Occasions

10 1 0
                                    

-CHAPTER 7-

Haaay... Namimiss ko si Mama.

Andito ako sa music room, nakatulala lang sa clearbook, wala pa kasi yong imementor ko, pati sina Jheje at Andy hindi ko pa nakikita, tsaka wala ako sa mood makipag usap.

"Ate may problema ka ba? Homesick?"
- Sya si Carmela, yung minementor ko na 3rd year Rondalla.

Umiling lang ako sa tanong nya.

"Ipapamentor muna kita kay Ara ha, bawi ako sa sunod. Galingan mo ha"
Ayaw man nya pero wala syang choice.

"Sige po Ate" -Carmela

Kinausap ko na si Ara, pumayag naman sya. Bago ako tumalikod narinig ko pa sya..

"Anyare don sa mentor mo Carmela" -Ara
"Homesick"- tipid na sagot ni Carmela

Tsismosa talaga tong Ara na to...

Pababa na ko ng nakasalubong ko yung tatlo na akbay akbay si Ruth. Siguro sinabi na ni Ruth kay Jheje at Andy ung nangyare.

"Anyare sayo Teh?" -Jheje

"Huh?"

"Maangmaangan pa to, halata naman, pektusan kita eh"-Andy

Ewan ko pag andito talaga tong tatlong to nagsu-switch mode agad ako.

"Homesick lang... Ngapala..."

Pinakita ko ung P2500 na binigay sakin kahapon

Reaction ng tatlo??

"Waaaaaaaah!! Galing mo! May budget tayo"

Well para samin naman talaga yung pera.

"Bili tayo chips sa culinary, ako bahala" -Jheje

"1,500 lang sa inyo kasi budget ko yan sa OJT ko"

"Kala ko ba di ka mag ooJT. Sabi mo pag graduate natin ng Post Secondary saka ka mga ooJT, tsaka nakita ko waiver mo walang pirma bleeh!" - Ruth na pangisingisi pa.
Aba benelatan pa ako?!

"Madali lang pirmahan yon noh"

"Baliw! Pano kung sunduin ka ng mama mo?! - Andy

Isa ring dahilan kaya di ko maiwan ang Rondalla dahil sa dedication ko, buhay ko na to. Dito ko naramdaman ang mapuri ako sa harap ng karamihan, yon nga lang practice makes perfect nga naman kaya si Jheje ang napiling soloist, wala naman sakin yon basta nandito ang dedication ko.

Pagkatapos naming makabili ng malunggay chip ng patago. Tumambay kami sa skylounge sa taas ng school library.

"Woohoohooo!! Nakikita mo ba to Jerick? Woohooo!!" - Si Ruth na winawagayway ang PE Tshirt nya. Tanaw kasi sa school namin ang Boystown.

Pinagtatawanan namin si Ruth habang nilalantakan ang malunggay chips.

"Asa ka naman na maririnig ka non" -Andy

"Asa din na makikita nya yang Tshirt mo" -Jheje

"AHAHAHAHAHAHAHA"

"Ah basta!! ... oooy tirhan nyo naman ako ng chips" -Ruth

"No"-Andy at pinasa kay Jheje

"Iwagayway mo lang yang Tshirt mo, hahaha"- Jheje at pinasa naman sakin yong chips.

"Ah ah namaaan! Penge na" -Ruth na parang bata.

"Oh! Baka makunan ka pa!"

Tawanan naman kaming tatlo.

"Bukod sa kain tayo ng kain, bakit kaya tuwing may birthday ang isa satin icelebrate natin, one cake per person"

"I like your idea" - Jheje

"Me too!" -Andy

"Wag na!!..." - Ruth

Lahat kame WHAT-look kay Ruth

"Just kidding... Hahaha" -Ruth

"Peram ng slumbook Ruthai..."

Binigay naman nya, nakasimangot nga lang.

"Mauunang mag birthday, si Jheje, next si Ely, next Dello next Jerick next ako, next Ruthai, next Andy.. Sina Irish, Berg tas yong iba tapos na mag birthday"

"Ayos yan!" - Andy

"Iba talaga pag RK, buti naisip mong humingi ng pera" - Jheje na naamaze sa ginawa ko.

"Naisip ko lang pag nag OJT ako, mahirap daw eh, super binabadyet nila yong pera"

"Oo yong mga dormmates ko nga eh..." - Andy na nagbago ang awra ng muka

"May hindi sinasabi si Andy satin" - Ruth na unang nakapansin sa awra ni Andy.

"Daya naman, ganyan na ha, lihiman na..." - Jheje

"Saka ko na lang sasabihin sa inyo" -Andy

"Pabitin masyado"

Sabihin na kasi!!" - Ruth na naiiyak na naiinis ang itsura

"Kasi... Mag-oOJT na ako next week" - Andy

"WHAT???!" - chorus

SURVIVOR'S DIARYWhere stories live. Discover now