Daydream Girl

25 1 0
                                    

-CHAPTER 2-

"Hoy! Tulala ka na naman!"
Siya si Jheje. Crush lang naman nya ang nag iisang soloist ng taga-Boystown Academy, si Dello.

"Tunaw na yang ice cream mo oh!"
Sya si Andy, emo yan lagi. At crush nya ang isang modern dancer, si Jerome.

"Oh my G!! Nakuha ko na slumbook ko!"
Si Ruth na hangos na hangos na umupo sa tabi namin. Naconfiscate kasibang slumbook nya. Dormmate ko sya. Katabi ko rin ng bed.

Silang tatlo ang nagbigay kulay ng high school days ko.

Di man kayo makapaniwala sa school na meron kame pero ganun talaga.
Isang Catholic school. Separated ng campus ang boys and girls. Boystown Academy and Girlstown Academy. Yung mga boys na may curricular ang laging may chance na pumunta sa campus namin.
Bukod sa mas malaki yong campus namin, yung mga folkdancers namin kelangan syempre ng boys at Rondalla boys ang tumutugtog para sa kanila.
Para saan?? Minsan competition, invitation sa iba't ibang occation or hotels pero kadalasan para sa benefactor ng school namin. Tumutugtog din kame syempre.
Private-Sectorian ang school namin. (Bawal banggitin ang name ng school)
Pero di lahat ng teachers namin ay madre, sa Religion lang.

Sa school namin bawal ang makipagtitigan sa boys, makipag sulatan, higit sa lahat makipag usap. We need to focus on our study talaga. No love life. No social life.

4years kame dito sa school, may vacation naman kame 2weeks at 1day visiting day. Akalain mo nakaya ko yon. 4years walang gadget.

Mga batang may high IQ ang pinag aaral sa school na to. Take note, BUONG PILIPINAS.

Ang bilis ng panahon. Post-Secondary na agad kame. Yes! Graduate na kame ng high school. Wag malilito ha... Bihira lang ang school na nagga-grant nito. This is TESDA Accredited.

"Grabe 8months na lang gagraduate na tayo" Si Jheje na nalulungkot dahil sa December gagraduate na kame. Commercial Cooking NC II ang kinuha nya.

"Kaya nga eh. Yung pangarap nating banda ha, walang limutan dapat solid tayo". Si Andy, na laging nagreremind ng bandang bubuohin namin. Ang AutoCad Designer sa min

"Oy! Lea ahh. Ooy!" Tinulak na ko ni Ruth haha. Pansin nya atang nagde-daydream ako. Dressmaking NC II naman si Ruth, soon daw magiging fashion designer sya.

At ako, Contact Center Services NC II. Gusto ko kasing magMass Com sa college.

"Ang gwapo nya talaga. Di naman sya totally gwapo singkit lang kasi sya."

Lahat sila napatigil at napa "Huh?"

Iisa lang ang singgkit sa kanila, Si Ely yan noh" -Jheje.

Wooopss sinong yang Ely na yan ha?-Ruth

Yung nasa likod nya Ruth. - Jheje

Oh my! Pano na si Edwin? -Ruth

Si Edwin, first crush ko sya. Valedictorian sya ng batch nila nung gumraduate sila nung elementary. Magaling sya magchess at mabait.

"Inspirasyon ko lang naman yun, wala namang kame, wala na nga akong balita sa kanya eh. Wala naman sigurong batas na nagsasabing bawal magka-crush."

"Crush is paghanga, sometimes nawawala, sometimes lumalala..." - Andy

"Kapag lumala, pag-ibig na nga" - Jheje

Tawanan naman kame.

"Check this out guys" - Andy at pinatugtug ang radio casette.

At kahit mahal kita
Wala akong magagawa
tanggap ko oh aking sinta
Pangarap lang kita

Pangarap lang kita by Parokya ni Edgar

"Aray naman"- Jheje

"Sakit!"

Kung bakit ganyan ang reactions namin?
Lahat kasi ng crush namin, may crush ding iba. Saklap di ba.

"Nangangamoy theme song natin to ah"

SURVIVOR'S DIARYWhere stories live. Discover now