33. Wide awake.

21.5K 480 37
                                    

Mikaella's PoV

My heart stopped and my mind went blank. Hindi ako makagalaw, hindi ko alam ang gagawin ko. Nanginginig ako sa takot. Sh#t. How did this happen? Sana pinakinggan ko nalang si Adam at hindi nalang umalis dun. Waah!

"Tayo!" utos niya. Hindi ako kaagad nakasunod kasi sa baril nakafocus ang mga mata ko at wala na talagang pumapasok sa utak ko sa sobrang takot! What if he pulled the trigger? Is this going to be the end of my life?

W-wait up. There are so many things I haven't done yet. Madami pa akong gustong gawin, gustong malaman, gustong makita.

I haven't made up with my mom. Sige na, kahit pinalayas niya ako, kahit nagkaroon pa siya ng iba at pinagpalit ako dun, magpapakita na ako ulit sa kanya! I suddenly miss her. Haharapin ko na din si Yura at kakausapin kahit natatakot pa akong malaman kung nasasaktan ko padin ba siya. Gusto ko pang mas makilala ng mas matagal si Ruri at Gelai ganun din si Eiji at Ji Han! Kailangan ko pang mawitness si Ruri sa kasal niya. Ayokong makitang malungkot si Brian at ang Tsugs Tsugs baby gang.

At higit sa lahat...

I looked at Adam. A tear fell from my eye.

We still have three months together. Oo na. Kahit na ayoko, kahit hindi pwede, kahit imposible, kahit nakakatakot, kung makakaligtas ako dito, I will cherish every moment with him. I will cook for him. Madami pa kaming pag-aawayan. There's so much I still want to do as his wife.

Kaya ayoko pang mamatay! I can't let everything end today!

Suddenly, I remembered the gun safety lessons my dad gave me when I joined him at a shooting range. Kahit ayokong sumama, I did out of curiosity. Nacurious din ako kung paano humawak ng baril noon pero basic lang ang naituro sakin.

Tumaas baba ang dibdib ko at pinakalma ang sarili ko. Sabi kasi ni daddy kapag may nagtutok sakin ng baril, kailangan kong matutunan na depensahan ang sarili ko. And now, I'm grateful for that lesson dahil magagawa ko na ang isa sa mga itinuro sakin ni daddy. Up until today, he's still my hero.

Thanks, Dad.

"Tayo sabi e! Bingi ka ba?!" sigaw niya. Inalis ko ang tingin ko sa baril saka tumingin sa mga mata ng lalaki.

Dahan dahan akong tumayo saka itinaas ang mga kamay ko sa ere. Nakasunod ang baril niya habang patayo ako. Napalunok ako kasi... of course, nakakakaba padin! Err. But I had to do this.

"Don't shoot! Whatever you need, I'll give it to you. Just don't shoot!" sigaw ni Adam. Nakatingin lang ako sa mga mata ng lalaki pero shet, gusto kong ngumiti ngayon. Adam naman, magpakilig ka kapag wala sa kapahamakan ang buhay ko. Feeling ko tuloy ito na katapusan ko kapag ganitong kinikilig ako e. Aish.

"Shut the hell up! Hindi kayo ang kailangan ko, ilabas niyo si Brian Scott!" pabalik na sigaw niya. He's still looking straight at me kaya magkatitigan na kami ngayon. He didn't look very intimidating kasi para na siyang nawawalan ng pasensya sa itsura niya.

"We don't know him, alright? We don't know where he is or what he's doing right now. So calm down, and maybe we can work something out?" sabi ni Ji Han.

"Calm down my ass! I don't have time for that. I need that damn guy here!"

"Mainitin ang ulo, dude." si Eiji.

They were trying to distract him. Pansin ko lang din na medyo papalapit na sila ng papalapit sa pwesto nung lalaki. Ewan ko lang kung napapansin niya. Nasa gilid lang din kasi namin sila. Yung dalawang lalaki, ayun tumba na pala.

Wow? Nasan na baseball bat ng mga yun?

Napansin ko ang paggilid ng itim ng mata niya so I quickly moved to grab the gun, but someone shouted my name.

My Husband is a Monster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon