chapter10: choosing♥

86 1 0
                                    

Jeydi POV

Pumwesto na ako sa piano marunong naman ako ng mga istruments kaso may isa akong istrument na kinalimutan ng tugtugin. Nagsimula na akong magtap sa piano.

"Dalawa kayo sa buhay ko at ako ngayon ay kailangan ng mamili isa lang ang maaari alam mong narito ako lagi para sa'iyo ohh mahal kita ng labis ngunit iba ang iyong nais"

Mahahalata mo naman pag nalulungkot ako at kung masaya ako, minsan lang ako kumanta ng seryoso yung boses ko madalas kase binababoy ko yung boses ko lalo na sa harap ng maraming tao.

"At siya'y narito alay saking wagas na pag ibig nalilitong litong litong lito ohhh"

"Sino ang iibigin ko ikaw ba na pangarap ko o siya bang kumakatok sa puso ko ohhh anong paiiralin ko isip ba o ang puso ko nalilitong litong litong lito sinong pipiliin ko mahal ko o mahal ako"

"Ang nais ko ay maranasan ang umibig at masuklian din ng pag ibig sinong ang iibigin ko ikaw ba na pangarap ko o siya baaaa.... ohhh anong paiiralin ko isip ba o ang puso ko nalilitong litong litong litong litong litong lito sinong pipiliin ko mahal ko o mahal ako"

Napaisip tuloy ako na kung ano i mean sino? Dapat ba laging puso nalang o dapat may isip? Sasaya ka naman kahit isip yung gamit mo diba? Tama na nakapagpasaya pa. Kesa sa puso na laging nagpapasaya pero lagi ding nananakit. Siguro ito na yung oras para sarili ko naman ang intindihin ko at siguro ito na rin yung time para pakawalan ko yung feelings na nararamdaman ko kay ryle, siguro nga ego nalang yung nandito sa dibdib ko iniisip ko na mahal ko siya kahit ang totoo hindi na kase yung ego ko yung nangingibaw. Thankyou sa kantang to. Dati pag naririnig koto nakokornihan ako pero totoo palang ang hirap pumili between mahal mo at mahal ka.

Sinarado ko na yung piano ngayon alam kona. Imbes mag imo emohan ako bat di nalang ako mag go with the flow may iba siya kailangan ba masaktan ako ng sobra? Siguro naman mas maganda kung hindi puro sakit yung nangingibabaw mas maganda siguro kung puro saya. Tama! Ngayon alam ko na.

Tumayo na ako sa inuupuan ko at lumabas na sa instrument room pupunta paba ako sa cafeteria? Shempre hindi na. Dumeretso ako sa room namin pero bago ako makapasok may narinig akong nagtatalo.

"Tsk. Andie naman kahit nasa school dapat yung rule sundin paden" sabi ni--- pagsilip ko si cameron pala.

"Nakakaintindi kaba? Diba sabi ko pag may tao" sigaw ni andie.

Di ko na pinakinggan mukang lq sila e naglakad lakad muna ako dito sa school ground naupo ako sa ilalim ng flag, shempre nandito ako sa flag pole. May mga nakikita ako na pda couples tsk yak eww.

Tumayo nadin ako sa kinauupuan ko siguro naman wala na dun yung lq na couple . At tama nga wala na sila andie dito umupo nalang ako sa seats ko then nag kabit lang ako ng earphone tapos pumikit lang ako.

William POV

Nasa cafeteria pa sila cley eljey john at migsz the torpe boy haha buti nalang talaga ako. Gwapo kaya madaming chix. Nandito na ako sa corridor at maniwala kayo sa hindi lahat sila lumuluhod at sinasamba ang kagwapuhan ko takte gwapo ko talaga shempre dahil marunong ako umapreciate ng gawa ng diyos kinikindatan ko lahat ng babaeng lumuluhod. Tsk wala e gwapo ko talaga sh!t. Papunta na kase ako sa room e.

"Hi william" ng lingunin ko magandang babae pero napaka showy kitang kita yung cleavage niya sa suot niyang uniform.

"Hi*wink*" ako yan. Pag gwapo di snabero *wink*

"Oemgiii. Pwede ba papicture" sabi nung babae.

"Sure gusto mo i-condo pa kita e" sabi ko at mawawala ba ang pambansang kindat ni william? Shempre hindi.

Mahal Ko O Mahal Ako [REVISED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon