March 24, 2004
Mondays suck. Ika nga ng mga tao, pero ako? Maaga talaga akong bumabangon dahil alam ko naman na kailangan ko nang kumayod para makakita ng pera. Ganito kasi ang takbo ng buhay naming mahihirap, kayod roon, kayod rito. Kapag umabsent ka ng isang araw sa trabaho, bukod sa pag iinitan ka na ng boss mo eh, kakaltasan pa ang kakarampot mong sweldo. Ayaw ko na kasing maulit yung mga nangyari sa’kin nung mga panahong nag aaral pa ako. Tipong mapuputulan kami ng kuryente para lang maipambayad sa mga utang sa eskwelahan. Masipag daw naman kasi akong mag-aral sabi ng nanay ko, kung tutuusin nga daw, mas deserve ko pang mag aral sa magagandang paaralan at masunod ang luho kaysa sa mga ibang mayayaman diyan na hindi man lang ma appreciate ang regalo ng pag aaral. Naging working student na rin ako simula pa ng unang taon ko sa college, hanggang sa pang apat at gumraduate na ako dahil nga patanda na ng patanda na si mama, kahit na gusto at kaya pa ng katawan niyang magtrabaho eh, ako naman ang nahihiya dahil ako na lang naman ang maaasahan niya. Buti naman at dahil sa matinding kayod namin ni mama eh, nakapagtapos ako sa kursong HRM. Naranasan ko nang maging katulong, maglabada, maging baby sitter, magtinda para sa isang tindahan sa isang buong araw (P50/day) Lahat na din ng mga auditions pinatulan ko, pumapasa man ako eh, hanggang sa top ganyan ganyan lang at hindi pa rin talagang nanalo. Buti nga naman at ngayon eh, medyo nakakaluwang luwang na kami sa buhay at etong bahay ni mama na hindi ko alam kung saan galing (kung bili niya ba o may nagpamana sa kanya o kung kay papa ba ‘to, ewan ko) eh napapaayos ko naman kahit papaano. Tinuruan rin naman kasi ako ng nanay ko na magtiis kung wala ako, kung meron naman ay ipunin. Bata pa lang ako, simula nung narealize ko na mahirap lang kami, talagang nakatatak na sa utak ko na kapag mayroon ako ay huwag kong gagastusin at ipunin ko na lang. Naaalala ko pa, may isa akong alkansya sa bahay kung saan nakaipon dun yung mga binibigay sa’king barya ng kung sinusino mang taong hihingan ko ng piso dahil nacucutean sa akin. Isama na rin natin dun yung mga napupulot ko sa daan.
Kaya nga nahihiya na rin ako minsang sumama kay Jos lalo na sa harap ng mga mata ng taong kapwa mga mapanghusga. Yung suot niya kasi at kutis at hitsura eh, halata talagang pangmayayaman at hindi pipitsuging tao lang. Ako? Palagi lang akong nakat-shirt at jeans. Hindi rin ako masyadong nagmemake up, paano walang pambili at wala na akong panahon para sa mga ganun. At hindi ko rin naman hilig. Minsan pagtitinginan na lang kami ng mga tao na parang…
“Ay, ang cutie cutie naman nung boylet. Pero bakit ganun yung girlalu? Mukhang julalay..”
Syempre hindi naman mawawala sa akin yung sakit kapag naririnig ko yun. Pero pag naiisip ko rin eh… Totoo naman. Tama naman sila. Pero kapag si Jos na naman ang nagsasabi na, Maganda ka. Ang ganda mo ngayon. Ang cute mo. Ang ganda ng ayos mo. Ang bango mo. Lahat ng mga salitang bumabagabag sa isip ko, lahat ng mga sinasabi ng tao, bigla-biglaan na lang nawawala sa utak ko at iisipin na sobrang sobrang swerte ‘ko dahil nagkaroon ako ng boyfriend na hindi lang anak ng sikat na pamilyang nagmamay ari ng isa sa pinakamayayaman at malaking kompanya dito sa Pilipinas kundi, mayroon akong boyfriend na mabait at sobra sobrang mapagmahal..
—————-Itutuloy.
YOU ARE READING
Forbidden Forever
Teen FictionLife is a tricky thing.. Pag tipong akala mo dumating na yung taong peperpekto sa buhay mong parang wala lang noon, saka naman bigla biglaang mawawala ang lahat. Nina, isang babaeng nabuhay na walang tatay at walang ibang kilalang pamilya maliban sa...