chapter34: doubt

64 2 0
                                    

william POV

papasok na ako sa school di kona makalimutan yung kiniwento ni mama, hahaha shet nakabuntis si papa pero impernes napatawad siya ni mama bukod kase sa pinaglaban ni mama yung nararamdaman niya pinalaglag nung nabuntis ni papa yung baby.. pakakorni.

ngayon papasok ako sa school nagpahatid lang ako sa drivers namin tinatamad kase akong mag drive.

"cley!" pagtawag ko ng mamukaan ko ang likod niya.

"oh william, tara sabay na tayong pumasok" too formal tsk.

"formal mo talaga tsk" pag sagot ko. tumawa lang siya ng mahina.

sabay nga kami pumasok at himala wala pa si henry at jeydi.

"william tara dito" pagtawag sakin ni migsz

"ano? nababading kana?" sabi ko sabay tawa.

"ulol! tara nga kase" sabi ni migsz

shempre dahil likas na gwapo ako lumapit ako sa mga ugly ducks katulad ni migsz

"ano?" tanong ko.

"ulol! nakalimutan kona gago!" bulyaw niya sakin

siya na nakakalimot ako pa may kasalanan, hays kagago tong isang to hayop

jeydi POV

para na akong gago kakahabol kay henry, parehas kaming naka uniform pero napadpad kami sa park.

"ano bang problema? kanina ayos naman ah" sabi ko.

huminto ako saglit hingal na ako sobrang layo na namin sa school ewan koba kung bat biglang tinopak to.

"nakakawalang gana ka kase" sagot niya.

"ako pa? ano bang ginawa ko?" tanong ko.

minasahe niya lang yung sintido niya, maputol sana yang ulo mo.

"henry ano ba! papasok paba tayo?" tanong ko.

"edi pumasok ka!" bulyaw niya sakin.

"tangina naman! henry ano gagu-gaguhan? sumusuyo ako ng hindi ko alam ang kasalanan ko" sigaw ko.

kanina pa kase e nasasagad niya yung pasensya ko. kahit sobrang mahal kopa siya, eh may pasensya ko e tsk.

"edi pumasok ka nga bahala ka sa buhay mo!" sigaw niya.

kinamot ko yung ulo ko sa sobrang inis, nakakapikon.

"bala ka nga!" bulyaw ko sakanya.

naglakad na ako paalis mas gusto kong magkulong sa kwarto kesa naman yung ganto hindi na ako nag abalang lingunin pa siya.

nakakawalang gana na yung relasyon namin ah pero pinipilit ko naman maging perfect girlfriend ah.

di ko namalayang nasa tapat na ako ng bahay its already 9 am palang kaya sigurado akong walang tao sa bahay pahinga ng mga manang's and manong's sa bahay.

bumalandra agad ako sa couch ang sakit di ko alam feel kong damdamin nanaman yung away namin.

"tsk cutting classes"

pagkalingon ko, kumunot yung noo ko eto yung sa korea ihh yung englishero puta trespassing to ah.

"bakit ka nandito sa bahay namin ah?!" bulyaw ko sakanya.

"stupid" sagot niya sabay subo ng cookies.

marunong siya mag bake?

"anong stupid aba baka nakakalimutan mo nasa pamamahay kita" sabi ko.

Mahal Ko O Mahal Ako [REVISED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon