Chapter 01: Hikaru Aerondale

7.6K 195 20
                                    

Chapter 01: Hikaru Aerondale


•••Hikaru Aerondale•••


Ang ingay. Napaka-ingay ng paligid and I can't concentrate because of the noise. Inis na tumayo ako at lumabas ng kwarto, paano ako makakapag-aral kung ganitong napaka-ingay nila.

Paglabas ko, muntik akong matumba dahil nabangga ako ng kakambal kong si Hikari. May hawak hawak pa syang cake habang tumatakbo.

"Ate! Ibalik mo yan! Sasakalin talaga kita kapag nahuli kita!"

Napalingon ako sa direksyong pinanggalingan ng kakambal ko at nakita ko ang nakababata kong kapatid na si Jin.

I should have known, mukhang may ginawa na namang katarantaduhan ang kakambal ko and the poor victim was our younger brother Jin.

"What happened?" tanong ko sa kanya na agad nya namang sinagot.

"Si Ate! Kinuha nya yung cake na binili para sa akin ni Mommy!"

Mahilig sa matamis ang kapatid kong si Jin pero ang kakambal kong si Hikari sadyang 'adik' sa cake. Alam kong hindi nya na mahahabol pa si Hikari, nagiging halimaw yun basta cake ang pinag-uusapan, yung literal na halimaw.

"Bumawi ka na lang sa kanya next time, tutulungan pa kita, alam mo namang hindi mo maiisahan ang isang yun basta cake ang pinag-uusapan"

Iniwan ko na ang kapatid ko at dumiretso ako sa kusina para mag-meryenda. Naabutan ko si Mommy na naghahanda ng pagkain, nandun na din ang mga bunso kong kapatid na sina Akira at Akito, kambal din sila at parehong lalaki.

"Kamusta naman ang pag-aaral ng Baby ko?" Mom said when she saw me, lumapit pa sya sa akin para bigyan ako ng halik sa noo.

"Mom I'm not a baby anymore" reklamo ko. Tumawa naman yung dalawa kong kapatid at binigyan ako ng nakakalokong ngiti.

"Kuya Baby excited ka namang mag-aral, balita namin next week pa magsisimula ang klase!" Natatawang sabi ni Akira.

I ignored him. Kung papatulan ko ang kakulitan ng kapatid ko ako lang ang maiinis. Ganito naman madalas ang routine nila, they will provoke you then kapag bumigay ka at nagpadala sa pang-aasar nila, mas lalo ka pa nilang aasarin.

"Fuuu~ Your such a party pooper Kuya Hikaru" walang ganang sabi ni Akito. Wala eh, hindi ako kumagat sa bitag

Hindi ako KJ, sadyang alam ko lang kung ano ang mga priorities ko. Sa aming limang magkakapatid, ako ang panganay and Mom and Dad already made it clear na ako ang magmamana ng Aerondale Corp, kaya nga ngayon pa lang hinahanda ko na ang sarili ko. Even if I'm only 18 years old, I can't afford to slack off.

As for my twin, she's the complete opposite. Masyado syang carefree sa lahat ng bagay. Ang sumunod kay Kari ay si Jin, ang 'baby' ng pamilya, he is sweet but don't let that fool you. As for the twins, they are called 'double trouble', hindi kasi pwedeng isa lang ang gagawa ng kalokohan, kailangan sabay sila. Kami lang ata ni Jin ang normal dahil yung tatlo puro katarantaduhan lang ang alam gawin sa buhay.

"Gutom na kami!" Sabay na sigaw ni Hikari at Vena. Kasunod nila sina Jin, Jace at Rave.

"Kababaeng tao ang ingay" reklamo ko.

At this point in my life dapat sanay na ako sa kaingayan nila pero kahit na anong gawin ko mukhang hindi na mangyayari yun. I really hate noisy people.

"Ewan ko sayo kambal! Kung naiinggit ka eh di mag-ingay ka din!" Sigaw ni Hikari.

Hindi ko na lang sya pinansin at minadali ko ang pagkain. Ayoko talaga sa maingay.

CIMTAG LEGACY: Double Trouble LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon