59. Wounded Hearts.

18.7K 331 7
                                    

Mikaella's PoV

"Are you ready, Sweetie?" tanong ni Mom habang nakatingin siya sa akin sa repleksyon ko sa salamin na nasa harap namin. Tumingin ako sa sarili ko at bumuntong hininga. Nakawhite dress ako ngayon at gamit ko ang make up na bagong labas lang ng MS company.

"Y-yeah."

I'm all set, but the throbbing in my chest won't stop because of my nerves. Nakita ko na ang dami ng bisita ni mommy na iba't ibang kilalang mga businessmen kaya mas nakakapressure. Of course, magiging mataas ang expectation nila sa next successor ng MS company dahil sa mga nagawa na nila Mommy and Daddy before. Nakakapressure tuloy. Hello? Magc-college palang naman ako kaya nakakakaba since wala pa akong alam sa business world.

Pero sabi naman ni Mommy, appearance lang naman ang gagawin ko. Wala naman akong kailangang sabihin eh. Pero kahit ganito, kinakabahan talaga ako.

Ang baliw kasi na si Adam, inimbitahan ang buong pamilya niya. Loko talaga yun. Wala manlang akong kaalaman alam! Kung hindi pa ako binati ni Papa at Mama pati na rin ni Lola Priscilla kanina, hindi ko pa malalaman!

Paano kapag natapilok ako habang naglalakad sa stage? Shet! Naiimagine ko palang, gusto ko nalang magback out. Asar!

"Hey, ladies." pumasok siya sa loob ng dressing room habang nakangiti. Lumapit siya sa amin tapos hinalikan niya si Mommy sa pisngi.

"You're here, son. Iiwan ko na 'tong si Mikaella sayo, okay? Kakausapin ko lang ang organizer." sabi ni Mommy tapos tumingin siya sa akin. "You look so beautiful, Sweetie kaya wag ka ng kabahan diyan." matapos niyang sabihin yun ay hinalikan niya ako sa pisngi saka siya lumabas.

Natahimik kami ni Adam nung kaming dalawa nalang. Tumingin ako sa salamin pero nagulat ako kasi nakatitig pala sa akin si Adam.

"Why are you staring at me like that?" nakasimangot na tanong ko sa kanya. Hmp! Siya ang may dahilan kaya ayaw kumalma ng sistema ko ngayon.

Ngumiti siya sa akin tapos ipinatong niya ang mga kamay niya sa mga balikat ko.

"Nothing. Mukha ka lang namang anghel sa paningin ko. Mind if you take me to heaven with you?" he smirked. Namula ang mga pisngi ko dahil sa playful niyang mga ngiti at dahil na rin sa sinabi niya.

Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Pssh. Don't tease me, Adam. May kasalanan ka pa sakin ah." sinamaan ko siya ng tingin pero hindi nagbago ang expression niya.

"What?" natatawang tanong niya. Tumayo ako tapos hinarap ko siya at hinampas sa dibdib.

"Gago ka! Bakit naman dinala mo dito sila Mama at Papa, tapos isinama mo pa sila Lola Priscilla at Lolo Arturo! Ang sama mo! Ayaw tuloy kumalma ng sistema ko! Paano kapag napahiya ako dun, ano ang iisipin nila?? Ugh! Nakakainis ka tala—" napatigil ako sa pagdaldal at pagrarant ko nung hinalikan niya ako ng mabilis. What the...

"It's okay. No matter what happens to you on stage, it won't matter. Tanggap ka padin naman nila." he winked. Tss. Gusto ko pa sanang mainis pero ang sarap pakinggan ng sinabi niya dahil kahit si lolo Arturo ay sumama. I truly feel like I belong in their family now.

Hindi na ako nagsalita saka tumingin nalang sa salamin para huminga ng malalim. This is the moment of truth. Ngayon malalaman at makikita ng tao ang totoo tungkol sa amin ni Adam. Kinakabahan ako yet so excited. Dahil ipapakilala na ako ni Adam sa lahat bilang tunay niyang asawa.

And honestly, I... feel bad for Annabelle. Alam ko kung gaano kasakit ang makita ang taong mahal mo at akala mo ay makakasama mo habang buhay kasama ng iba. I've been there. Kaya naiintindihan ko yung nararamdaman niya. But there's nothing I can do for her. He's mine. Her family can't take him away from me.

My Husband is a Monster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon