Kabanata 4

25 0 0
                                    

"Di mo man lang ba pipigilan si Jake" tanong ni mama

"Bat mo pipigilan ang taong ayaw magpapigil" sagot ko at nagmano kay mama "Una na po ako"

Papaalis na ako ng nagtanong si mama

"Bat ayaw mo pang magpakasal Jem?"

Napapikit ako dahil sa tanong ni mama. Paulit-ulit nalang, nakakasawa na. Nakakapagod

"Ma alis na ako"

"Wag mo na siyang pakawalan Jem" ang huling narinig ko kay mama bago ako umalis ng bahay

Sana nga ma ganyan lang kadali ang lahat. Sana ganyan lang kadali ang wag siyang bitawan. Pero paano kung siya ang nagbibigay ng rason na wag ko na siyang hawakan? Konti nalang eh. Konti nalang at matututunan ko na rin siyang mahalin ng tuluyan pero masyado siyang nagmamadali. To the point, na siya na mismo ang bumitaw

***

"Hoy. kanina ka pa tulala" biglang sulpot ni Judy

Ngumiti lang ako ng tipid sa kanya at nag-iwas ng tingin "may problema ba?" tanong niya

Umiling ako habang di tumitingin sa kanya "wala"

"Jem"

Tumingin ako sa kanya na may pagod na mukha "Game over"

Tinaasan lang niya ako ng kilay na nagsasabing di niya nakukuha ang sinabi ko

"Wala na kami ni Jake"

Nanlaki ang mata ni Judy sa sinabi ko "ha!"

Tumango ako at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon "Pinapili ko siya at pinili niya ang career niya. Alam mo ba kung ano ang dahilan niya?" peke akong natawa "Na para sa aming dalawa ang ginagawa niya. Nakakagago lang"

"Malay mo Jem"

Napailing ako. Ngayon ang alis ni Jake pero hindi man lang niya ako tinawagan. Nagbabasakali ako na baka di siya tumuloy, na baka di na siya umalis. Pero walanghiyang pagbabasakali, kahit txt nga lang di na niya magawa

"Jem, 8 o'clock pa"

Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Judy at napatingin sa orasan

"tapos?"

"Absent si Ma'am Sungit"

"Alam ko"

Napatampal nalang siya sa noo niya kaya napatingin ako sa kanya na puno ng pagtataka

"Di mo parin ba makuha ang gusto kong iparating?"

"Ha?" takang tanong ko

"Puntahan mo na si Jake!" dali daling sabi niya habang pinipilit akong tumayo

"per--"

"Wala nang pero pero, dali na!"

"Ha? Ah o-oo"

***

Kanina ko pa pilit tinatawagan si Jake hanggang ngayong nandito na ako sa Airport pero hindi niya sinasagot. Kanina pa ako naglilibot dito, nagbabasakaling makita ko si Jake

Pero di ko siya nakita

Napaupo ako sa isang upuan sa waiting area at napatingin sa paligid, sakaling makita ko siya. Nanlumo at nanghinayang sa pagkakataong pwede ko pa sana siya pigilan pero di ko ginawa

*ring ring ring*

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito saka ko sinagot ang tawag

"hello Judy"

"Ano? Naabutan mo ba?" tarantang tanong niya

Napapikit ako sa tanong niya at napangiti ng mapait

"Di muna ako papasok, pakisabi kay Sir na masama ang pakiramdam ko"

"Ha? Ah oo sige"

"Sige, Salamat"

"Teka lan--" di pa ito tapos sa sasabihin ay agad ko nang pinatay ang tawag at tumayo na ng may nakabanga ako

Napatingin ako sa lalaking nakabangga ko at yumuko ng konti para humingi ng paumanhin "Pasensiya na po"

"Okay lang" ang tanging sinabi lang nito kaya umalis na rin ako

Pauwi na sana ako ng maramdaman kong wala ang pitaka ko sa bulsa ko. Agad kong kinapa ang bulsa ko, nagbabasakali man lang pero wala talaga. Patay! Paano ako makakauwi ngayon? Ng may biglaang pumasok sa isip ko

'Yong lalaking nakabangga ko kanina. Di kaya yon ang kumuha? Nanliit ang mata ko sa naisip at bumalik kung saan ko nakabangga ang lalaking magnanakaw na yon at nang mapuntahan ko ang waiting area ay wala na talaga ang lalaki. Paano ako makakauwi ngayon? Alangan namang maglakad ako ng sobrang layo?

Naglibot libot ako, sakaling makita ko ang magnanakaw na yon at di nga ako nagkamali at mukhang may bago na naman siyang bibiktimahin kaya agad na akong umawat at binangga yong bagong bibiktimahin niya

"Ano ba miss?" reklamo nung babae

Mukhang napalakas yata ang pagkabangga ko ah, pero hayaan na

"Pasensiya na po" kunwaring paumanhin ko

"Pasensiya pasensiya" pagtataray nito at umalis na

Inirapan ko ang babae kahit nakatalikod na ito sa pwesto ko. Pasalamat nga siya at tinulungan pa eh, mga tao nga naman ngayon

"Ikaw?" tanong nung magnanakaw

Nawala ang pansin ko sa pagtataray ni ate na walang utang na loob dahil biglang nasalita yong magnanakaw kaya napatingin ako dito at nginitian o kung ngiti ba talagang matatawag

"oo ako, nasaan na ang pitaka ko?" sabi ko at nilahad ang palad ko

"ha?" nagmamaang-maangan nitong sabi

Napataas ang kilay ko sa sinabi ng magnanakaw na nasa harap ko ngayon

"Hoy mister, wag mo nang itanggi ang pagnanakaw mo"

"Miss, kung ano man ang iniisip mo ay nagkakamali ka"

"Ipapapulis kita" pananakot ko ng biglang tumunog ang cellphone ko

*ring ring ring*

Tinignan ko ang cellphone ko at ang lalaking nasa harap ko at hinawakan ito sa tshirt nito saka sinagot ang tawag ni Judy, baka kasi tumakas

"Teka miss" reklamo nito

Pinanlakihan ko ito ng mta kaya natahimik "hello" bungad ko kay Judy

"Nasaan ka na?" tanong ni Judy sa kabilang linya

"Bakit?"

"Paano ka makakauwi? Naiwan mo ang pitaka mo sa office"

"ha?" napatanga ako sa sinabi niya at unti unting binitawan ang shirt nung lalaking inakala kong magnanakaw

Ibig sabihin ba ay nagkamali ako ng bintang? At di ako nakapagbayad sa taxi kanina papunta dito sa Airport?

"Nasaan ka na? Susunduin kita"

Napatingin ako sa lalaking inakala kong magnanakaw at nakakunot na ang noo nito

"Nasa Airport" sagot ko kay Judy

"Sige, pupuntahan na kita" at pinatay nito ang tawag

"tek--" napalunok ako at naglakad palayo sa lalaki habang nagkukunwaring may kausap sa cellphone

"Miss" narinig kong tawag nung lalaki pero di ko na nilingon

Nakakagago lang. Nang makalayo na ako ay saka pa lamang ako nakahinga ng maluwag at napapikit ng madiin dahil sa gigil. Sarap paslangin ng sarili ko

Nakakahiya talaga!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SIGUROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon