Ch. 1: Freedom

1.2K 11 0
                                    



"Hey! I think you've had enough." Sabi ng kaibigan kong si Drew habanng inaagaw nya ang tequila na iinumin ko na sana.

"Trueee! I've had enough of everything! I am telling you... I need to let loose!" pasigaw kong sinabi dahil sa ingay ng club.

"Then get out of your comfort zone. Explore new things, meet new people or!... learn how to love less. Masama ang sobra."

Natawa ako sa sinabi nya. Learn to love less? Sya nga ang dapat matutong magmahal eh.

Siguro kulang nga ako sa pagmamahal at pansin ng mga magulang. Kaya siguro ako laging naghahanap ng taong makapag bibigay sakin ng attention at pagmamahal. Yung tunay na pagmamahal.

"I think you're right. I'm done being controlled my entire life. I'm done being the miss goody two-shoes, and I'm so done with this boring life." Patawa kong sinigaw.

"Cheers to the new Sam!"

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ 

It's been two days since the last time na nag clubbing kami ni Drew. One thing na I learned that night sa pagiging lasing ko, is that I really need to experience "freedom."

Freedom is one thing na iniiwasan ko simula pa nung bata ako. It is a luxury para sakin. Well, in my case eh freedom to do things that would really make me happy. Kasi ang mga bagay na alam kong magpapasaya sakin eh mga bagay na magiging disappointment sa family ko.

To give a little bit of a background about myself, ako nga pala si Samantha Ramirez. Anak ng mag asawang sikat na business tycoons na kilala sa ibat ibang bansa. Pero to make my story short, most people think na isa akong spoiled bratinela at mapagmataas na tao. Yan ang tingin ng mga taong hindi pa ako nakikilala. They judge me based on my family background and sa mga lumalabas na mga balita tungkol sa mga magulang ko.

I'm hoping na that will end soon. Dahil I will try to get out of my comfort zone and show the world the real me. Babalik ako sa bansa kung saan ako pinanganak to embrace my roots. I might be able to discover new things about me. This is my chance to experience happiness.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ 

Pagkadating ko sa pilipinas, I thought it'll be easy, pero dun ako nagkamali. Sa tuwing nagbabakasyon ako ng pilipinas, laging may driver, and mga ate na laging sumasama sakin kahit san ko man gusto pumunta. Pero since I decided to do things on my own, kailangan kong matuto.

Pagkakuha ko ng luggage ko, I looked for a pay phone para tawagan si Drew. Sobrang against kasi sya sa ginawa kong pag iwan ng phone ko. I arrived sa Manila ng madaling araw and I know na hapon na sa Canada. I'm pretty sure na pa chill chill nalang yun sa house nya.

After ng mga 2 rings lang, sumagot naman sya agad. I knew na sisigaw sya on the other line kaya nilayo ko nang konti ung phone sa tenga ko. In 3.. 2.. 1.. "Yooooooow!" Napaikot nalang ako ng mata sa pagiging tama ko. "You're so dramatic Drew."

"Gusto mo sumunod nalang ako jan? Sa sobrang arte mo I don't think makaya mo yang plan mong yan."

"You're the one who gave me the idea. When you said outside of comfort zone and happiness, Philippines agad ang pumasok sa utak ko. So it's your fault if I break down."

"Look... Just stay out of trouble. When I say trouble, it means guys who look good and acts nice and friendly."

"Ohhh you mean you?"

"Uh... we can say yes to that."

Hindi man lang tinanggi kahit yung gwapo part lang. Nagtawanan kami and soon after eh we wrapped up our conversation.

I love travelling. Madami na akong napuntahan na bansa dahil sa mga photoshoots and sa business ng family ko. Pero everytime I travel, there's always someone with me. Hindi pa ako naka experience na mag travel all by myself.

Simula nung 15 ako, nag umpisa na akong mag save ng sarili kong pera from my allowance and from the photoshoots na na contribute ko sa business ng parents ko. Nag umpisa akong mag ipon at that age dahil jan ko din napag isipan na i really need to learn how to stand on my own two feet at wag na masyadong mag depend sa family ko.

At that age ko din kasi na realize na baka there will come a time na maging rebellious ako sa kanila. Look at me now, away from their controlling hands. 

It's true na yung money na sinesave ko is from my parents ko din dahil nga sa allowance, pero some of it eh sarili kong sikap dahil sa mga pagtitiis ko to do things I don't really like for them.

Now that I'm here in a country that I don't know very well, aside from sa mga na sesearch and naririnig sa mga ate sa bahay, mejo na ooverwhelm ako.

Sabi sakin dati ng sister ko, life is not a race but indeed a journey. Lagi nyang sinasabi sakin dati na I should create my own story based solely on what I love and what makes me happy.

"Now.. Where should I go?" Sa totoo lang, Nag decide ako na pumunta dito sa pilipinas pero wala talaga akong plano sa kung anong gagawin or pupuntahan pagdating ko dito. I can't go sa house namin Kasi what's the point na magsasarili na ako diba?

I left my phone sa Canada dahil they might use it to track me down. So I don't have a way para makapag search ng lugar na pwede ko munang puntahan.

Nilapitan ko yung isang worker sa airport and asked her kung pano pumunta ng bus station. Which is stupid of me kasi mataray na sinabihan lang ako na alam na daw yun ng mga taxi driver if I tell them na dun ako ihatid.

By the time I reached the station, nagulat ako sa dami ng tao. It looked like halos lahat ng tao dito eh lalayas. Dala dala pa yata nila lahat ng mga gamit nila sa bahay. Some of them had this sack like bags, and yung iba naman puro big boxes ang mga dala.

It's super crowded in here at ang amoy mahirap i-explain. Naghalo-halong amoy usok, gasolina, pawis, at goma. Mahaba haba ang listahan ng mga reklamo ko but then I realized na wala akong karapatang mag inarte. Walang nag foforce sakin para pumunta dito. I need to adapt. 

Dahil wala din naman akong idea kung saan ako pupunta, I decided to buy a ticket sa unang byahe na available.

Halos 5 hours ang paghihintay ko at sobrang init pa. Tinignan kong maigi ang luggage ko habang pinapasok nila ito sa space sa baba ng bus. It's better to be safe. Pagpasok ko sa loob ng bus, agad ako umupo sa available na upuan sa may bintana.

Hindi ako nakatulog ng maayos sa eroplano. Kaya dahil sa sobrang pagod ko sa long flight, nagpatalo na ako sa antok.

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon