SLUMBOOK

21 1 0
                                    

-CHAPTER 5-

Tapos na klase, diretcho naman agad ako sa music room, naging habit ko na to, ganun talaga pag dedicated ka.

"Oh my g! Oh my g!" - si Ruth dala dala ang slum book nya.
Naabutan ako ni Ruth na nagpeprepare ng pyesa para sa practice ng 3rd year rondalla.

"Hayaan mo na si Ate Ai dyan, lika na dito" - Ruth na hila hila ako sa likod ng kabinet. May space kasi sa likod ng cabinet ng instruments namin yun ung nagsilbing bodega namin para sa mga sirang instruments.

"Look" - Ruth habang binubuklat ang pahina ng kanyan slum book.

"Teka walang laman yan ah, panong..."
Ibig kong sabihin walang sulat. Blank book kung baga.

"Ako pa ba?" -Ruth

*****

Flashback 5days ago...

°°Ruth's POV°°

Papunta ako ngayon sa Bldg #1. May klase kasi ako sa Computer lab sa first floor. Sa second floor naman Dressmaking class at nandon ang ang costume room namin, costume sa lahat ng event.
Nakita ko ang bus ng Boystown sa tapat ng bldg#1.

"Bakit kaya andito tong mga pugo na to, may rehearsal ba?"

Sakto naman na dumaan si Thea, kilala ko sya syempre kasi dancer.

"Thea, san punta?"

"Pupunta kami sa Malacañang" - Thea

"Ahhh..."

Lalayo na sana ako tinawag ko ulit si Thea,
Bahala na...

"Thea..."
Hinila ko sya sa gilid, yong walang makakakita sa min. Pasimple kong binigay sa kanya ang slumbook ko. Ang size nito ay 1/2 lenght wise. Dala ko to galing bakasyon nong January.
Naintindihan na nya ang gagawin. Gawain rin kasi ang magpasaway tulad namin. Hahaha

"Ako na bahala dito, iaabot ko lang naman, ako na rin kukuha pag tapos na sila, baka next rehearsal pa ito maibalik sayo" - Thea. Galing!!

"Ok lang, salamat ha, pakisabi ingatan nila baka mukang tae na yan pag bumalik, haha"

"Sige na, sakay na ko sa bus." - Thea

Buong klase akong wala sa sarili, naisip kong hindi na muna ipaalam sa tatlo kapag successful kapag nakabalik na sakin, ipapaalam ko na. Bright idea. Si Thea kaya kumusta? Hmmm... Sisiw lang yun sa kanya.

*****

°°Lea's POV°°

"Nakoo talaga dinamay mo pa si Thea"

Kaklase ko kasi si Thea.

"Sabi ko na nga ba ganyan magiging reactions mo eh, ang mahalaga andito na sya, ahihihi" - Ruth na tuwang tuwang kinikilig.

"Patingin nga!"

"Tapos titingin din... Oh!" - Ruth

Binigay naman nya sakin, syempre kay Crush una kong tinignan. YES!! CRUSH KO NA YONG CHINITONG YON!

"Sabi ko na nga ba yan ang una mong titignan eh" - Ruth

"Sssshhhh"


Name: Ely Reniva
Age: 15
Bday: o9/12/96
From: Albay
Color: Black, Blue, Red
Cell no.: o9123456789
**please wag ipagkalat baka sumikat ako

Ayy iba den! Di ko na tinapos narinig ko kasi si Jheje, hinahanap ako.

"Ruthai, kokopyahin ko to mamaya"

"Sows, magfe-flames ka lang eh"- Ruth

"What's the commotion all about?" - Jhe

Hinablot sakin yong slumbook.

"Yan tayo eh, nagbabasa pa ako eh, bastusan!"

"Teka, meron ba kay Dello?" - Jhe, hinahanap yong pangalan ni Dello.

"Meron! Ah ah! Dahan dahan naman sa pagbuklat" - Ruth

Si Jheje kasi parang ipo ipo kung bumuklat, nasayahan masyado.

Alam nyo ba na pag may sumisilip samin, tinatago namin yong slumbook, di naman nila alam kung anong pinagkakagukuhan naming tatlo eh. Napapa smirk na lang sila kasi ang ingay daw namin. Hahahahaha

"Lea, magtono ka na, magpapractice ang 3rd year, andito na yon sila maya maya"- Ai

Istorbo naman...

"Magtono ka na daw don" - Ruth at Jhe
Pinagtatabuyan ako? Ang itsura nila subsob sa slumbook.

"Magkapalitan kayo ng muka oy!"

At hindi ako pinansin.

SURVIVOR'S DIARYWhere stories live. Discover now