Visiting Day

10 1 0
                                    

-CHAPTER 6-

Ang bilis ng panahon, September na kaagad. 3months to go na lang gagraduate na kame.
Anong meron ngayon?
Today is visiting day.
Visiting day is family day. Kahit one day lang masaya na ako non.
Anual celebration na to sa school namin.

~~~

Pagkatapos namin tumugtog ng mass umakyat na agad kame sa dorm for breakfast. Yung mga visitor nasa labas pa ng school's gate, papapasukin naman sila at 8am, hanggang sa gym lang syempre.

Yung mga dormmates ko atat ng bumaba. Nga pala 45 kame sa dorm 3deck ang bed. Well kasya naman kasi nakabukod naman ung wash room. Tsaka may laundry room sa bawat building. Sarap buhay!

Riiiing!!! Riiing!!! Riiing!!!

Ibig sabihin babaan na.

Pagdating ko sa gym nakita ko agad si Mama. Syempre niyakap ko sya agad. Kasama nya ang pinsan kong si Ate Jo. May dala silang hotdog, shanghai, cake at spaghetti.

"Kumusta ka naman dito?"- Mama

"Si Mama talaga, ngayon mo lang ako kukumustahin eh pagraduate na ko, sana sinusulatan mo ko, naiinggit ako sa mga dormmates kong laging may letter galing sa family nila."

"Wag na maiinggit andito naman si Mama" Si Mama bini-baby na naman ako

Since walang gadget, snail mail ang way of communication samin.

"Ma dami nyong dala."
Kakain na sana ako kaso...

"Oops! Wait kantahan ka muna namin ng happy birthday" -Mama

At ayun kinantahan nila ako. Daming tao hiya ako.

"Tama na Ma. Gutom na ako"
Kahiya syempre di lang kame ang tao don.
Pumwesto kame sa may gym, freestyle Besh! Yung ibang bisita sa forest. Ung iba sa oval, yung iba dito sa gym.

"Nahihiya ka lang eh, yung ibang bata nga oh naiyak walang bumisita aa kanila"- Mama

"Hindi ah, gutom na talaga ako"

Ganun talaga, siguro walang pamasahe parents nila kaya di nakabisita.

"Susunod daw ang tita Joy mamayang hapon, mamimili sa bazaar, may bazaar pala dito?" - Ate Jo.

"Oo, tuwing may ganitong occassion lang naman nag oopen ng bazaar"

"Magaganda items nila sa bazaar Jo, yung mga items yong mga estudyante mismo ang gumawa" -Mama

First time kasi ni Ate Jo dito.

Ginala ko sina Mama at Ate Jo, though nalibot ko na si Mama dito last year, si Ate kasi hindi pa. Selfie ng selfie si Ate, amaze na amaze parang nasa ibang bansa daw sya. Maganda kasi ung ambiance sa bandang Chapel Area. Parang nasa Banneux Belgium ka talaga. Maya maya nakita ko si Ruth.

"Ruthai, Mama ko tsaka pinsan ko si Ate Jo"

"Hello Tita, Ate. Hiramin ko po muna si Lea" -Ruth na supeeeer lapad nng ngiti.

"Sige, mag cCR lang ako" - Mama
"Sama ako Tita" -Ate Jo.

"Ngiting ngiti ka?!"

"Kami na" -Ruth

"Huh?"

"Kami na ni Jerick" -Ruth

"Whaaat? How? When? Why?"

"OA mo, kausap ko sya kanina, gumana ung cp# na binigay nya. Gosh! My bf na ko" -Ruth

"WHAT??"

Shocked talaga ako mga Besh!

Oh yeah! Bawal yon pero wala tayong magagawa.

-Flashback-

°°Ruth's POINT OF VIEW°°

"Ate Micah pahiram ako ang cp mo"

Pinahiram naman agad ako ni Ate, walang tanong tanong kung san ko yon gagamitin.
Kainis! Namiss ko magphone.

"ring! ring! ring!"
Nagriring na... Kinakabahan ako...

"Hello? Sino to?"

Oh my! Sya kaya to??

"He-Hello?"

"Ruth?"

"Je-Jerick?"

Grabe kilala nya agad ako.

"Grabe nakilala agad ako?"

"Sabi ko na nga ba ikaw yan eh"-Jerick

Naging maganda ang usapan namin hanggang sa...

"Ano tayo na?" -Jerick
"Sige!"

***end of flashback***

"Grabe ganun na lang? Bilis naman! Mamaya tuloy ang kwento ha"
Lumabas na kasi sina Mama sa CR

"K!"-Ruth na kinikilig talaga.

Nilibot ko si Ate Jo sa buung campus, dumating na din sina tita. Bago sila umuwi humingi pa ako ng allowance though hindi naman kailangan dahil provided foods namin.

Si tita ang daming binili sa bazaar.

"Anak, behave ha, konti na lang. Mag iingat ka dito palagi, muah!"-Mama

"Opo Ma, love u na! Ingat kayo!"

SURVIVOR'S DIARYWhere stories live. Discover now