Chapter 03: Zachary Aerondale

5K 142 8
                                    

Chapter 03: Zachary Aerondale


•••Zachary Aerondale•••


"You better take care of yourself, always eat on time, eat healthy foods, matulog ka ng maaga at wag kang magpupuyat. Mag-aral kang mabuti, makipag-kaibigan ka pero siguraduhin mong hindi ka iimpluwensyahan ng masama ng mga taong kakaibiganin mo. Pwede kang gumala pero wag kang masyadong magpapagabi, okay? Also~"

"Mom I am not a little child anymore" I complained. She stop mid-sentence, but knowing my mother that won't really stop her.

"Zachary Strife Aerondale! Makinig ka nga sa mga bilin ko sayo, this is for your own good, not mine. As I was saying before I was rudely interrupted, pwede kang gumala pero wag kang masyadong magpapagabi, also bawal muna ang girlfriend, ang gusto ko mag-focus ka muna sa pag-aaral"

Well that's a first, karamihan sa mga 'bilin' nya ay kabisado ko na dahil lagi naman nyang sinasabi sa akin ang mga yun sa araw araw na ginawa ng diyos pero bago sa pandinig ko yung bawal muna akong magka-girlfriend. Wala naman syang magiging problema dun dahil wala pa namang babaeng pumupukaw sa atensyon ko.

"Hon, you should go easy on him, may point naman sya, he is not a little child anymore, binata na ang anak natin" My father said. Inabutan nya ako ng inumin at gayun din ang aking ina.

"Manahimik ka Sven Aerondale! Lagi mo na lang kinokonsinti ang anak natin!" my mother said then nagpatuloy sya sa panenermon sa akin at pati na rin sa aking ama. Poor dad, kadarating lang nya pero dahil sa pagtatanggol nya sa akin pati tuloy sya nasermonan nadin.

We are here at the Hong Kong International Airport, mauuna na ako sa pilipinas dahil pasukan na and there are still a few things that I need to take care of. As for my parents, they will stay here for two more weeks before they finally come back to the Philippines.

We've always live this way, NPA - No Permanent Address, hindi mapirmi sa isang lugar. We have a place to stay in the Philippines which is my grandparent's ancestral house pero mas madami pa yung pagkakataon na nasa byahe kami kesa ang mag-stay dun. Gusto yatang libutin ng mga magulang ko ang boung mundo.

Wala namang kaso sa akin yun, dahil nakakapunta ako sa iba't ibang lugar, the only downside is, I don't have any friends because of my situation. I have a few acquaintances but not 'real' friends.

"Anyway, lagi mong tatandaan ang mga bilin ko sayo ha. Mag-iingat ka. I love you Zach"

"Love you too Mom"

Sa wakas, tapos nadin ang sermon. Nagpaalam na ako sa kanilang dalawa dahil oras na ng flight ko. My mother can be extreme sometimes, extreme to the extent na dalawang linggo lang naman kaming hindi magkikita pero yung sermon nya mukhang pang isang boung taon na. But I love my mom, even if she's like that sometimes.

I boarded the plane. Hinanap ko ang upuan ko, balak kong matulog boung byahe but when I got there a girl is already seating on my chair.

"Excuse me, that seat is mine" I said. Ang ini-expect ko ay aalis na sya sa upuan na para sa akin pero hindi nangyari ang inaasahan ko dahil nanatili sya sa kina-uupuan nya at nginitian nya pa ako ng pagka-tamis tamis. Naive girl, does she think a simple smile like that will solve every problem in the world?

CIMTAG LEGACY: Double Trouble LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon