Nagulat agad ako sa mga damit na tumambad at nakalatag sa kama niya pagkapasok na pagkapasok ko ng napakalaki at napakaganda niyang kwarto. Sa gilid, makikita mo ang mga koleksyon niya ng magaganda, matataas, at mamahaling mga sapatos na kung titignan mo eh, parang hindi mo kayang suotin kasi nga baka magasgasan.
“Uy, te? Tulala lang? Paulit ulit na ako ha, pumili ka na kundi iuuntog kita diyan.”
Bigla akong napabalik sa mundo ko, pinapapili na pala ako ni Shirley kung ano ang gusto kong suotin sa mga yun. Ano nga ba? Whoa, halos lahat ay mukhang magagara at magaganda. At mamahalin. At hindi pwedeng dumihan. At hindi bagay sa’kin. Pero tumambad talaga agad sa paningin ko ang isang light blue na 40’s era-inspired dress na sobrang sobrang plain pero sobrang ganda. Tapos sinukat ko na. Paglabas ko eh, parang nanay tong si Shirley na pagkatuwa tuwa pagtapos makagraduate ang anak.
“Ang ganda mo girl! Bagay sa’yo! Ayan na susuotin mo ha. Medyo daring te, ah!”
Pagtapos nun eh, inayusan na niya agad ako, kaunting make-up lang tapos kinulot niya yung dulo ng buhok ko. Red lipstick tapos tapos na. Naghanap rin kami ng sapatos na bagay sa suot ko, nakahanap kami sa koleksyon niya ng sandals na me konting heels na bagay naman sa suot ko.
10:35: Habang naghihintay, bigla na lang kaming nakarining ng Beep! Beep! na nagmula sa tapat ng bahay nila. Kinabahan ako noong pagsilip ko eh, Jos na pala. Sakay sakay ng kotse na kulay puti. Kinabahan ako, pero dali dali kaming bumaba para nga doon.
“Shirley. Thank you, ha. Aalis na muna kami ng girlfriend ko. Sige. Salamat ulit, Shirl.”
“Uy, Shirl. Thank you ha.”
“Landi netong dalawang ‘to. Sige na, gora na mga te. Pwede din umalis bago pa magcall si madernature. Go sago!”
Napangiti ako sa sinabing iyon ni Shirley.
“Get in, your highness.”
Nakakatunaw naman na sinabi sa akin ni Jos habang hawak hawak niya ang bukas na pinto. Sumakay naman ako sa kotse, na ngiting ngiti sa kanya.
——Itutuloy.
YOU ARE READING
Forbidden Forever
Teen FictionLife is a tricky thing.. Pag tipong akala mo dumating na yung taong peperpekto sa buhay mong parang wala lang noon, saka naman bigla biglaang mawawala ang lahat. Nina, isang babaeng nabuhay na walang tatay at walang ibang kilalang pamilya maliban sa...