Chapter 04: First Day (Kari)

4.3K 134 13
                                    

Chapter 04: First Day (Kari)


•••Hikari Aerondale•••


"Ru sabay na tayo" sabi ko sa kakambal kong si Hikaru. Katatapos lang naming kumain ng agahan at naghahanda na kami para sa pagpasok sa eskwelahan.

"Ayoko" tipid na sagot nito. Tss. Sungit. Hindi ko na sya pinilit, alam ko namang hindi ko talaga sya mapipilit kung ayaw nya talaga. Sunod kong binalingan ang pinsan kong si Zach. "Zach sabay na tayo" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Ayoko" tipid ding sagot nito. Tss. Badtrip naman oh, bat ba ang susungit ng mga tao dito? Sunod kong tinignan ang mga nakababatang kapatid ko pero lahat sila nag-iwas ng tingin sa akin. Yung totoo? Ayaw ba nila akong makasabay? As far as I'm concerned, wala naman akong nakakahawang sakit. So why?

In the end mag-isa akong pumasok. First day of class na naman, walang katapusang pagpapakilala na naman. Nakakatamad. May oras pa naman bago ang una kong klase kaya naglakad-lakad muna ako, madami ang napapalingon sa akin at may mangilan-ngilan ding bumabati sa akin pero karamihan ay masama ang tingin sa akin. Sanay na ako sa ganitong scenario, mula pagkabata ganito na ang nararanasan ko.

I guess it comes with the name. Being an Aerondale has its pros and cons sometimes.

Balak ko pa sanang maglakad lakad kaya lang nagbago na ang isip ko dahil mukhang mas dumadami na yung mga taong masama ang tingin sa akin.

I hate this kind of feeling.

Nagtago ako para maka-iwas sa kanilang lahat at sa pagtatago ko ay napadpad ako sa isang abandonadong hardin, mukhang walang estudyanteng pumupunta dito at mukhang napabayaan na din ito ng mga utilities.

There are overgrown weeds everywhere, nagkalat din ang mga tuyong dahon sa paligid, panigurado may ahas ng naninirahan dito. Aalis na sana ako nung makarinig ako ng mga boses at base na rin sa tono nila mukhang papunta sila dito. Damn. Bakit ba nila ako sinusundan? Agad akong nagtago sa kumpol ng mga halaman. Sana naman hindi sila magtagal dito.

Pero bakit nga ba kasi ako nagtago? Pwede ko naman silang tarayan at paalisin na lang. Para tuloy ako nitong kriminal na may pinagtataguan. Kaso lang huli na ng marealize ko ang bagay na yun dahil dumating na sila.

"Why are you talking to that person?" galit na bungad nung lalaki sa kasama nya.

Napasinghap ako, ang boses na yun, ang lalaking yun! Hindi ako pwedeng magkamali. Its the guy who stole my cake at mukhang nag-aaway sila ng girlfriend nya. Dito pala sila nag-aaral? Pero bago lang siguro sila. Paano ko nasabi? Hindi naman kasi pang-commoner ang mukha nila. Yun yung tipo ng mukha na pagtitinginan ka ng mga tao kahit saan ka man magpunta. Kaya kung dito man sila nag-aaral sigurado akong matatandaan ko ang mukha nila.

"Ano bang masama kung kausapin ko sya?" galit na ding sigaw nung babae.

"I don't like that Hikaru Aerondale"

Muli na naman akong napasinghap sa narinig ko. Ang kakambal ko ang pinag-uusapan nila. Hindi na ako nagtataka na lapitin sya ng babae at madaming lalaki ang galit at naiinggit sa kanya pero ang pinagtataka ko lang ay yung may babae syang kinausap, allergic sa babae yun eh.

"Why? Wala naman syang ginagawang masama sayo! Your being unreasonable Rhyzen"

"I am not being unreasonable. Pino-protektahan lang kita"

CIMTAG LEGACY: Double Trouble LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon