Naalala ko pa yung mga panahon na ikaw pa yung mismong nag eeffort para makuha ang matamis kong oo. Yung tipong Intrams, me nagpahid sa’kin nung parang ewan sa mukha tapos tinabihan mo ako at sinabi na, “Ayan.. Ang harot mo kasi eh.” Sinabayan niyang hagikhik mo na parang gusto mong punasan yung mukha ko pero hindi mo magawa kasi una, nahihiya ka at pangalawa, kaya ko naman. Naaalala ko pa yung mga panahon na pinapaiyak ako ng ibang lalake na nagugustuhan ko, tapos umupo ka lang sa isang tabi tapos mula ulo hanggang paa, tinitigan mo ako, Yes. Alam ko yun. Habang pinupunasan ko yung luha ko, sumisimpleng tingin sulyap ako sa’yo. Hanggang sa hindi mo natiis, lumabas ka bigla. Pagbalik mo na lang yung sinabi mo sa’kin, “Tahan na, okay na. Kinausap ko na, tahan ka na.” Tapos napatungo lang ako. Hindi ko talaga alam yun, na me gusto ka pala sa’kin hanggang sa sinundan mo ‘ko, sa buong room, habang lahat ng mga kaklase natin, naghihigihikan sa tuwa, at kilig. Ako, walang kamalay malay sa mundo, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Punung-puno ng pawis. Mga panahon talaga na kailangang kailangan ko ng tubig para makahinga.
“Pwede daw bang manligaw sabi ni Jos?”
“Ha? Eh…”
Seryoso. Hindi ko talaga alam kung ano’ng isasagot ko sa mga oras na yun. Naging friends naman tayo pero hindi ko talaga alam na gusto mo na palang i-level up yung mga bagay bagay. Pero yun, matagal tagal rin ang panahon na nagdaan hanggang sa ibinigay ko na sa iyo ang sinasabi nila na matamis raw na oo, kahit maalat yung akin. Sa unang buwan, marami-rami pa rin akong naging mga crushes at mga natipuhang lalake, habang ikaw, nambabato na ng upuan sa classroom sa sobrang selos, naaalala mo ba yun? Hahahahahaha. Hanggang ngayon, hindi ako makapaniwala sa nangyari sa’ting dalawa, Jos. Pero nagpapasalamat pa rin ako na naging parte ka ng buhay ko somehow. Naging malaking bahagi ka ng puso ko. Wala lang, natatawa ako sa mga naisip ko nitong mga nakaraang araw, sobrang saya at haba na rin pala ng pinagsamahan natin. Kahit kailan, walang makakapalit nung space na yun sa puso ko. Para sa’yo lang yun. Tandaan mo yan, ha?
------------Itutuloy...
YOU ARE READING
Forbidden Forever
Teen FictionLife is a tricky thing.. Pag tipong akala mo dumating na yung taong peperpekto sa buhay mong parang wala lang noon, saka naman bigla biglaang mawawala ang lahat. Nina, isang babaeng nabuhay na walang tatay at walang ibang kilalang pamilya maliban sa...