Dumeretso ako sa bilihan ng alak, kailangan kong uminom yung tipong di ko maaalala yung sakit. Tinamad na akong pumasok apektado kase ako e.
Pagkabili ko ng alak dumeretso ako sa condo unit ko... ako lang mag isa don pinag ipunan ko yun gamit allowance ko.
Pagkarating ko dito nisara ko kaagad yung pinto then dumiretso ako sa sala tinanggal ko lang yung sapatos at bag ko, yung uniform ko rin at palda nasa isa silang sofa nandito kase ako sa mahabang sofa e, hinanda ko na yung mga beer, tinungga ko na yung unang beer masakit oo pero siguro mawawala din to. Ilang beer naman to e magiging manhid ako at makakatulog panandaliang limot sa sakit na ginawa ng mga walang kwentang magulang ko. T*ng*na nila lahat wala silang silbe!
Eljey POV
Pagkaalis ni jeydi tinuloy parin ni mam yung klase niya, ano naman kayang emergency non? Siguro family matter... hanga din ako kay jeydi e kahit broken family siya kaya niyang ihandle yung emotion niya, siguro kung ako iiwan ako ni mom or dad siguro papakamatay nalang ako... kase parang ang hirap tumayo sa sarili mong paa, lalo pa napabayan si jeydi ng magulang niya nung 5 siya... oo naikwento na nila migsz samin, nalaman din namin na gang si jeydi alam na din ni cley next time ikukwento namin kay jelay para lima na kaming nakakaalam
Speaking of migsz asan kaya yon? Miss kona siya eme!
"Eljey asan si cley?" Tanong ni jelay
"Bumili ata ng pagkain sa cafeteria" sabi ko
Ang boring ang tahimik kase ni andie tapos wala pa si jeydi.
"I lost my mind noreul choeummannasseultte no hanappego modeungoseun get in slow motion~" kanta ni jelay. Well she's exo-l.
Kinukwento niya kase yun e pero mas gwapo parin yung gimme5, pero gwapo naman talaga yung exo.
May pumasok na teacher buti naman kase malapit na akong mabaliw dito sa room.
"Class meron kayong magiging project kailangan niyo bumuo ng 10 members" sabi ni mam. Kumpleto na kame.
"Kukuhanin ko yan next week kase sa tingin ko maraming absent, yun lang. Paki sabihan yung mga kaklase niyong absent ah" sabi ni maam sabay lumabas.
Wala ba silang planong mag turo? Bat ganon sobrang busy na nila e june palang naman... hays boring talaga.
Pagkasulyap ko sa pinto kakapasok lang ni cley may dalang... waaaaaa isawwww ♥♥
Umupo siya sa tabi ko. Permanent na naming seats yung 4th row kame nila cley tapos 5th row sila migsz, para daw hindi malito yung mga transferee.
Bale ang posisyon namin ganito:
Me*cley*jeydi*andie*jelay
Migsz*william*henry*cams*john"Dami ah" sabi ko
"Hehe, kuha lang" sabi niya
Natigil si jelay sa pagkinig ng music kase hawak niya na parehas yung earphone niya tapos nakatingin lang siya samin ni cley
"Oh wag mahiya" sabi ni cley
Umupo si jelay sa seat ni jeydi sabay kuha ng isaw... ang sawap
Nagpadismiss naman agad kase wala talagang matinong ginagawa... kaya in the end nandito kami nila jelay at cley sa bahay namin. Si andie kase umuwi na e sumasakit kase yung ulo niya.
"Waaaaa andami mong collection ng merchandise nung gimme5" sabi ni jelay
"HAHAHA. Shempre naman kase kada meron silang pinapatrend sa twitter na merchandise nila bumibili ako" sabi ko
"Ahh" sabi ni jelay
"Eh ikaw diba active ka sa mga concerts? Sa meet up... wala kang merchandise" sabi ko
BINABASA MO ANG
Mahal Ko O Mahal Ako [REVISED]
Teen FictionYAY! EDITED TO PERO MALAMING BUTAS AT JEJE HAHA WRONG GRAMMARS DIN AT MAY TYPO KAYA KUNG FEELING PERFECT KA WAG MO BASAHIN *WARNING! -JEJEMON ANG AUTHOR NG SIMULAN NIYA ANG KWENTO -NAKAKA INLOVE ANG AUTHOR (AYY YUNG STORY PALA) -MAY TOPAK SI AUTHOR...