45. Mango with bagoong.

19.9K 378 1
                                    

---At Ruri and Eiji's hotel room.

Third Person's POV

Ding dong!

Nagkatinginan si Eiji at Ruri nung marinig nila ang pagdoorbell ng hotel room nila. Tapos na silang makapagbihis at ready na silang mag-lunch. Or lunch pa bang matatawag kung hapon na silang natapos? Haha.

Mabuti nalang din ay na-inform na sila ni Ji Han na papunta sa hotel room nila si Mikaella. No further explanation was given, kaya hindi maiwasan ni Ruri na magtaka kung bakit.

Lumapit si Ruri sa pinto para buksan ito. Nakita niya si Mikaella dun na inip na inip na naghihintay sa pagbubukas nila ng pinto.

"Mika-chan, what brings you here?" tanong ni Ruri na may ngiti sa labi. Of course, she was in a good mood.

Naexcite naman bigla si Mikaella nung makita niya si Ruri sa harap niya dahil ilang araw din niyang hindi nakita ang kaibigan pero mas lalo siyang naexcite nung matanaw niya sa likod nito ang taong kanina pa niya gustong makita.

"Ruri-chan! Namiss kita!" yakap nito sa kaibigan na mabilis namang tinugunan ni Ruri ng mahigpit ding yakap.

"I missed you too, Mika-chan. How have you been?" masayang tanong ni Ruri sa kaibigan. Nakangiting kumalas si Mikaella sa kanya. "I'm doing good, Ruri-chan. Can I come in?" tanong niya.

"Oh, yeah sure. Come on in, Mika-chan." gumilid siya para bigyan ng daan papasok si Mikaella.

"Thanks, Ruri-chan." magiliw na sabi nito saka pa hinalikan sa pisngi si Ruri bago tuluyang pumasok sa loob. She seemed to be in high spirits today, and Ruri wondered why. Baka naman may magandang nangyari sa kanila ni Adam? Pero nasan nga ba si Adam at bakit alam ni Ji Han na pupunta sa hotel nila si Mikaella? Now Ruri was confused.

Isinara ni Ruri ang pinto saka humarap kay Mikaella to welcome her properly.

"Hi, Eij." bati ni Mikaella kay Eiji. Nagulat pa si Ruri ng makitang yakapin ni Mikaella si Eiji.

"Eh?" gulat din na reaction ni Eiji. Napatingin siya kay Ruri and mouthed her'What's this??'.

Nagkibit balikat si Ruri saka naggesture ng hindi niya alam. 'What? You're asking me? I don't know!' she mouthed back.

"You smell like a baby, Eiji." inamoy amoy ni Mikaella si Eiji that creep him out kaya mabilis siyang lumayo dito. He crossed his arms over his chest, staring at Mikaella.

"W-what's with you today, Mikaella? Okay ka lang ba?" naguguluhang tanong ni Eiji. Ngumiti si Mikaella saka pinisil ang pisngi ni Eiji. "Ow..." mahinang daing niya since hindi naman ganun kasakit ang kurot niya.

"Nothing. Gusto lang kitang makita..." tumingin si Mikaella kay Ruri na nakanganga ngayon. She couldn't quite grasp what was happening. "Okay lang naman diba, Ruri-chan?" tanong niya dito.

"Ha?"

"Mikaella! Tsk!" pare-parehas silang napatingin sa pinto nung dere-deretsyong pumasok si Adam sa hotel room nila.

Nanlaki ang mga mata ni Mikaella saka mabilis na tumakbo para magtago ngayon sa likod ni Eiji. Eiji flinched when he saw the glare Adam gave him.

Sumilip mula sa likod ni Eiji si Mikaella saka nagwave kay Adam. "Hello." bati niya dito.

"Tch. Come here. We're going home now," naglakad si Adam para puntahan si Mikaella. Naramdaman naman ni Eiji ang pagkapit ng mahigpit nito sa damit niya sa likod. Mas lalo siyang naiilang sa ginagawa ni Mikaella.

My Husband is a Monster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon