Chapter 09: Concern
•••Hikari Aerondale•••
"Remember our deal. Gagawin ko ang gusto mo kapag ginawa mo ang gusto ko"
Yan ang sinabi sa akin ni Ru bago kami pumasok sa classroom kanina. Kung tutuusin madali lang naman yung pinapagawa nya, pero sa tuwing naiisip ko na hindi ko na makakausap ang taong yun parang nalulungkot ako.
Nasa klase na kaming lahat ngayon, pwera lang kay Rhyzen dahil hindi sya pumasok. Maagang dumating ang prof namin sa unang klase gayundin sa pangalawa at pangatlong klase kaya wala kaming pagkakataong mag-usap o magpansinan man lang. Pero pagdating sa huling klase sa umaga hindi dumating ang prof namin kaya libre kaming mag-ingay o gawin ang kahit na anong gusto namin.
Mabuti na lang talaga at absent si Rhyzen, kaya hindi ako namroblema kung paano ko sya iiwasan.
"Hikaru, tara sa canteen" aya ng girlfriend ni Rhyzen sa kakambal ko. Pero imbis na sagutin ang babae bigla na lang itong tumayo at nag-walk out.
Mukhang desidido syang tuparin ang kasunduan naming dalawa, well mabuti naman kung ganun.
Tumayo din ako mula sa kina-uupuan ko at tahimik ko syang sinundan, hindi ko sya tinawag dahil wala naman akong balak na kausapin sya, gusto ko lang makita kung saan ba sya pupunta.
Masyadong naka-focus ang atensyon ko sa kanya kaya hindi ko namalayang nasa likod ko na pala si Karma. Napansin ko na lang sya nung nakalagpas na sya sa akin.
Ang bilis ng pangyayari, parang kanina lang nag-o-overtake pa sya sa akin tapos ngayon katabi na nya si Ru.
Agad akong nagtago sa kung saan, chance ko na to para malaman kung talaga bang sumusunod si Ru sa kasunduan naming dalawa. Malay ko ba kung nagkukunwari lang pala sya.
"Hikaru, iniiwasan mo ba ako?" diretsang tanong ni karma sa kakambal ko. May pagka-prangka pala ang babaeng to eh, tiyak na magkakasundo kami sa bagay na yun.
Tahimik lang ang kakambal ko. Tama yan, deadmahin mo sya dahil oras na may lumabas na kahit isang salita dyan sa bibig mo, lagot ka talaga sa akin.
"Sagutin mo nga ako Hikaru, iniiwasan mo ba ako? Kahapon akala ko pumapayag ka ng maging magkaibigan tayo tapos ngayon ganyan ka na naman. Bipolar ka ba?" pangungulit ng babae sa kanya. Mukhang naiinis na sya dahil wala man lang syang makuhang reaksyon mula sa kakambal ko.
Pero katulad ng nauna nitong ginawa sa kanya kanina, hindi na naman nya sinagot ang babae at nagpatuloy lang sya sa paglalakad.
Ang akala ko titigil na si Karma, katulad nga ng madalas sabihin ng mga taong sawi, once is enough and twice is too much, pero hindi ata uso ang kasabihang yun sa kanya dahil sinundan nya pa rin si Ru. And since kakambal ko ang pinag-uusapan dito, sinundan ko sila kahit na mukha na akong stalker sa ginagawa ko.
Natigil lang ako sa pag-sunod nung makita kong hinawakan ni Karma ang braso ni Ru dahilan para matigil ito sa paglalakad.
"Did I do something wrong?" seryosong tanong nito. Seryoso din syang nakatingin sa kakambal ko at nung hindi na naman sya nito pinansin, bigla na lang bumagsak ang mga luhang mukhang kanina nya pa pinipigilan.
BINABASA MO ANG
CIMTAG LEGACY: Double Trouble Love
RomanceLife is a game they say. Nasa sayo kung paano mo ito lalaruin. Nasa sayo kung ipapatalo mo ba ito o ipapanalo. Ang buhay ay isang laro kaya kapag minalas ka, wala kang ibang dapat na sisihin kundi ang sarili mo. Hindi mo ginalingan eh. Pero minsan...