Kabanata 2

41 2 0
                                    

*toot toot toot*]

Napapikit ako dahil di sinasagot ni Judy ang tawag ko, katrabaho at naging kaibigan ko narin. Binitawan ko ang cellphone ko ng wala na talagang pag-asang sagutin ito ni Judy. Napaangat ang tingin ko sa langit. Gabi na pero wala akong balak umuwi pa dahil dito sa park, walang problema. Yo'n nga lang nag-iisa lang ako. Napangiti ako ng mapait sa naisip ko

All my life, pakiramdam ko nag-iisa ako. Si mama at papa nagtratrabaho pareho. Pagkauwi ko noon sa bahay ay walang sumasalubong sakin. Walang pumupunta tuwing family day o may meeting sa eskwela noon. Walang nakakaappreciate tuwing honor ako nu'n. Kaya kahit masaktan man ako, ayaw kong mag-isa

*ring ring*

Napabuntong hininga ako ng tumunog ang cellphone koat tinignan ko kung sino ang tumawag. Si Jake lang pala, hindi ko ito sinagot at pinatay ang cellphone ko. I just wanted to rest, kahit ngayon lang

***

"Saan ka galing Jem?! Naku diyos kong bata ka. Kanina pa tawag ng tawag si Jake dito dahil hinahanap ka"

Napaangat ako ng tingin ng salabungin ako ni mama ngunit di ko pinansin ang pinagsasabi niya at sa halip na sagutin ang tanong ni mama ay nagmano lang ako sa kanya at kay papa na nasa likod niya saka pumasok sa bahay

"Jem, tinatanong kita. Saan ka galing?"

Hinarap ko si mama na may pagod  na mukha at ngumiti ng tipid

"Diyan lang ma, nagpapahangin lang sandali"

"Anong diyan lang?! Oras pa ba to ng matinong babae kung umuwi"

"Pasensiya na po ma, di na po mauulit"

Tumalikod na ako at pumunta sa kwarto ko at nang bubuksan ko na sana ang kwarto ko ay biglang nagsalita si mama

"Tumawag pala dito si Jake kanina"

***

Kinabukasan ay pumasok akong wala sa gana. Lumabas ako ng kwarto ng walang kabuhay buhay. Palabas na ako ng pinto ng bahay ng biglang nagsalita si Mama

"Di mo man lang ba aantayin si Jake para sunduin ka?"

Napatingin ako kay Mama dahil sa gulat ng magsalita ito. Wala ba itong pasok sa trabaho ngayon?

"Ma, bakit nandito pa kayo. Wala ba kayong pasok sa trabaho ngayon?"

"Ah, yan ba? Naresign na ako sa trabaho"

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Mama

"per--"

"Di mo ba hihintayin si Jake?"

"H-hindi na po siguro ma. Sige po, una na ako"

***

"Jem!"

Pagkadating ko sa opisina ay agad bumungad sa akin ang napakalakas na boses ni Judy na tumawag sa pangalan ko. Kahit kailan talaga ay napaka hyper niya, ewan ko ba kung saan siya pinaglihi

"Ang ingay mo, tumahimik ka nga" nilagpasan ko siya at dumiretso sa mesa ko kahit alam ko namang susundan niya ako. Para saan pa at naging magkaibigan kami

"Pasensiya ka na kung di ko naragot ang tawag mo kahapon, may mahalaga lang kasi akong gingawa eh. Ano ba kasing kailangan mo at tumawag ka?"

"At ano naman ang mahalaga mong ginagawa kagabi?" taas kong kilay na tanong sa kanya

Napakamot naman ito ng batok nang mapagtantong maling salita ang ginamit niya at ngumiti ng pilit. Napairap nalang ako sa kanya. Magsisinunggaling nalang ay palpak pa talaga, alam ko naming natulog lang yan at walang ibang ginawa

“Ma’am Sungit este Ma’am Cobral” muntik na akong mapatawa dahil sa nasabi ni Judy ngunit pinigilan ko dahil nandiyan si Ma’am Sungit este Ma’am Cobral

Napatuwid ako ng tayo at binati si Ma’am Cobral “Magandang umaga po” bati ko at yumuko ng konti ngunit tinaasan lang kami nito ng kilay

Ahm Jem, una na ako” sabi ni Judy sakin saka binalingan si Ma’am Cobral “Sige po” saka ito umalis

Kahit kalian talaga ay pahamak si Judy, iwan ba naman ako sa binggid ng kamatayan? Hindi ko alam kung bakit kami nagkaibigan niyan. Langya, kailangan ko ng tulong ngayon

“Tatayo ka na lang ba diyan at hindi magtratrabaho?” masungit na sabi ni Ma’am Cobral

“Pasensiya na po” nakayukong paumanhin ko

“Baka nakalimutan mong wala ka dito para makipagkaibigan lang” pahabol nito saka umalis

Sinundan ko lang ito ng tingin habang papaalis. Ewan ba kung ba’t napakasungit nito sakin na wala naman akong nagawang masama dito. Ewan ko ba, mabait naman ito dati at isang araw nalang ay naging masungit na ito pagdating sa akin. Na kahit anong pag-iisip ko ay wala akong maisip na pwede nitong ikagalit sa ‘kin

Mabilis lumipas ang oras na hindi ko man lang napansin, kung hindi pa ako tinanong ni Judy ay malamang ay hindi ako tittigil sa ginagawa ko

“Di ka pa uuwi Jem?” tanong ni judy

Napatingin ako sa relo ko at kinuha ang cellphone ko at binuksan ito. Kagabi pa pala itong nakapatay. Pagkabukas na pagkabukas ko sa cellphone ko ay biglang bumungad agad sa kin ang text ni Jake

‘Susunduin kita, we need to talk’

Napabuntong hininga ako at napatingin kay Judy “Mauna ka na, susunduin ako ni Jake eh”

Sumimangot ito “Kukunin ka naman pala ng Prince Charming mo. "Sige,una na ako” sabi nito at paalis na sana ng magsalita ako

“Nga pala, dumating si Dianne kahapon”

Yeah yeah, wala akong pakialam sa babaeng ‘yon” sabi nito at umalis na

Napailing nalang ako sa sinabi niya. Eversince ay di naman talaga nagkasundo ang dalawa. Natigilan ako saglit at napapikit nung pumasok sa isip ko ng pinag-usapan namin ni Dianne kahapon

***

"I will go back to London"

Napatingin ako kay Jake matapos niyang sabihin yon

"Teka lang Jake, i thought na hindi ka na babalik d'on"

"Akala ko rin pero nagulat nalang ako ni daddy na kailangan kong bumalik sa London"

Biglang pumasok sa isip ko ang pinagsasabi ni Dianne nung nag-usap kami. Ayoko, natatakot ako

"Ayoko Jake"

"Jem, i need this. We need this"

Pumikit ako "Ayoko Jake, ayoko talaga"

Hinarap ako ni Jake at hinawakan ang kamay ko na nagpamulat sakin

"please Jem" nagmamakaawang sabi niya

Kinuha ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at tumingin sa ibang direksyon

"Ayoko Jake. If you'll go, i wont stop you. But please dont expect too much" sabi ko saka lumabas sa sasakyan niya

 --------

DEDicated sa kanya dahil birthday niya yata ngayon. Happy birthday *sabog fireworks* be happy and smile always like crazyXD more birthday to come

SIGUROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon