*Kylie's POV*
Habang bumababa kami ni Justin, nakita ko ang lalaking nagpatibok ng puso ko at nagpapatibok ng puso ko. Nagbago na sya. sila na pala ni Charice. Ang matalik kong kaibigan NOON. nanigas ako noon, pero si Justin nagsalita. Mga words na nagpagaan ng loob ko. pagbaba namin ay binati ko si dad. Pinaupo muna kami nun dahil nagsalita si daddy. Naisip ko nanaman na I still love him.
"hey!are you okay Kylie?" tanong ni Justin. tumingin ako sa kanya.
"call me princess. No, im not okay." sagot ko sakanya. di ko kayang magsinungaling sa kanya. sya lang ang makakaintindi sakin.
"who is he?" pagkatanong nya nun, nanigas ako.sasabihin ko ba?aish ewan.
"my ex." ganun lang ang sinabi ko, peor sobra akong nahirapan na sabihin yun.Hinawakan ni Justin yung kamay ko, hinigpitan ko paghawak. Hindi ko alam gagawin ko kung wala sya sa tabi ko ngayon.
"you still love him, right?" tanong nya. sasagutin ko sya. napatingin ako sa lalaki, ang lalaking hinahanap hanap ko. nakatingin sya sa akin.
"yes." malamig kong sagot.
"how about Paul?" pagkasabi nya nun, napatingin ako sa kanya. ano nga ba si Paul para sakin?.
"no." pagkasagot ko ay napatingin sya sa akin. alam kong nagulat sya at madaming tanong, bute dumating si dad.
nagsayaw kami ni Dad.woooh. ang ganda ng kanta. bagay.
-dance with my father
"are you happy?" tanong ni dad. nagsasayaw kami habang nakatingin ako kay Justin. Nakatingin lang rin sya sakin
"it's your birthday." ewan ko kung bat iyon yung nasagot ko.
"who is he?" tanong ni dad. alam kong si Justin tinutukoy nya.
"he is Justin. He will sleep here. I invited him here." sabi ko kay dad. buong sayaw ay tulala ako. kwento lang ng kwento si dad. ako ay nakatingin lang kay Justin. ewan ko kung bakit.
Hinatid na ako ni Dad kay Justin. Ngumiti si Justin at tumayo.
"I will talk to both of you later."pag kasabi ni dad nun, nawala ngiti ni Justin. humawak ako sa braso nya at pinaupo sya.
"don't be afraid, kilala kana ni daddy."pagkasabi ko nun, ngumiti sya.
halos lahat ay nagsasayaw na, ang iba ay nakain, kami ni Justin nakaupo lang. pinaglalaruan nya lang kamay ko. di naman ako naangal. ayaw namin ng tugtog puro indakan.
"ayoko nang ganitong kanta. Di bagay sa suot natin..hehe" sabi ni Justin. hehe. natawa nalang ako.
"tara, sa garden tayo." aya ko kay Justin. tumayo sya tapos inalalayan ako.
naglakad kami. mayroon din mga tao dito. papunta kami sa upuan malapit sa fishpond. Bigla namin nakasalubong yung ex ko at matalik kong kaibigan na magkaholding hands. IIwas sana ako kaso pinigilan ako ni Justin.
"hi my dear Kylie. My dearest bestfriend." sabi ni Charice. tinaasan ko sya ng kilay.
"babe, di mo ba kakausapin ang ex mo?" malanding sabi nya, please wag kana magsalita. masasaktan lang ako,
*normal POV*
"hi my dear Kylie. My dearest bestfriend." sabi nung babae. sya yung nakita kong maganda kanina. napataas ng kilay si Kylie.
"babe, di mo ba kakausapina ng ex mo?" malanding sabi nung babae.hala, so bestfriend ni Kylie yung girl pero sya na yung gf nung ex ni Kylie na mahal nya pa rin. F*ck! masakit yun. I know Kylie needs me now.
"hi princess." pagkasabi nung lalaki napansin kong napasandal si Kylie sakin.
Kailangan ko pairalin ang kaangasan ko ngayon.. Inakbayan ko si Princess at tumingin sya sakin. Ngumiti ako.
"she's my princess, so don't you dare call her princess. And besides, she's my girl."sabi ko.nairita ata yung lalaki at napatingin sa pagkakaakbay ko kay Princess.
"at sino ka naman? nabiktima ka nyang babaeng yan. di hamak na mas maganda ako dyan."sabi nung girl. eh kung sapukin ko kaya toh.. ang ganda ganda ni princess.
"oo nabiktima ko sya! bakit aagawin mo din kasi wala kang mahanap katulad ng mga nahahanap ko?kasi basurahan ka!"sabi ni Kylie.halos lahat ng tao nakatingin na samin.
"basurahan ka dahil tumanggap ka ng isang..." napatigil si Kylie at tumingin sa ex nya.
"basura..." pagkasabi ni Kylie, napatawa ako ng wala sa oras. napangiti si Kylie
"how dare you Kylie!"sigaw nung babae. waaah, sasampalin na nya si Princess.
"woahh!" sigaw namin kasi si Princess yung naunang sumampal kaya di sya nasampal.nagulat ang lahat.. ano to, teleserye..loko ah.
"wala kang karapatan sampalin ako. tandaan mo andito ka sa pamamahay ko! kaya pwede kitang sampal sampalin!" sabi ni Princess.. astiiiig! maglalakad sya ng tumigil sya sa harap ko..
"nga pala Justin, si Charice at Marco. ang mga taong dapat mong iwasan para di maging patapon ang buhay mo." pagkasabi ni Kylie, umalis sya at umupo sa isang bench. sumigaw ako..
"Princess! Kuha lang ako ng pagkain natin." sabi ko tapos tumungo sya. iniwan ko dun sila Marco na nakatayo.
kumukuha ako ng food nang biglang lumapit yung papa ni Princess.
"para sa inyo ba yan ni Princess?" tanong ng papa nya. tapos ngumiti.
"opo."sagot ko..kamote!kinakabhan ako. ano gagawin ko?! wala si Princess, walang magpapalakas ng loob ko?wew
"i'm her dad, call me tito Rhon." sabi ng dad nya.
"ako po si Justin Deguzman."sabi ko.
"wow, it seems na super close ka sa anak ko.."patawatawang sabi ni Tito
"p--po?" utal utal kong tanong.
"kasi nagpapatawag sya ng princess sa mga especial na tao sa buhay nya." tinulungan ako ng dad nya sa pagdadala ng food.
"ah. ganun po? ayaw nya po kasi magpatawag ng Kylie sakin. Nagagalit po." sabi ko ng mahinahon.
"si Princess talaga... kanina nung nagkagulo dahil kay Charice at Maroc,nakita ko pero di ko nilapitan. alam kong alam nya ang dapat gawin.."sabi ng dad nya habang nakangiti. bahagya akong napatingin kay tito.
"ano pong ibig nyong sabihin?"tanong ko sa dad nya.
"manang mana kasi sakin yan eh.. napakacold kausap pag nasasaktan sya. sweet pag masaya.kaya nga lumalaban yan ng nasa lugar.lumalaban pag naaapi.palaban na bata at nasa lugar ang mga sinasabi."direktang sabi ni Tito.. wow.. mana talaga si Princess sa kanya.napangiti ako at tumingin kay Princess habang naglalakad.
"hindi ko pa po sya ganun kakilala pero alam ko po na si Princess yung tinutukoy nyo." sabi ko.
"ingatan mo sya at pasayahin." sabi ni tito at nagtuloy tuloy na kami papunta kay Princess. nang makita nya kami napatayo sya at kumunot ang noo.
"at ano namang ginawa mo kay Justin ha daddy!"sabi ni Princess habang nakahawak ang kamay sa bewang.napangiti ako.
"ito talagang prinsesa ko. tinulungan ko lang si Justin sa pagkain nyo. Justin, ikaw na bahala sa anak ko ha?"pagkasabi ni tito ay nagnod ako at umalis na sya,.binigay ko na kay Kylie yung food
"thanks!"sabi nya sabay belat. ang cute nya talaga!isip bata! pasta lang kinuha kong food para hindi hassle.
------
comment po plissssshhhhh!! thanks