahit na. Ang sama talaga ng kaibigan kong to. Paano ko kaya ito nakaibigan? Kala mo naman di siya nakakahiyang kasama

Matapos mag-order ay agad kaming naupo sa may upuan malapit kung saan makikita ang taong dumaaan. Hapon na rin naman kaya di na masyadong maliwanag

“So, ano na ang balita?” nakangiting tanong ko

“Iyon balita parin naman siya”

Napatampal nalan ako sa noo ko dahil sa kagagahan niya. Kahit kailan talaga ay wala siyang kwentang kausap. Tatanungin mo ng maayos sasagutin ka ng kagagahan niyang sagot

“What  i mean is, kamusta ka na?”

Nagkabit balikat lang siya “Ito, tao parin naman”

“Atleast nag-improve. Unggoy ka lang noon, ngayon tao ka na” biro ko at uminom ng kape na inorder namin

Umiwas ako ng akmang papaluin niya ako at nang di niya ako maabot ay pinanliitan niya lang ako ng mata kaya natawa ako. Pikon talaga. Nagweno siya kung ano ang nanyari sa kanya sa London habang natatawa dahil na siguro sa kakulitan ko dahil tanong ako ng tanong

“I even met many friends”

“Baka naman kalimutan mo na ako niyan” tila nagtatampong sabi ko

Binatukan niya ako bigla. Tignan mo ‘tong babaeng to. Ang sama talaga, akala naman niya di masakit, siya kaya batukan ko diyan

“Tiglan mo ko sa kadramahan mo ha?”

“kung makabatok ka naman” sabi ko habang hinimas himas ang ulo ko

Maya maya lang ay bigla siyang  natahimik at nagseryoso. Tignan mo tong babaeng to, napakabipolar. Saan kaya ‘to nagmana? Buti di ako kagaya niyang minsan mabait, minsan naman ay napakasungit

“Nakita ko si Jake do’n” biglang sabi niya

Napangiti ako ng mabanggit niya si Jake “Talaga? Nagkita kayo? Ba’t di niya nakwento sakin? Ang daya naman”

“Papano niya ipapaalam sayo? Kung may ginagawa siyang kalokohando’n?” seryosong sabi niya

Napatingin ako kay Dianne dahil sa sinabi niya at napatawa ng peke sa pag-aakalang nagbibiro lang siya. Na baka gino-goodtime na naman niya ako

“Tatawa na ba ako Dianne?” pabirong inirapan ko siya

“Nakita ko siyang may kasamang ibang babae”

“Baka naman kaibgan niya lang”

Nagulat ako ng hinampas niya ng mahina ang lamesang namamagitan sa amin at nilapit ng konti ang mukha niya sakin

“May kaibigan bang naghahalikan Jem? Na halos kainin na nila ang isa’tisa, kaibigan bang matatawag yon?” mahina ngunit naiinis niyang  sabi

Namilog ang mata ko habang tinitignan si Dianne dahil sa sinabi niya

“Te-teka” ang tanging  lumabas sa bibig ko

Sa dalawang taon namin ni Jake. Ngayon pa ba siya magloloko? Ngayon pa ba siya maghahanap ng ibang babae? Ngayon pa ba niya ako lolokohin? Ngayon pa ba kung kailan hulog na hulog na ako sa kanya?

“Hiwalayan mo na siya Jem” mahinahong sabi ni Dianne

“Ha?” napatangang tanong ko

"Your relationship between the two of you is not healthy anymore, because if it is? He will never go to London if you say so"

I know, siguro di ko pinayagan si Jake na pumunta ng London but he insist that what he's all doing is for our future and i dont want to stop him and be selfish

"Di ka rin naman pinayagan ng boyfriend mo ah, pero pumunta ka parin" nakayukong sabi ko

"That's my point here Jem! That's why, we end up breaking"

Ilang oras din kaming natahimik hanggang sa kumalma kaming dalawa. Pero kahit di ko man aminin, natatakot ako. Paano kon-- napalunok ako habang unti unti nang nararamdaman ang kaba

"Mamili ka Jem, ako na kaibigan mo ang manloloko mong boyfriend"

Hindi ako sumagot at nang mapansin niyang wala akong balak sumagot ay tumawa lang siya ng peke at tumayo

"Napakatanga mo na nga, i wonder kung ano ang pinakain nung lalaking yon sayo"

"Dianne"

Ayaw kong mamili dahil pareho silang mahalaga sakin. Masisi niyo ba ako kung di ako maniwala kay Dianne? Dati pa ay ayaw na niya kay Jake at hindi ko alam kung bakit. At kung totoo man ang sinasabi niya ngayon ay di ko na alam

"Siya ba talaga ang pinipili mo Jem?"

Napapikit ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakabuti. Kung kailangan ko ba talagang mamili

"Alam mo naman siguro Dianne kung sino ang pinipili ko"

Pagkatapos ay nilisan ni Dianne ang lugar ng walang pasabi. Siguro nga. Siguro, kasabay ng paglisan niya ang pagkawala ng pagkakaibigan namin.

SIGUROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon